NANDITO PARIN kami sa hospital at hindi parin nagigising si Eugene. Naging maayos ang kalagayan niya ngunit hindi parin siya nagigising sa nakalipas na araw. Nag-aalala parin ako sa kanya, hangga't hindi siya nagigising hindi ako makakatulog ng maayos. Ni hindi nga ako umuwi sa bahay nila Eugene dahil ayaw ko siyang iwanan mag-isa at baka may umatake ulit. Kahit pa nga may inilagay si daddy na mga bantay sa labas ng hospital room ni Eugene. Iniimbisitigahan ngayon ang kaso ni Eugene. May lumabas kasi na testigo na nakakita na may lumabas sa gate ng bahay nila Eugene. Ayon sa testigo ay nakita daw niya 'to at pati ang mukha. Dalawa daw 'to, isang babae at isang lalaki. Kaya malakas talaga ang kutob ko na si Amber talaga ang may pakana. Si daddy ang nag aasekaso ngayon sa kaso habang tin

