Chapter Eleven
Just wish
Pakanta kanta pa ako habang nagreresearch ng sagot sa homework ko. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto.-
Weird.
Napasulyap ako sa tsokolateng ibinigay ni Sebastian. Michel Cluizel $895. Yes, I researched on that too. Tatanggapin kaya ito ng sikmura ko? Eh mas malaki pa ang halaga nito sa kinikita ni Papa sa ibang bansa.
Kibit balikat kong binuksan ang tsokolateng hawak ko at kumuha ng isa doon.
"Ate pahingi naman!" Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Camila sa kwarto ko.
Lutang nga talaga ang isip ko.
"Galing ba 'to kay Kuya France?" Usisa niya habang nginunguya ang tsokolateng kinuha niya.
"Bakit ba bukam-bibig mo si France?" Masungit na tanong ko rito.
"Eh sino pa ba ang magbibigay sa'yo nito? Ang sarap nito Ate! Imported!" At kumuha pa siya ng isa.
"A friend?" Hindi siguradong sagot ko.
Hindi naman talaga kami magkaibigan at malayong mangyari 'yon.
"Si Gabriel?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Si... si Sebastien..." Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Camila dahil sa sinabi ko.
"How?!" Hindi parin makapaniwalang tanong nito.
Imbes na sagutin ko siya ay ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa kong homework. Si Camila naman ay hindi na nangulit pa.
Mag-aala una na ng matapos akong gumawa ng homework. Kaya pala mabigat na ang mga talukap ko. I yawned while stretching both of my arms.
Kinabukasan ay si France ang sumundo sa'kin para maghatid sa Campbell. Maaga kasi ang klase ni Pierre ngayon kaya nauna na ito sa Roehampton.
"Thank you France." Nakangiting sabi ko rito ng marating na namin ang Campbell.
"Ah Bea," Pigil nito sa kamay ko.
Napabalik ang tingin ko sa kanya. Ngumiti lang ito sabay abot ng isang pulang box.
"What's this?" I asked.
"A gift. Buksan mo kapag nakarating kana sa room niyo. I just want you to wear and keep it."
"T-thank you France, tsaka sorry sa abala ha." Nahihiyang sabi ko rito.
"Anything for you..." Parang lumukso ang puso ko dahil sa sinabi niya.
This is the first time na maranasan ko ang ganito. Ang ligawan. Ang may magkagusto. Ang mabigyan ng regalo. Pero hindi ko alam kung kailan yung tamang panahon para masabi ko sa sarili kong handa na ako.
"Bye France." I peck a kiss on his right cheek bago tuluyang lumabas ng kanyang sasakyan at pumasok sa campus.
I like France. Alam ko sa sarili ko 'yon. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa'kin pero pakiramdam ko'y hindi pa ito ang tamang oras para sagutin ko siya.
"That's France Car!" Sigaw ng babaeng mala beauty queen ang ganda na pasalubong sa direksyon ko.
Nilagpasan lang ako nito at ang dalawa pa niyang kasama.
Napalingon ako sa kanila at tama ngang si France na France ko ang tinutukoy nila. Mabilis namang umibis ang sasakyan nito paalis kaya hindi na nila 'yon naabutan.
Nakita ko sa mukha ng mga babaeng tumawag sa kanya ang panghihinayang. They walk back papasok ng Campbell.
Kahit na malelate na ako sa unang klase ko ay binagalan ko parin ang paglalakad para mapantayan sila at mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"How long na ba?" Asked a blonde girl to the beauty queen.
"Two months? I don't exactly remember!" Sagot nito.
"Gosh! pero Macy balita ko ay may nililigawan na si France-"
"Shut up Bleign! France is mine." At nakita ko pa ang pagrolyo ng mata nito sa kausap.
Napahinto ako sa paglalakad at nag-iba ng daan para hindi ko na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.
Macy.
Siya ang Ex ni France. Naikwento na siya sa'kin ni Pierre noon at ang alam ko'y umabot din sa tatlong taon ang relasyon nila. Hindi naman ako interesado sa naging relasyon nila kaya I didn't bother to ask anything about them.
France is mine! Pag-uulit ng matinis na boses ni Macy sa utak ko.
Two months? Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero parang bigla akong kinabahan. I don't know. Ito na yata yung sinasabi nilang women's intuition. Or am I just overthinking things?
Napasulyap ako sa pulang box na ibinigay nito kanina. Iikot na sana ako sa kanto papunta sa entrance ng building pero...
"Ah!" Nabitiwan ko ang lahat ng dala kong gamit dahil sa pagkakabunggo ko sa isang bulto.
"What the f**k!" Napahinto ako sa pagpupulot ng mga gamit ko ng marinig ang boses niya.
Seve!
Parang lumukso sa tuwa ang nalungkot kong puso ng makita ko siya. His face was mad pero tinulungan parin ako nitong pulutin ang mga gamit kong nakakalat.
"T-thank you." Nahihiyang sabi ko rito.
"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo." Pagalit niya sabay abot ng regalong ibinigay sa'kin ni France.
Parehas kaming napatingin doon.
"And tell your boyfriend to give you a better present than this." Then he walks away.
Paano? Eh hindi ko nga alam ang laman ng kahong 'to. Hay! Susundan ko pa sana si Sebastien pero narinig ko na ang malakas na tunog ng Bell.
Dammit! Patakbo kong tinungo ang entrance at elevator para habulin ang klase ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako doon at wala pa ang professor namin. Inayos ko ulit ang gamit ko bago binuksan ang kahong ibinigay ni France.
I gasp when I finally opened it.
Isa itong gold necklace na ang pendant ay blue eyed owl. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti dahil sa cute na bagay na hawak ko. He said he want me to wear it kaya 'yon naman ang ginawa ko. Pagkatapos kong masuot 'yon ay agad kong tinext si France.
Ako :
"Thank you France! I like it."
I also added a picture wearing the necklace. Mabilis naman ang pagsagot nito.
From : France
"Glad you liked it! See you later Bea!"
Paranoid lang ako. France and I are still getting to know each other kaya walang dahilan para mag-isip ako ng kung ano ano.
Kaya nga may courting stage para makilala pa namin ang isat-isa and for that I am ready.
Mabilis na natapos ang klase. Sa huling subject ko naman ay wala ang professor namin kaya ang siste ay halos free day ang araw na ito.
Gusto ko sanang kulitin si Gab ngayon pero may pupuntahan daw itong event kaya hindi na ako nagpumilit pa.
Wala nang ibang pwedeng makausap dito. Si Judith at Freya naman ay hindi ko na mahagilap matapos kaming maghiwalay kanina sa statistics. Ayoko namang umuwi sa bahay namin dahil alam kong wala rin naman akong gagawin roon. Si Camila ay mamayang hapon pa ang uwi galing skwela.
Napasulyap ako sa ground ng Campbell.
Sa dulo kung saan naroon ang isang malawak na wishing well. Napapalibutan ito ng magaganda at makukulay na bulaklak. Sa gilid ay ang iilang mga bench at tables na pwedeng tambayan.
Napangiti ako ng makitang wala ring masyadong tao roon. Mabilis ang mga yapak kong binaybay ang daan papunta sa wishing well. Kinakapa ko pa ang bulsa ko para tignan kung may naligaw na barya.
Ano nga kayang iwiwish ko?
Habang nalalanghap ko ang sariwang hanging gawa ng malalaking puno ay parang nag-uumapaw naman sa tuwa ang puso ko lalo na ng marating ko 'yon.
Huminga ako ng malalim bago pumikit. Nakangiting hawak ko ang bente singko centavos na parang batang humihiling kay Santa Claus.
"I just want one thing... I just want to be his friend." Sambit ko sabay hagis ng maliit na baryang hawak ko.
Saan nga ba galing 'yon? Ah basta!
"You should grant my wish Mr.Well, ako lang ang naghagis ng 25 cents sa'yo oh!" Natotoreteng sabi ko rito.
Napapailing na napapatawa nalang ako sa sarili ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay umalis na ako.
I don't know where to go. Siguro ay sa library nalang ako pupunta. Magbabasa nalang ako doon para sa klase ko bukas.
"Look who's here!" Napaigtad ako ng makita ang paglapit ng apat na babae sa kinaroroonan ko.
Naniningkit sa galit ang mga matang sumalubong sa'kin na galing sa babaeng kawayan.
Siya yung babaeng nagpaalis sa'kin noong first day of school sa bench dito.
I raised my eyebrow.
"Beatrice Loi Cazares." Banggit niya sa buong pangalan ko.
Teka, paanong...
"Sa dinami-rami ng lalandiin mo, si Sebastien pa talaga ang napili mo!" Nanginginig sa galit nitong sabi.
Ang tatlo niyang kasama ay mabilis akong napalibutan.
"Vivian, I saw her getting out of the rooftop last day!" Sumbong ng kasama niyang nasa likuran ko.
Mas lalong rumehistro ang galit sa mukha ng babaeng tinawag niyang Vivian.
Mabilis ang mga pangyayari. Basta naramdaman ko nalang ang katawan kong bumagsak sa basang lupa. Ang siko kong tumama sa isang bato at ang damit kong napuno ng putik.
Hinawakan ng dalawang kasama niya ang magkabilang braso ko at ang isa naman ay hawak ang ulo ko para iangat sa mukha ni Vivian.
"You little slut! Don't you ever go near Sebastien again kung ayaw mong ma-expel sa paaralang 'to! Sebastien is mine! Akin lang si Sebastien!" Nagwawalang sabi nito habang nakayuko sa'kin at dinuduro duro pa ako.
Gusto kong lumaban pero ng marinig ko ang salitang expel ay nawala ang lahat ng lakas ko.
Sinalubong ko ang galit niyang mga mata pero napapikit nalang ako ng makita ang pag arko ng kamay niya pataas na naka-muwestra ng isang malakas na sampal.
"What are you doing?!"