Diane's POV Tinotoo nga ni Stone ang kanyang sinabi sa akin na pupuntahan niya ako ngayon sa shop. He's now sitting in one of my tables while sipping his coffee and eating some of my pastries that I personally made. Nahuhuli ko rin siyang paminsan-minsan na nagnanakaw ng tingin sa akin dito habang inaasikaso ang mga orders ng ibang customer. Hindi ko rin maiwasang tignan ang isang bouquet ng bulaklak na binigay niya sa akin kanina. "Manliligaw na kaya ni ma'am Diane yung gwapong lalake na customer natin?" "Siguro? May pabulaklak na si Sir Pogi eh." "Kailan kaya ako makakatanggap ng ganyan kagandang bulaklak galing sa isang lalakeng ganyan din ka gwapo?" "May qualifications 'yan, unang-una, dapat kasing ganda mo rin si Ma'am Diane." "Haha oo nga naman, tsaka libre lang talaga ang man

