22. The castle

1180 Words
Zairah Naningkit ang mga mata ko sa mga guwardiyang humahabol sa akin. Habol-habol ko ang hininga ko nang makarating ako sa isang maliit na lusutan sa loob ng kastilyo. Tsk, those damn guards. Walang tigil sila sa paghabol sa akin. Ni hindi ko namalayan na palubog na pala ang araw at nakikipagtakbuhan at taguan pa rin ako sa kanila. Napunta ang tingin ko sa napakalaking kastilyo rito sa bayan ng Frencide, kung nasaan si Lei. Sa wakas at nakapasok na rin ako sa loob ng gate at kaharap ko na kastilyo. Lei is inside this freaking castle. Siguraduhin niyang wala pa siyang ginagawang kung ano. Huminga ako nang malalim bago tumingin sa itaas ng kastilyo. Naghanap ako ng balkonahe na malapit sa pwesto ko na nakabukas. I didn't wasted my time when I saw one. I immediately summoned a griffin. "se apokaló nkrífin! " Narinig ko ang tunog ng griffin na lumilipad sa langit. Agad itong bumaba sa pwesto ko at hindi ako nagdalawang isip na sumakay. It dropped me in front of the balcony. Mabilis akong gumilid para hindi ako makita ng nasa loob. "A-Anong nangyari?" "H-Hindi ko rin alam... kinalat na sa bayan ang nangyari!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang nagsasalita sa loob. Pasimple akong sumilip dito at doon ko nakita ang iilang pamilyar na mukha. They're the guys who took us here. Ang utos-utosan ng prinsipe sa panahon na 'to. Sa pagkakaalala ko ay isa sa mga nagsasalita ay ang lalaking nangangalang Ellius. "A-Anong sinabi ng hari at reyna?" Nag-aalalang sambit ng isa sa mga kasama ni Ellius. "Wala pa... wala pa silang balita sa nangyari." Maigi akong nakinig sa pinag-uusapan nila. What are they talking about? "Nasaan nanunuluyan si binibining Zeniah?" "Isa sa mga pribado at pinaka-marangyang tuluyan dito sa bayan. Hindi pa siya tuluyang nakakaalis." My eyes squinted when I heard them. Sino si Zeniah? "Paano naman si prinsipe Leirus?" Mabilis na nakuha ng sinabi nila ang atensyon ko. Lumapit pa 'ko nang kaunti para marinig sila ng mabuti. "Nasa silid niya sa ika-limang palapag. Hindi ko alam kung narinig na niya ang balita." "Sigurado akong malulungkot siya kapag nalaman niya na..." "Hindi na matutuloy ang kasal bukas..." Namilog ang mga mata ko sa narinig. H-Hindi na matutuloy ang kasal? Napalunok ako nang malalim at napatingin ako sa ika-limang palapag ng kastilyo. T-That Leirus! What is he doing?! Nakasalalay rito ang kasalukuyan at hinaharap niya! Napaismid ako bago muling sumakay sa griffin. Pumunta kami sa ika-limang palapag ng kastilyo at pasimpleng sumisilip sa mga balkonahe. Naningkit ang mga mata ko nang sumilip kami sa pang-apat na balkonahe. I saw a familiar figure casually sitting on the bed. Mabilis na tumaas ang dalawang kilay ko nang makilala ang lalaki. Agad akong bumaba sa griffin at mabilis na binuksan ang pintuan ng balkonahe. "Lei!" Tahimik itong nakaupo sa kama habang magkahawak ang dalawang kamay niya. He immediately looked at me when he heard me calling him. Hindi makapaniwala si Lei nang makita ako at agad siyang napatayo. "Z-Zairah!-" Nakahinga ako nang maluwag nang makita okay lang siya at walang ibang nangyari. Pero mabilis kong inalis ang ekspresyon na 'yon sa mukha ko at kunot noong sinalubong ang lalaking nasa harap ko. "Bakit ganiyan ang ekspresyon mo? Huwag mong sabihing malungkot ka talaga dahil hindi matutuloy-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabilis akong niyakap ni Lei. I felt his arms around me as he tightly hold me. Agad niyang sinubsob ang mukha niya sa balikat ko na kinatigil ko. I was suddenly frozen in my place. Nabigla ako sa ginawa niya at hindi kaagad ako nakasagot o nakakilos. "L-Lei..." Mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng pagyakap niya sa 'kin. Sa kabilang banda ay hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko. "Zairah... ikaw lang, ha... ikaw lang..." Naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa amin mula sa balkonahe. Sumabay sa hampas nito ang buhok ko habang unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Tila natauhan ako sa nangyayari at mabilis kong iniling ang ulo ko. Mabilis kong iniharap sa 'kin si Lei at tinignan siya ng deretso sa mga mata. "Of course, idiot!" I showed him my ring finger, where my ring is. "We're going to get married after this! Kaya umayos ka!" Mariing napakagat sa ibabang labi ang lalaking kaharap ko na mukhang paiyak na. He started sobbing and hugged me again. "Zairah!!" Hindi maipinta ang mukha ko habang inilalayo ang pisngi niyang idinidikit niya sa 'kin. "Hoy! Anong narinig ko tungkol sa kasal? Anong ginawa mo?" Lei pouted and intentionally looked at the opposite direction. "S-Sinabi ko lang ang totoo... 'yon lang..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "H-ha?!" "Sinabi ko lang ung totoo! Tapos umalis na lang siya ng umiiyak!" Pagmamaang-maangan niya. Iritado kong piningot si Lei. "I-Ikaw talaga!" Todo aray ito sa ginawa ko habang humihingi ng tawad. Pero kahit ginagawa ko 'to, hindi ko maitatangging sobrang saya ko sa ginawa niya. I may not good at showing my emotions and feelings... but I'm grateful... I really love this guy... and I'm going to marry him. "Tsk! Kailangan pa nating ayusin 'yang ginawa mo." Reklamo ko. Himas-himas ni Lei ang tenga niyang namumula habang nakatingin sa 'kin. Pasimple nitong inilabas ang dila at nang-aasar na mukha. "Bleh... nasaan na ba sila Raze?"  Natauhan ako sa sinabi niya. Bigla kong naalala ang mga kasama pa namin. Did Xena and the others manage to find what she needs? How about Tan- Shit! Si Tana! Mariin akong napakagat sa ibabang labi nang maalala ko siya. Hindi ako masyadong nag-iisip kanina nang hinati ko ang grupo at hindi ko namalayan na napunta pala sa kaniya ang trabaho na hanapin ang prinsipe. Paniguradong... umiiyak na siya ngayon. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking kasama ko na mabilis na ipinasok ang dila niya at umayos ng tayo. "Idiot. Tara na, wala tayong oras na mag-aksaya rito." Sinenyasan ko si Lei na sumunod sa 'kin. Nauna akong maglakad habang nakabuntot siya sa likod ko. Akmang palabas na 'ko sa balkonahe nang makaramdam ako ng malakas na pagtama ng hangin. Hindi ito ordinaryong hangin dahil halos tangayin na kami sa lakas. "ánemos." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Mabilis na napunta ang tingin ko sa katapat naming balkonahe kung saan bumungad sa akin ang nagbanggit ng spell. I suddenly felt the chills down my spine. It's that person again... sinundan niya kami rito... Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Kahit nakatakip sila ng cloak at hindi ko makita ang mukha niya ay naririnig ko ang pagtawa niya sa isipan ko. "Z-Zairah..."  Sinenyasan ko si Lei na wag gumalaw sa pwesto niya. Nanatiling matalim ang tingin ko sa taong nasa balkonaheng kaharap namin. "What are you doing here?! Ano ba talaga ang kailangan mo sa 'min?!" Punong-puno ako ng emosyon na nakatingin sa kaniya. Imbis na sagot ang marinig ko ay tawa lang ang ibinalik niya sa 'min. Napaismid ako habang nakapako ang tingin sa kaniya. Not going to talk, huh? Then I'll make you. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD