Chapter Fourteen

1351 Words
Chapter Fourteen The Dress Mabilis natapos ang mga buwan. I'm still at Campbell pero hindi ko na nakakausap si Escarcega. Matapos kasi ng araw na may sinabi ito tungkol kay France ay umiwas na ito sa'kin. I mean, hindi naman kami close at hindi rin naman kami magkaibigan kagaya ng sinabi niya pero this time. He's totally ignoring me. As if like nothing happened. Nawala na rin yung mga babaeng umaway sa'kin sa may wishing well. Ang balita ko ay tinanggal na sila ng tuluyan dito sa Campbell. Thank Goodness! Kahit na ilang buwan na ang lumipas ay nasa isip ko parin si Sebastien. Gusto ko man siyang komprontahin but I don't want to bother him. Ayoko ng magkamali. I still have years para sundin ang mga rules sa university. Ilang taon pa ang kailangang kong bunuin bago makaalis sa lugar na 'to. Ilang araw nalang din ay malapit na ang annual ball. Which I'm not very excited about. "May damit ka na ba?" Tanong ni Gabriel sa'kin. Nasa isang bench kami sa grounds ng Campbell. Dito na kami nasanay na tumambay pag tapos ng klase or kung vacant. "Masquerade." Bulong ko. "Don't tell me wala pa?!The ball is like two hours from now Bea." Exaggerated na sabi nito. "I don't feel like coming. Tsaka gastos lang yun Gab." Bale-walang sagot ko rito habang binabasa ang librong hawak ko. "Are you kidding me?! It's the annual ball Bea! The ball, ball?!" Yes, ito lang naman talaga ang halos inaabangan ng lahat. Lalo na ng mga social climber dito. Bakit nga ba hindi? Sa ball mo lang naman makikita at makakasalamuha ang lahat ng mayayamang estudyante ng Campbell or should I say, ng bansang ito. It's like the most awaited party of the year! "So?" Walang amor na tanong ko. He rolled his eyes at me. Hindi na ito muling nagsalita pa at kinuha ang kamay ko para hilahin ako papunta sa parking lot. "Let me go. Saan ba tayo pupunta?!" Mada-dapa ng sabi ko. Nakakainis! Suot ko pa man din ngayon ang bagong sapatos na tatlong inches ang heels na ibinigay ni Tita Wela sa'kin. Kapatid ito ni Papa at kakauwi lang galing ng Australia kaya ng bumisita ito sa bahay ay binigyan kami ng mga regalo. "Sakay." Muwestra nito ng marating namin ang sasakyan niya. "No." Pagmamatigas na sabi ko. "Si Seve oh!" Mabilis na turo nito sa lalaking kakalabas lang ng building one. Fuck! Si Sebastien nga! Bigla akong nataranta kaya agad kong binuksan ang pintuan ng kotse ni Gabriel. Nakapako parin ang tingin ko sa lalaking parang ngayon ko lang ulit nakita for like years. Ewan ko ba kung bakit pero kumakalabog ang puso ko. He looks hotter than ever! He has a new haircut too na fresh at bagay na bagay sa kanya. Ako lang ba o mas gumwapo pa siya ngayon? "Ehem! Enough of that young lady. May boyfriend kana remember?" Pang-aasar niya ng makasakay na rin ito. "Bakit? Tinignan ko lang naman ah. Masama ba 'yon?" Pagdedepensa ko. "Kinda. Iba kasi yung titig mo ati! Ang lapot! May halong pagnanasa!" Dagdag pa nito. Seriously? Gano'n ba ka-obvious ang pamumuri ko sa kan'ya? Kasalanan ko bang may kakaiba talagang taglay ang lalaking 'to na kayang buhayin ang katawang lupa ko? And besides, hanggang tingin nalang naman ako eh. Hanggang doon lang 'yon. "Baliw ka na talaga Gabriela!" Inirapan ko pa siya. Natawa nalang ito sa tinuran ko. Speaking of boyfriend. Mag aanim na buwan na kmi ni France! Okay naman kami. We argue like normal couples but we're okay. Minsan nga lang ay napapadalas ang labas nito kasama ang mga kaibigan niya. Not Pierre but his other set of friends na hindi ko kakilala. Si Pierre naman ay masyado ng busy ngayon kaya hindi ko narin ito madalas makausap. Pero ang huling usapan namin ay sinabihan ako nitong maghinayhinay sa lahat ng bagay lalo na pagdating kay France. I know he's just being protective since day one pero alam ko naman ang limitations ko. France and I are just enjoying each other's company. We always go out during weekends to watch some movies or just have some brunch, dinner. He brings me flowers and chocolates during monthsaries. I supported all of his soccer games like a typical proud girlfriend. Tumikhim muna si Gab na dahilan para bumalik ang katinuan ko. "Operation get the princess her perfect masquerade dress!" Excited na sabi pa nito. "Gab, I don't have money for it yet." "Sh! Say no more, I got you baby. Just sit back, relax and enjoy. Chill ka lang." Nakangiting sabi nito. I know Gabriel. Hindi ito titigil hangga't hindi nangyayari ang gusto niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag muni-muni habang tinatahak namin ang daan papunta sa mall. Pagdating namin 'don ay agad kaming pumasok sa isang mamahaling boutique. He handed me tons of dresses para isukat kaya naman 'yon ang ginawa ko. "Nope!" "Too much!" "So simple!" "Next!" Halos mapagod na ako sa pabalik balik ko sa fitting room. The only thing left para isukat ay ang simpleng maroon heart shaped na dress at apat na inches na sapatos. Do I have a choice? I'm dealing with Gabriel so wala. I put the dress on at pagkatapos ay humarap sa salaming nasa harapan ko. Napaawang ang bibig ko sa nakita. Ako ba 'to? Seriously? "What do you think?" Tanong ko kay Gabriel ng makalabas ako sa fitting room. Busy ito sa kung ano sa cellphone niya pero ng masulyapan niya ako ay ibinaba niya 'yon. He even stand at parang gusto pang maluha sa saya. "Perf!" Masayang sabi nito sabay yakap sa'kin. "You look beautiful. Pero mas maganda parin ako sa'yo." Pagbibirong sabi nito. "Thank you Gabriel. I promise to pay you back." Nahihiyang sabi ko rito. "Don't worry about it. Just consider this as my gift. Malay mo dahil dito mapansin ka ni Seve!" Nagpout ako dahil sa sinabi niya. "Joke! 'to naman hindi ka mabiro. Tara na, magpalit ka na para makabili pa tayo ng perfect maskara mo. Dali!" Sabi nito sa'kin sabay tulak pabalik ng fitting room. Napapailing na natatawa akong nagbihis. Gabriel didn't let me see the price tag kaya wala akong idea kung magkano 'yon. Basta ang alam ko ay pwede ko ng ibenta ang kaluluwa ko sa dami ng utang ko sa baklitang 'to. Matapos naming mamili ay inihatid pa ako nito sa bahay. "Si France ba yung kasama mo?" Tanong ni Mama ng maabutan ko itong gumagawa ng lesson plan. I kissed her. "Si Gab po." Inilapag ko na ang mga pinamili namin ni Gab sa sofa at muling tumabi kay Mama. "Ano yan?" Tanong nito ng masulyapan ang mga gamit na inilapag ko. "For the Annual ball Ma. Regalo ni Gab." "Campbell's annual ball? Naku anak, bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?" Inilapag niya ang mga hawak niya sa mesa at saka bumaling sa'kin. "Eh Ma, wala naman po talaga akong balak pumunta. Si Gabriel lang ang mapilit." Nagkalumbaba pa ako sa mesa. Napagod ako sa halos buong araw naming pag-iikot sa Palesene. "Anak, you deserve to enjoy and experience all these things. Kaya nga pinaghihirapan namin lahat ng Papa mo na sa Campbell ka eh. Hindi lang dahil mahal ka namin, kung hindi ay gusto naman namin ng Papa mo na maranasan mo ang lahat ng bagay na hindi namin naranasan noon." Mahabang litanya nito. "I know Ma. Pero gastos lang 'yun eh." "Minsan lang ang mga ganyang pagkakataon Beatrice. Isa pa, that annual ball is the much awaited event of the year. Sulitin mo and just enjoy okay?" Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Imbes na sumagot pa ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Thank you Ma ha, thank you po sa lahat lahat ng sacrifices niyo ni Papa. Hindi ko po kayo bibiguin." Tinapik ni Mama ang kamay kong nakayakap sa kanya. "If you need anything nandito lang ako. Okay? O siya, magpahinga ka na at kanina ka pa hinahanap ni Camila." "Opo Ma, Goodnight!" I kissed her again. Kinuha ko na ang mga gamit sa sofa at iniakyat ang mga 'yon sa kwarto ko. Sinilip ko rin si Camila pero maaga itong nakatulog. I don't wanna wake her up kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Matapos kong ilapag ang mga gamit doon ay naligo na ako at nagpahinga. Mag aalas dose na ng gabi pero ni isang text ni France ay wala akong natanggap. Bakit ba parang napapadalas nalang yung ganito niya? I tried calling him pero hindi nito 'yon sinasagot. Dalawang araw narin kaming hindi nagkikita. Wala rin naman akong balita kay Pierre dahil hindi narin sila nagkakasama. Nalowbatt nalang ang phone ko pero ni isang hoy kay Dusterhoff ay wala akong natanggap. Bahala na nga. Siguro ay maaga lang rin itong natulog kagaya ni Camila. I need to rest. Malapit na ang masquerade ball. Ready na ba ako? I sighed. Do I still have a choice?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD