Napuno ng katahimikan ang buong bahay dahil sa sinabi ni Isabela. Lahat sila ay nagulat at mas lalo na si Uno na hindi na maipinta ang mukha. Isang pagak na tawa ang bumasag sa katahimikan. “Are you insane? Hindi mo ba alam na ikinama ako ni Uno, at may lakas ka pa ng loob na ipaglaban siya? For your information, pumayag na si Uno na ikasal kami,” mataray na sambit ni Azel sa kaniya. "Azel, watch your word," saway ng ama nito sa dalaga. Tumingin si Isabela kay Uno, at ang binata ay marahang umiling na lamang na tila sinasabing huli na ang lahat. Napahinga naman ng malalim si Isabela at saka lakas loob na tiningnan ang mag-asawang Kean at Agatha. “Tito and Tita, alam ko pong mahirap para sa inyo ito, ngunit hindi po ako naniniwala na may nangyari kay Azel at sa BOYFRIEND ko,” seryosong

