IYA POV
Tatlong araw na matapos ang birthday ni Tyrone at ang nangyari sa akin. Nagkasakit ako dahil doon at hindi ko na siya nakikita na umuuwi dito sa bahay nila. Dinadalaw rin ako ni Ryan at dinadalhan ng bulaklak. Kulang na lang paro-paro sa loob ng kuwarto para maging garden na. Minsan napaisip ako na baka patay na ako dahil sa mga bulaklak na dala niya.
Buti pa si Ryan may care sa akin pero si Tyrone? Wala, ni sorry nga wala e. Pero bakit gano'n, bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya? Nababaliw na ba ako? Dapat magalit ako sa kaniya dahil hinulog niya ako sa pool. Sinad'ya niyang bitawan ang kamay ko at nahulog ako, hindi man lang niya ako tinulungan. Muntik na akong malunod dahil hindi ako marunong lumangoy. Imbes magalit ako sa kaniya pero heto, hinihintay ko siyang kausapin ako at humingi ng tawad sa akin.
Tyrone, bakit ganito 'yong nararamdaman ko?
"Hi, Iya," napatalon ako nang biglang sumulpot si Ryan sa harapan ko. Nandito kasi ako sa paborito kong upuan sa labas nagmumuni-muni.
"Dios ko naman Ryan, bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Pakihanap nga ang kaluluwa ko tumakbo nang makita ka," S
seryosong sabi ko sa kaniya. Humagalpak siya ng tawa at may pahawak-hawak pa sa tiyan niya. Wala na malala na 'tong lalaking 'to.
"Hoy, nababaliw ka na ba, Ryan? Tatawag na ba ako sa mental hospital para ipa-confine ka?" tanong ko sa kaniya. Tumigil na siya sa kakatawa at kinalma ang sarili.
"Grabe ka Iya, pinatawa mo 'ko hoo!" sabi niya at huminga pa ng malalim.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Hindi pa umuwi si Tyrone kaya wala siya rito," sabi ko sa kaniya.
"Alam ko, hindi naman siya ang pinunta ko rito," sagot niya. Nagsalubong ang kilay ko, sinong pinuntahan niya dito? Ahh, baka naiwan rin ang kaluluwa niya rito.
"Naiwan mo ba ang kaluluwa mo rito kaya mo binalikan?" tanong ko. Natatawa na naman siya.
"Pfffftt, hindi. Ikaw ang pinunta ko rito, tara gala tayo. Hindi ka pa naka gala 'di ba, simula no'ng dumating ka rito sa Manila?" tanong niya.
"Hindi pa, pero puwede ba 'yon? Baka hindi ako payagan ni Senyorita Qatara," nag-aalalang sabi ko sa kaniya.
"Papayag 'yon, ako ang bahala ipagpaalam kita sa kaniya. Tara sa loob." Hinila niya ako papasok ng bahay.
Nasa sala na kami at nakita namin na pababa si Senyorita Qatara.
"Good afternoon, Ate," bati ni Ryan sa kaniya.
"Good afternoon, anong ginagawa mo rito? Nagkita na ba kayo ni Tyrone?" tanong niya rito.
"Hindi pa po. Ate puwede ba kaming gumala ni Iya?" tanong niya.
"Yes of course, you can take her out. But..." pabitin niyang sabi.
"But?" tanong ni Ryan sa kaniya.
"Iuwi mo siya ng 7pm okay?" sabi niya kay Ryan.
"Sure ate, no worries. Thank you," nakangiting sagot ni Ryan at tumingin na sa akin.
"Magbihis ka na, hihintayin kita sa labas," utos niya sa akin at lumabas na. Patakbo akong pumasok sa kuwarto namin ni Manang Belen at nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kuwarto at dumiretso sa labas ng bahay. Binuksan naman ni Ryan ang pinto ng kotse niya at pinasakay ako. Sumunod na din siya sa kabila at umalis na kami.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang nasa biyahe.
"Ikaw, saan mo gustong pumunta? Sa Mall o sa park?" tanong niya sa akin. Kaya ko nga siya tinanong kasi wala akong alam na lugar dito sa Maynila, ako pa ang tinanong. Minsan shunga din 'tong lalaking 'to.
"Wala akong alam dito sa Maynila 'no, kaya ikaw na ang bahala," sabi ko sa kaniya.
"Sige, para masaya, sa amusement park tayo. Maganda do'n, magra-rides tayo," masayang sabi niya.
"Talaga? Ano nga palang rides?" Tanong ko. Wala kasi akong alam, inosenteng probinsiyana.
"Ferris wheel, rollercoaster, at marami pang iba." Sabi niya. Nakaramdam ako excitement at napangiti.
"Talaga? Sige-sige doon tayo, gusto kong masubukang sumakay sa mga ganiyan. Nakakikita ko lang kasi 'yan sa lungsod namin doon sa probinsiya." Sabi ko sa kaniya.
"Sure, basta para sa'yo." Sabi niya.
"Ang laban na'to," kanta ko. Tumawa na naman siya. Kumanta lang naman ako, baliw talaga.
"Ang saya mo no? Anong nakain mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Pfffftt, you know what Iya. Kapag kasama kita lagi akong natatawa, napaka jolly mo kasi." Sabi niya sa akin. Ano daw jolly? Mukha ba akong Jollibee?
"So sinasabi mong Jollibee ako gano'n?" Taas kilay kong tanong.
"Pffft, hindi gano'n 'yon. Ibig kong sabihin masaya kang kasama, basta natutuwa ako kapag kasama ka." Sabi niya.
May humaplos sa puso ko na tuwa, sana ganiyan din si Tyrone.
Ano ba 'yan, ayoko na nga isipin 'yong lalaking 'yon.
Itinuon ko na lang ang sarili ko sa labas ng bintana ng kotse. Maya maya pa ay huminto na ang kotse ni Ryan. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Sana all gentleman.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lugar, ito na siguro ang sinasabi niyang amusement park.
"Ryan, ito na ba ang sinabi mo na park?" Tanong ko na umikot pa para makita ang paligid. Ang ganda kasi rito at may mga rides nga na kagaya ng sinabi niya kanina.
"Yup, let's go para makapili ka ng una nating sasakyan," sabi niya at hinila na naman ako papasok sa loob.
"Saan mo gusto unang sumakay?" tanong niya. Nag-isip muna ako at tumingin sa mga rides.
"Hmm, roller coaster," sagot ko sa kaniya.
"Talaga? Baka magsisi ka kapag sumakay tayo diyan?" tanong niya sa akin.
"Hindi, gusto ko diyan tapos sa Ferris wheel naman," sabi ko sa kaniya.
"Okay, hintayin mo 'ko dito bibili lang ako ng ticket," sabi niya at pumunta sa ticket booth.
Na e-excite ako habang hinihintay siya. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang 'to maranasan.
"Nak bili na ako, let's go?" sabi ni Ryan. Tumango ako at naglakad na kami papunta sa sakayan ng roller coaster.
Inabot niya sa lalaki ang ticket at sumakay na kami. Kusang nag-lock ang parang belt sa katawan namin at unti-unti itong gumalaw. Mabagal lang hanggang sa makarating na ito sa taas. Pakiramdam ko lumipad ang kalahati ng katawan ko. Manananggal.
"Are you ready?" biglang tanong ni Ryan sa akin na hinawakan ang kamay ko. Alanganin akong tumango kahit hindi ko na gets ang tanong na iyon.
Napasigaw ako nang bigla itong bumilis at pababa at umikot-ikot.
"Aahhhhh!" Lumabas ata ang baga ko sa sobrang lakas ng sigaw ko habang si Ryan naman ay tumatawa.
"Omgeee, ang sayaaaa!" sigaw ko.
Itinaas namin ang kamay namin at nagsisigaw kami sa saya. Lumipad man ang kaluluwa ko, masaya pa rin kami hanggang sa huminto na ito. Muntik pa akong sumubsob dahil nahilo ako pagtayo ko. Tinawanan ako ni Ryan at inalalayang makaupo sa may upuan sa tabi.
"Grabe! Ang saya no'n. Pero parang nawala 'yong kaluluwa ko, Ryan, baka nilipad na 'yon ng hangin," sabi ko sa kaniya.
"Pffft.. babalik 'yon mamaya, baka gumala," natatawa niyang sagot.
Nagpahinga muna kami at kumain ng ice cream sa may tindahan.
Nagkwentuhan kami at nagtatawanan habang inuubos ang ice cream namin. Ang saya ng hapon ko, bagong experience na hindi ko makakalimutan.