NANDITO kami sa kwarto ng anak ko at kinakausap siya ng masinsinan. Tinatanong ko siya kung paano niya nasabi na si tito Dilan niya ang magiging daddy niya. Kahapon ko pa talaga gustong itanong sa anak ko. Matapos namin kumain kahapon ay nag aya pa si Dilan na gumala pero hindi na ako pumayag. Umiyak pa si Fitz kahapon dahil sa hindi ako pumayag na gumala pa. Hindi ko na kasi gustong makasama pa si Dilan at uwing uwi na ako sa bahay namin. Kinausap ko na din si Dilan na wala talaga siyang pag- asa sa 'kin kahit anong gawin niya. Naiintindihan naman daw niya yun pero sana daw ay mag bago pa daw ang isip ko. Ewan ko kay Dilan kung bakit pinipilit niya ang kanyang sarili sa 'kin. "Fit, anak. Galit ka parin ba kay mommy?" Tanong ko sa anak ko dahil iyak siya ng iyak kahapon. Umiling ang

