KABANATA 1

1357 Words
JOSEPH'S P O V "Coffee, Hon!?" malambing na tanong ng Asawa Ko sa Akin. Tumango naman Ako tsaka N'ya inilapag sa tabi Ko ang Isang Tasang Kape. Bago S'ya umupo sa katabi Kong Silya at tahimik Kaming Kumain ng Almusal. Tulog pa ang Anak Naming Lalake na Isang Taon na mahigit ang Edad. Pagkatapos Kong Kumain ay Tumayo na Ako para pumasok sa Trabaho. Tumayo din agad ang Asawa Kong si Amanda at inabot sa Akin ang Bag ng Laptop na lagi Kong dala. "Thank You!" seryoso Kong saad at tumalikod na papuntang Pinto ng Condo Namin. "Ahm! Love!?" tawag N'ya sa Akin kaya nahinto Ako sa paglabas at lumingon sa Kanya na hindi Ako nagsasalita. "T - tatanong Ko lang kung Ano ang gusto Mong Ulam for Dinner?" atubili N'yang tanong Huminga muna Ako ng malalim, "Kahit Ano, Ikaw na ang bahala!" maikling tugon Ko, pilit lang Akong ngumiti. "Sige! Mag - iingat Ka!" tumango naman S'ya kaya itinuloy Ko na ang paglabas ng Condo. Nagda - drive na Ako ng Kotse papuntang Opisina ng Negosyo Namin. Nung Isang Taon lang ay ibinigay na sa Akin ang pag - manage ng Negosyo Namin. Tatlong Taon na ang nakakalipas nang Biglaan Kaming nagpakasal ni Amanda. Dahil may nangyari sa Amin sa Bahay ng Classmate Namin na may Birthday. Pinakasalan Ko S'ya dahil sa pananakot ng mga Magulang N'ya kaya wala Kaming nagawa ni Mara kundi maghiwalay ang Aming mga landas. Ang dami na sana Naming Plano. Pero gumuho iyon nung pakasalan Ko nga si Amanda. Naging mabuti naman S'yang Asawa sa Akin. Asikasong - asikaso Ako sa lahat ng mga pangangailangan Ko. Kahit sa usaping intimacy ay binibigay N'ya kahit Kelan ay hindi N'ya narinig mula sa Akin na Mahal Ko S'ya. Pinili N'yang maging Plain Housewife kaya Hands On S'ya sa pag - aalaga sa Aming Toddler na Anak. Kahit sinabi Kong kumuha S'ya ng makaka - tulong sa pag - aalaga at makakasama sa Bahay ay hindi S'ya pumayag. Kaya pati gawaing Bahay ay S'ya na din ang nagta - tarbaho. Wala naman Akong masasabi sa Kanya kundi Ulirang Ina at Asawa S'ya sa Amin ng Anak Naming si Cesar. Pero mula nung magpa - kasal Kami ay naiba na din ang ugali Ko. Kung dati ay Jolly Ako at Friendly, Ngayon ay naging seryoso na Ako at Aloof sa ibang Tao. Kung hindi nga Ako pinu - puntahan ng mga Kaibigan Ko Dito sa Opisina ay hindi pa Nila Ako makaka - usap at makikita. Para kasing lumayo Ako sa mga Tao. Lalo na sa Pamilya, Kamag - anak at Kaibigan ni Mara. Iniiwasan Ko talagang puntahan kung Saan na pwede Kaming magkita ni Mara. Pati Family Gatherings ay madalang na din Akong pumunta. Kung hindi pa Ako pagalitan ng mga Magulang Ko ay hindi Kami pupunta na Mag - anak. Kung dati ay lagi Kaming Present ni Mara at Kami pa nga madalas ang Emcee. Gustong - gusto naman ng mga Bisita dahil lahat ay nakiki - join sa mga palaro Namin. Walang Killjoy sa Aming Dalawa kaya lagi Kaming umuuwi na may mga ngiting naka - paskil sa Aming mga Labi. Kumbaga ay walang Doll Moments kapag magkasama Kami. "Good Morning, Sir!" bati ng Guard sa Building ng Opisina Namin kaya lang Ako nabalik sa Kasalukuyan. "Good Morning, Too!" ganting bati Ko sabay tapik sa Balikat N'ya, yumuko naman ito sa Akin. Itinuloy Ko na ang pagpasok ng Building at pagsakay sa Elevator. Sa dami nang bumabati ay puro tango lang ang nasasagot Ko. "Good Morning, Sir!" masiglang bati ng Secretary Ko, pagpasok Ko sa mismong Opisina Ko. "Coffee, Sir!?" tanong naman N'ya. "No! Thanks! Nag - Kape na Ko sa Bahay!" seryosong tugon Ko, tumango naman ang kausap Ko. "Anong Oras ang Meeting mamaya with the Investors?" tanong Ko na lang sa Kanya, sabay upo sa Swivel Chair Ko sa Likod ng marangyang Office Table. "Ten O'clock po Sir!" mabilis naman N'yang tugon. "Sige, Salamat! Tatawagin na lang Kita kapag may iuutos Ako." tugon Ko naman "Sige po, Sir!" Sagot N'ya sabay Yuko pa bago lumabas ng Private Office Ko. Inumpisahan Ko naman ang Trabaho Ko. Hindi pa Ako nagtatagal nang maka - receive Ako ng tawag. "Hello!" tugon Ko, hindi Ko na nga tiningnan kung Sino ang Caller "Sa Wakas! Naka - usup Ka na din Namin!!" sigaw nung kausap Ko sa Kabilang Linya, kaya bahagya Kong inilayo ang Cellphone Sa Tainga Ko, tiningnan Ko pa kung si Seri ba talaga ang kausap Ko kahit kilala Ko naman ang boses N'ya. "Bakit Ka napatawag?" seryoso Ko na lang na balik na tanong Ko sa Kanya "Wow! Ha!? Ikaw ba 'yan, Joseph Andrei!!?" sarcastic Nitong Tanong, napabuga na lang Ako ng Hangin sabay bitiw ng Ballpen na hawak Ko at sandal sa inu - upuan Ko. "Bakit nga!?" tanong Ko na lang ulit "Birthday ni Val, Punta daw Tayo sa Condo N'ya mamaya, Duon na daw Tayo mag - dinner mamaya." mahabang paliwanag N'ya "Marami Akong gagawin! Next Time na lang!" mabilis Kong tugon, narinig Ko namang umung0l na may pagtutol ang kausap Ko. Hindi na din kasi Ako pumupunta sa mga Bar kahit Anong aya Nila sa Akin. Lagi Akong may dahilan o kaya ay hindi Ko na lang sinasagot Ang nga tawag Nila sa Cellphone. "Hindi Ka pa ba nakaka - move on?" tanong ulit N'ya, natigilan naman Ako, hindi pa nga ba? Tatlong Taon na, okay naman Kami ni Amanda, wala nga Akong maipipintas sa Kanyang masamang Ugali N'ya. "Marami pa Akong gagawin, sige na, hindi Ako makarating mamaya, Bye!" sambit Ko sabay end nang tawag N'ya. Napa - buntong - hininga muna Ako, tsaka pumikit habanb naka - sandal pa din sa Swivel Chair. Mula nga kasi Nuong sinabi Ko kay Mara na Kailangan Kong panagutan si Amanda ay wala na Akong Balita tungkol sa Kanya. Nagpalit na din Ako ng Cellphone Number para maiwasan S'ya. Sa Tatlong Taon Naming Mag - asawa ni Amanda ay wala pa naman Akong nakikitang Kamag - anak N'ya o Kaibigan. Kaya wala Akong mapag - tanungan ng tungkol sa Kanya. O talagang ini - iwasan Ko ang mga Lugar na dati Naming pinu - puntahan para hindi mag - krus ang Aming mga landas. Pati Pamilya N'ya ay wala na din Akong balita. Kung sabagay baka nga kapag nagkita Kami ay hindi lang masasakit na Salita ang matikman Ko sa Kanila. "Sir!?" tawag ng Secretary Ko, kaya nagmulat Ako ng mga Mata, nasa harapan Ko na pala S'ya ng Office Table Ko. Kumakatok ito bago pumasok, baka naman kumatok nga pero hindi Ko nadinig kaya pumasok na lang. "May masakit Po ba sa Inyo!? Pwede Ko pong ipa - cancel ang Meeting." halata sa Mukha N'ya ang pag - alala, Secretary pa kasi ito ni Daddy, hindi na Ako nagpalit dahil kabisado na N'ya ang mga gagawin. "Hindi! Sumakit lang ng bahagya ang Ulo Ko," pilit Kong ngiti, hindi Ko na pala namalayan ang Oras. Ganuon na ba Ako katagal na nag - iisip lang. "Sige po, Sir, hintayin na lang po Kita sa Labas." sambit pa N'ya "Sige, ayusin Ko lang nga Gamit ko." tugon Ko naman, nakita Ko na lang sa gilid ng Mata Kong naglakad S'ya palabas. Niligpit Ko na nga ang mga Papeles na naka - kalat sa ibabaw ng Office Table Ko. Tsaka Ako lumabas pagkatapos Kong ayusin ang Aking Sarili. Sumunod naman agad ang Secretary Ko, paglabas Ko ng Opisina. Ite - take down Notes kasi N'ya ang mapapag - usapan Namin para ma - review Ko pagkatapos para walang makalimutan. Naging successful naman ang Meeting Namin. Pinag - patuloy Ko na ang ginagawa Ko sa Office Ko Kanina. Kahit Anong tawag sa Akin ng mga Kaibigan Ko sa Cellphone ay hindi Ko pina - pansin. Bahay - Opisina, Opisina - Bahay lang Ako Tatlong Taon na. Hindi Ko din maintindihan ang Sarili Ko kung bakit lumalayo Ako sa Kanila. E, matagal naman na Kaming magkakaibigan. Kahit pinag - tatabuyan Ako ni Amanda na lumabas lalo na kapag Weekend. Di-ne- deadma Ko lang. Mas gusto Ko pang laruin o alagaan ang Anak Naming Toddler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD