MARA'S P O V "Mukhang may nakabili na ng Unit sa katabi Natin." balewalang sabi Ko, kadarating lang Namin galing Baguio. May nakikita kasi Kaming mga Kasambahay na balik - balik mula sa paglabas ng Elevator hanggang sa loob ng Unit sa kabila. Base kasi sa Suot Nilang Damit kaya alam Kong mga Kasambahay Sila. Sinu - susian na ni George ang Pinto ng Unit Namin. Hindi na lang kasi pincode ang ginamit N'ya. Hindi S'ya kumibo pero si Yaya ay nagkibit Balikat lang. Hanggang makapasok Kami sa loob ng Unit Namin. Kinuha Ko muna kay Yaya si Gette para makapag - linis S'ya ng Katawan. Alas Nueve na ng Gabi, pare - parehong tulog sa Byahe kaya mag - half Bath lang Kami at matutulog na pagka - bihis. Kumain na din naman Kami sa nadaanang Restaurant. "Sige na Yaya, sa Amin na tatabi si Gette sa pag

