Chapter Nine

1392 Words
Chapter Nine Secrets Nakatitig lang ako ng seryoso kay Gab habang hinihintay ang kung anong rebelasyong ilalabas ng bibig niya. "Last year ay namatay ang tatlong matalik na kaibigan ni Seve dahil sa multiple car accident. Simula noon ay hindi na ito palaging sumasama sa kahit na kanino. He pushed everyone out of his life. Tumigil din ito sa pag-aaral kaya ngayong pagbalik niya ay wala na talaga siyang halos kilala rito. Lalo na ngayon na irregular pa ang schedule niya." Natutop ko nalang ang bibig ko dahil sa pagkabigla. "B-but, how does it happened?" Gab looked at me blankly. Para bang hindi niya nakuha ang tanong ko. "The accident. What happened that day?" I asked him again. "Well, I'm not an investigator or something pero based on rumors, Seve and his friends supposed to go to baguio for a stroll of their new fancy sports cars pero hindi siya nakasama on time dahil may klase pa siya. Ang sabi eh susunod daw ito pero bago pa man matapos ang klase niya... the tragedy happened." A sad face follows his story. I feel bad. Pakiramdam ko ay nawalan din ako ng kaibigan base sa kwento nito. I can't help myself but to sigh with misery. Kaya naman pala loner si Escarcega. I don't blame him for isolating himself from everyone. Ang mawalan nga ng isang malapit sayo ay sobrang hirap na. Paano pa kaya yung tatlo? And it's really my fault kaya siya nagalit kanina. Tama nga siya. Hindi ko siya kilala. At sa sitwasyon niya ay alam kong sobrang mali ang mga nasabi ko sa kanya kanina. I'm so reckless! Mali na sinabi ko ang parte tungkol sa kaibigan. Nasapo ko nalang ang noo ko habang naaalala ang mga nangyari kanina. I deserve this bruise. Kung alam ko lang sana. Hindi sana ako naging pakialamera. "Uy! Okay ka lang? Huwag na huwag mong sasabihin yan sa iba ha! Sasabunutan talaga kita!" Isang pilit na ngiti ang isinagot ko kay Gab. I still can't believe it. Gusto kong maawa kay Seve pero alam kong hindi dapat. Sa personality niya ay hindi tamang kaawaan siya. "Marami pa akong ikukwento sa'yo pero gutom nako Bea. Can we just go home now?" He pleaded. Tumango nalang ako at sabay na kaming tumayo sa bench para lisanin ang lugar na 'yon. Napasulyap ako sa relo ko at alas otso na ng gabi. Papalabas palang kami ng university pero ang gwapong mukha at magarang kotse na ni France ang unang nasulyapan ko. Damn! I forgot about this guy! "Bea!" Mabilis itong nakalapit sa amin ni Gab. Halos malaglag ang panga ni Gabriel dahil sa kaharap namin ngayon. "France." Nahihiyang sagot ko. "Akala ko umuwi kana. Mabuti nalang at naghintay pa ako ng konti." Nakangiting sabi nito. Si Gab naman ay palipat lipat ang sulyap sa aming dalawa. "Sorry! Nakalimutan ko France. May ginawa pa kasi kami ni Gab." Pagsisinungaling ko. "By the way Gab this is France, France si Gab classmate ko." They shook hands pero si Gabriel ay parang na estatwa sa ginawa nito. "May project ba kayong tinapos?" France asked. "Yeah." Siniko ko pa si Gab para segundahan ang kasinungalingan ko. Kelan pa ako natutong magsinungaling ng ganito?! Kunsensya ng utak ko. "A-ah eh, oo France. Marami kaming project ni Bea. Escarce-" "Scarcity project!" Pagpuputol ko sa baklitang Gabriel. Pinandilatan ko pa siya ng mata. That humanda-ka-sa'kin look! "Y-yun! O sige mauna na ako sainyo ha. Bye Bea, France. Take care of Miss Rapunzel! See you tomorrow!" Kindat pa nito sa'kin. Rapunzel? Haba ng hair ganon?! Baliw na talaga siya. Natatawa nalang si France habang papalayo sa'min si Gab. Nang wala na ito ay kinuha niya ang mga librong hawak ko. "How was your day?" He asked. Magkapantay kaming naglalakad papunta sa kanyang dilaw na sasakyan. It's a sportscar na bagay na bagay naman sa kanya. They're matched. Parehas silang maporma. The gwaps car nga kumbaga. "I'm good. Medyo marami lang nangyari. " Naalala ko na naman si Seve. How am I supposed to forget that? Pakiramdam ko nga ay hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil sa dami ng mga nangyari. "How about yours?" Tanong ko rito. Habang nagsasalita siya ay lutang parin ang isip ko. Hanggang sa makasakay na kami at makaalis sa university ay parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya. Minutes has passed but my mind was still stucked about that Escarcega guy. Pero hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pag-iisip ko sa kanya. Maybe because alam ko sa sarili kong below the belt ang mga nasabi ko sa kanya kanina. I hate this feeling! Naiinis ako sa sarili ko. He badly needs my apology. What if he throw me out of the rooftop this time?! Am I ready to die? Naputol ang lahat ng nasa isip ko ng maya maya pa'y naramdaman ko na ang paghinto ng kotse.  "We're here!" Nakangiting sabi ni France. "Thank you France." I grabbed my books and placed it infront of my chest. Binuksan ko narin ang pinto ng kanyang sasakyan pero bago pa man ako makalabas ay nahawakan na nito ang kaliwang braso ko. "Bea..." Isang pares ng matang nangungusap ang sumalubong sa'kin. "What?" Tanong ko. "Nothing. Uhm, sige. Have a good night." Bumalik sa masigla at masaya ang mukha nito. Isang matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kanya bago tuluyang bumaba ng kanyang sasakyan. "Thank you ulit ha. Ingat ka." Sabi ko ng maisara ko na ang pinto. Maya maya pa ay humarurot na ito paalis sa harapan ko. Mabilis naman akong pumanhik papasok ng bahay at pamunta sa aking kwarto. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nahiga. Ilang oras na ang lumipas pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Narinig ko ang pagpihit ng aking doorknob. "Oh ate gising ka pa?" Napadilat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Camila. "Paano mo naman nalamang gising pa ako?" Right! Hindi ako makatulog and it's almost four am already! "You're still tapping your bolster like a baby. Hindi ka makatulog dahil kay kuya France 'no? Sasagutin mo na ba siya?!" Nakangising sabi nito. Why oh why! How I wish na 'yon nga ang iniisip ko, kaso hindi eh. Nagtalukbong ako ng kumot at bumaling sa kabilang side para iwasan si Camila. Maya maya ay naramdaman ko ang pag galaw ng kama ko kasabay ang pagyugyog nito sa balikat ko. "Kwento ka naman ate! Kayo na ba?!" Kinikilig pang tanong nito. Mabilis naman akong napabalikwas sa kama. Kahit na wala akong balak magkwento sa kahit na sino ay hindi ko kayang itago nalang sa sarili ko ang lahat. Besides, I consider my sister as my bestfriend. Siya lang ang tanging nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. You know, girl stuff! "Wait, anong nangyari diyan? Nakipag-away ka ba?! Huwag mong sabihing, na expelled ka!?" Sunod-sunod na sabi nito. "Shush! Huwag ka ngang maingay! Baka magising si Mama. No, hindi ako nakipag-away at lalong hindi ako na expelled! This bruise..." Napatingin pa ako sa kanang kamay ko bago ko tuluyang ikwento sa kanya ang buong pangyayari. Walang labis at walang kulang. Kasama narin ang napag-usapan namin ni Gabriel. "That was huge!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Alam ko. Basta sa'tin lang yun! Okay?" Ilang minuto ang lumipas na pareho kaming tahimik. "Pero si Kuya France?" Usisa nito. "Anong meron kay France?" I asked. "Hindi mo pa ba siya sasagutin? I mean, hindi na uso ang ligaw ngayon Ate." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Don't ever say that again Camila." I warned her. Nag peace sign lang ito sa'kin at hindi na muling nangulit pa. Sabay na kaming humiga. Ayaw na raw niya kasing bumalik sa kwarto niya kaya makiki-sleep over nalang siya sa kama ko. Halos kakapikit ko lang ay nagising na ako sa matinis na tunog ng aking alarm clock. "Ugh!" Napatakip pa ako sa aking mukha gawa ng liwanag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Alas otso na! Ayokong malate sa klase ni Mr. Favis! May recitation pa naman kami ngayong araw. Dali dali na akong bumangon at dumiretso sa banyo dala ang aking asul na tuwalya. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay sakto naman ang pagdating ni Pierre. "Hindi na naman ba kayo mag b-breakfast Pierre?" Tanong ni Mama dito. "Naku Tita hindi na po. Kumain na po ako kanina bago pumunta dito e." "Oo nga Ma. Sa school nalang rin po ako kakain. Late na po kasi. Alis na kami Ma!" Nagmamadaling paalam ko rito. Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang lumabas sa bahay kasama si Pierre. "Did you even try to sleep Beatrice?" Magkasalubong ang kilay na sabi nito nang umandar na ang kanyang sasakyan. "And why?" I answered his question with a question. "You look tired. Look at those eyebags. Parang naka-empake for a week papuntang Iraq." Nanunuksong sabi nito. "Haha very funny Pierre! Just drop me at Campbell and you're free to go." Masungit na sabi ko sa kanya. Wala itong ibang ginawa kung hindi ang asarin at pagtawanan ang eyes bags ko. I secretly peek through the side mirror. Oo nga, I look like a zombie. Isang magandang zombie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD