ADELINA'S POV: Nanginginig ako nang makita ko siya. I can't believe na kamukhang-kamukha niya ang lalaki sa aking panaginip. Nang lumapit siya ay lalo akong nanginig para akong mahihimatay sa takot. Ang kanyang tindig, ang mukha at ang paraan ng kanyang pananamit ay katulad ng sa propesor na lumapastangan kay Meredith. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panginginig at takot, kahit na hindi naman iyon nangyari sa akin. Pero bakit ganito na lamang ang aking pangininig na halos bumigay na ang aking katawan sa takot. He was smirking like he was glad to see me. Nang tuluyan siyang makalapit ay tuluyan nang nandilim ang aking paningin. Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan. Nagising na lamang ako sa isang kwarto. Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang lalak

