NAPAGDESISYONAN namin ni Eugene na pumunta ng dagat ngayong araw. Two months na simula ng dito ako nakatira sa bahay niya. Nalaman ko kanina mula kay Eugene na may malapit na dagat dito sakanila. Gusto kong pumunta dahil matagal tagal narin simula ng makaligo ako sa dagat. Huling ligo ko pa yata ay nong nag bakasyon kami nila mommy at daddy sa Ilocos Sur. Malapit kasi ang bahay nila tito Robert at tito s***h tita Cali. Pumayag naman si Eugene na pumunta kami do'n pero nilalagyan niya ng sunblock ang katawan ko at baka magka sunburn daw ako. Nang matapos niyang lagyan ang katawan ko ay sabay kaming lumabas ng bahay. Dala-dala ni Eugene ang bag na may lamang pagkain dahil plano naming mag picnic na rin do'n. Parang date narin namin. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa kalsada. Kaya

