"Sa wakas, after how many years, nagpakita rin kayong tatlo," iiling iling na sambit ni Carla, isa sa mga naging kaklase ng triplets noong highschool pa lamang sila. Nagsimula na ang get together nila at halos isang oras na iyon. Maayos naman ang takbo ng kanilang event. Nagsisimula na rin silang mag-inuman, maliban na lang kay Uno na nakikinig lang sa mga usapan at hindi nakiki-inom. Panay din ang sulyap sa kaniya ni Azel ngunit hindi na lamang niya pinapansin ito. Ang totoo ay hindi inaasahan ni Uno na pupunta pa si Azel matapos ang eskandalong nangyari. "Ano na bang balita sa inyo?" tanong naman ni Coleen na kanina pa pilit pinapainom si Uno ngunit hindi naman ito magtagumpay. "Coleen, huwag mo nang pilitin si Uno. Hindi mo siya mapipilit na uminom kahit ano pang gawin mo," pabirong

