SINUNDO ako ni Nathalie at sumakay kami ng bus dahil wala siyang kotse. Mabuti nalang at maasahan ang kaibigan ko at agad akong pinuntahan ng walang pag aalinlangan. Tahimik lang ako nakaupo sa upuan ng busa habang nakatingin sa labas ng bintana. Gabi na kami bumyahe dahil dumating kanina si Nathalie ng 12PM. Pinagpahinga ko na muna siya saka kami umuwi. Nagpasalamat ako sa mag ina na tumulong sa 'kin kahapon. Kung hindi nila ako tilulungan baka umiiyak lang ako sa gilid ng kalsada. Tinatanong ako ng kaibigan ko kung anong nangyari sa 'kin ngunit hindi ako sumasagot. Pagod na ako mag salita pa, pati yata ang kumain ay pagod narin ako. Kahapon pa ako hindi kumakain, kahit anong pilit ni ate sa 'kin na pakainin ako lagi akong tumatanggi. Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakasandal

