NAGSIMULA na si Caius manilbihan sa bahay namin bilang kasambahay. Ewan ko ba kung anong trip ni daddy at ginawa pa talaga niyang yayo si Caius. Pwede naman sana maging driver or hardener, talagang ginawa pa niyang katulong. Umaga pa lang nakita ko na si Caius na naglilinis sa sala. May suot pa talaga siyang apron kaya natawa ako sa itsura niya. Seryoso talaga siya maging katulong ni daddy. Kanina ko pa nga siya tinatawag na sabayan ako mag kape ngunit ayaw niya. Sinusubuan ko na nga lang siya ngunit ayaw parin niya at baka mahuli daw kami ni daddy ko at sisantihen daw siya bilang manugang. Baliw talaga siya. Niyaya din siya ni Fitz kanina na maglaro ng basketball sa labas ng bahay. May playground kasi kami sa gilid ng bahay kaya gustong mag paturo ni Fitz sa daddy niya. Nandito ako n

