NAKAUPO AKO sa gilid ng bar habang tumutungga ng alak na naman. Kagagaling ko lang sa trabaho at agad akong dumeritso. Sahod ko ngayon kaya uubusin ko 'to pang inom ng alak. Naka ilang bote narin ako ng vodka at panay ang order ko ulit. Sa sobrang sanay na ng katawan ko sa alak ay hindi na ako nalalasing kahit anong gawin ko. Sobrang lakas ng music sa loob ng bar na halos yung dibdib ko ay parang nagigiba. Nakatingin lang ako sa mga taong nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila. Ako lang yata ang umiinom dito na mag-isa. Pero ayos lang, sanay naman din ako. Nagsalin ako ng alak sa baso ko at napakunot noo ako ng hindi napuno ang shot glass ko. Naubos na pala ang laman kaya itinaas ko ang kamay ko para kunin ang atensyon ng waiter. Agad naman siyang lumapit sa pwesto ko kaya sinabi kon

