Diane's POV Earlier that morning... "Five more minutes, please." Napailing na lang ako matapos kong marinig ang pakiusap ni Hayden nang sinubukan ko siyang gisingin. "Pero kailangan mo nang kumain. Gusto mo bang mahuli sa trabaho mo?" Wika ko sa kanya habang nakahalukipkip. Mula sa pagkakabaon ng kanyang mukha sa aking unan ay nilingon ako ni Hayden. He suddenly sniffed like a dog before sitting above my bed. "What's that smell?" Napangiti ako bago lumapit sa pinto atsaka doon sumandal. "I cooked some breakfast." Biglang nagningning ang kanyang mga mata atsaka kaagad na napatayo. Mahina akong natawa nang dali-dali niyang isinuot ang tsinelas atsaka lumabas sa aking kwarto. Kaagad na dumiretso si Hayden sa may kusina atsaka doon umupo. Sinundan ko siya bago umupo rin sa kanyang tabi

