MAGKAYAKAP kami ni Perseus habang nandito sa labas ng bahay namin. Hinihintay kasi namin ang pagdating ng dalawa kong kapatid. Napagdesiyonan kong mag papuntahin sila dito para magbakasyon dahil tapos naman na ang pasukan. Kasama nilang papunta dito si lola at dalawa ko pang tita at ang isa kong tito. Kaya excited akong makita sila. Nagdagdag pa talaga ng kwarto si Perseus, pinaggawan niya ang bahay ng dalawang kwarto pa. Bilib talaga ako dito sa asawa ko, isang utos lang niya ay nagagawa niya agad ang imposible. Sa loob ng two weeks ay nagawa agad ang kwarto, magdamagan ba naman. Kaya sa loob ng two weeks ay nasa penthouse kami ni Perseus para hindi daw maistorbo ang tulog ko. Kahapon lang din kami nakauwi dito sa bahay dahil tapos na. Balak sana ni Perseus na dito na patirahin a

