Raze Naglalakad kami ng mga kasama ko isang palayan. I'm holding Raina's little hands while following Zairah who's in front of me. Napapalibutan kami ng nagsisitaasang mga palay at masikip ang daanan kaya nakahilera kaming naglalakad ngayon. Nauuna si Xena, Zairah, ako at si Raina, Haritha, Tana, at si Lei ang nasa hulihan. We're on our way back to Gretta. Kung saan namin mapupuntahan ang kweba kung saan lumaki si Xena, at kung saan namin makikilala ang teacher niyang nagturo sa kaniya ng mahika. "Saan nga pala tayo pupunta?" Biglaang tanong ni Lei sa pinaka-hulihan na pwesto. Nagtaaas pa siya ng kamay na para bang humihingi ng permiso sa guro para magsalita. "Hindi ba matagal ang paglalakbay paputa sa Gretta? Lalakarin ba natin 'yon mula rito?" Dagdag niya. Nakuha ng sinabi niya ang

