Isang napakabangong putahe ang sumalubong kay Isabela nang muli siyang makapasok sa bahay ng mga Marasigan. Alas sais na ng hapon at bigla na lamang siyang sinundo ni Uno sapagkat sa bahay daw sila maghahapunan. Nang makita nga ni Isabela ang binata ay halos magpalamon na lamang siya sa lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi pa niya lubusang nakakalimutan ang nangyari na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya. “Nandyan na pala kayo. Maupo ka muna, Atasha. Tatapusin ko lang ang niluluto ko,” magiliw na salubong sa kaniya ni Agatha na nakasuot pa ng apron. “Thank you po, Tita,” nakangiting sambit naman niya. Tumango si Agatha at naglakad na ulit pabalik sa kusina. Tumingin naman sa kaniya si Uno kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. “May kukunin lang ako sa kwarto ko. Feel at home,” seryosong

