ADELINA'S POV:
Natapos ang pagkakape namin nang hindi dumating si Lando kaya nagpaalam na ako kay Sir Magnus na uuwi na lamang. Dumidilim na rin sa labas, ni isang text ay wala akong receive sa aking kasintahan.
"Baka nauna na po talagang umuwi ang boyfriend ko, uuwi na lang ako." Nahihiya kong sabi kay Sir Magnus.
"Ihahatid na kita," suhestyon niya na agad kong tinanguhan, mahirap na baka magbago pa ang isip niya.
Nang tumayo ako sa aking upuan ay tumayo rin siya, pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng cafe, hanggang sa makalabas kami.
Naglakad kami hanggang sa makarating sa parking. Agad niyang pinatunog ang sasakyan niyang bugatti.
"Ang ganda ng sasakyan mo, Sir Magnus," sabi ko, hindi maitago ang paghanga sa aking boses.
Ngumiti siya at binuksan ang pinto para sa akin. "Salamat, Adelina. Tara, ihahatid na kita," sabi niya habang inaabot ang kanyang kamay upang tulungan akong pumasok sa loob.
"Mayaman ka siguro 'no, Sir?" Hindi ko na napigilang tanongin nang makasakay kami sa magara niyang kotse.
Pag-upo ko sa loob, naramdaman ko ang lambot ng upuan at ang bango ng loob ng sasakyan. Para tuloy akon niyayakap niya dahil sa bumabalot na amoy ng pabango niya. Habang nagmamaneho siya, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat detalye ng kanyang mukha na naiilawan ng mga poste sa daan.
Para tuloy akong nagagayuma sa tuwing titingin sa kanya, kaya nang mapatingin siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin at napalunok.
"Hindi ako mayaman. But, if you're asking about this car, I bought it with my own money," honest niyang sagot, na lalo kong ikinahanga.
"Wow, Sir Magnus, that's really impressive! It must have taken a lot of hard work and dedication to achieve that. I hope to be as successful as you are someday." Mangha kong sabi.
"Sipag at tyaga lang. I have a motto: if I want something, I will get it no matter what!" Sabay tingin niya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.
Bakit naman kasi gano'n siya makatingin, para namang nangbubuka ng panty! Char!
"Medyo malayo rin pala ang bahay niyo, at hindi rinatao," sambit niya nang malapit na kami sa aming bahay.
Pag-aari kasi ng Papa ko ang kabuoang ng lupa rito, kaya walang ibang nakatira. Kaya wala rin nakakaalam na anak niya ako. Though, gusto niya naman akong ipakilala, ang kaso ayaw ko naman. Hindi sa ikinahihiya ko siya o ang sitwasyon nila ng nanay ko. Ayaw ko lang na mag-iba ang tingin ng mga tao sa akin, dahil lang sa mayaman ako.
"Oo, pagmamay-ari kasi ni Don Alejandro ang lupang ito. Ang lolo ko ay dating katiwala ng ama ng Don, kaya nagkaroon kami ng bahay rito." Kwento ko habang pababa kami ng sasakyan niya.
"Yeah, I know him. Isa siya sa donor natin sa University," sabi niya na medyo ikinagulat ko.
Hindi ko kasi alam, mahilig din kasi talaga si Papa tumulong ng palihim. Miski sa akin ay nililihim niya kapag tungkol sa bagay na iyon.
"Halika, pasok ka sa bahay," aya ko.
Nang makit siya ni Nanay ay agad niyang pinapasok si Sir Magnus, kahit hindi niya pa kilala.
"Siya po ang professor ko, Nay!" Sabi ko, habang papasok kami ng bahay.
"Magandang gabi ho, may problema ba sa anak ko?" Kinakabahang tanong ni nanay na ikinailing agad ni Sir Magnus.
"Nay!" Singit ko, sabay ngiwi. "Maupo ka muna, Sir Magnus!"
"Ay, hindi po. Inihatid ko lang siya rito, nag-aalala po kasi ako, gabi na." Sabi niya, na ikinakilig ko na para akong maiihi.
See, nag-aalala sa'kin si Sir!
"Naku, maraming salamat ha! Dito ka na kumain, paluto na ang niluluto kong ulam," tuwang-tuwang anyaya ni Nanay.
Pagkaalis ni Nanay ay agad akong umupo sa tapat ni Sir.
"Masarap magluto 'yun, Sir!" Sabi ko pa, para dito talaga siya kumain.
Ngumiti si Sir Magnus at tumingin sa akin. "Mukhang masarap nga. Ano bang niluluto ni Nanay mo?"
"Kare-kare po, Sir. Paborito ko 'yun," sagot ko, sabay ngiti.
"Kare-kare? Mukhang masarap nga. Matagal ko nang gustong matikman ang tunay na lutong bahay na kare-kare," sabi niya, na lalo kong ikinatuwa.
"Talaga, Sir? Naku, siguradong magugustuhan niyo 'yun!"
"Salamat sa paanyaya, Adelina. Mukhang masarap nga ang hapunan natin," sabi ni Sir Magnus, na tila ba masaya rin.
Habang naghihintay kami ng hapunan, nagpatuloy ang aming kwentuhan. Bigla ay nakalimutan ko na si Lando na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply.
Nang tawagin kami ni Nanay ay mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan, at excited na hinila si Sir Magnus sa kanyang palapulsan.
"Ang bango!" Wika niya pagkadating namin sa lamesa.
Ang nanay ko ay naupo na sa kabisera, "Sana'y magustuhan mo ang luto ko, Iho," wika ni nanay.
Mabilis ko siyang pinaupo sa silya, saka sinandukan ng kaunti ang plato niya ng kanin, tapos ay inilapit ko sa kanya ang dalawang klase ng kare-kare ni Nanay.
"Ito ay lechon patang sinabawan ng kare-kare, ito naman ay 'yung tradisyonal na pagluluto ng kare-kare, at syempre, hindi masarap ang kare-kare kung walang alamang," sabi ko habang inilalapit ang mangkok ng alamang kay Sir Magnus. "Kain na, Sir! Saglit lang ha, sunduin ko lang si Lola sa silid niya."
Tumakbo ako papunta sa silid ni Lola, ang puso ko'y kumakabog sa excitement. "Lola, kain na po tayo," sabi ko habang maingat siyang inaakay palabas ng silid.
"Salamat, apo," sagot ni Lola, na may ngiti sa kanyang mga labi.
Pagdating namin sa kusina, nakita ko si Sir Magnus na tila ba nag-eenjoy na sa pagkain. "Lola, ito po si Sir Magnus, ang professor ko," pakilala ko habang inaakay si Lola papunta sa mesa.
"Magandang gabi po, Lola," bati ni Sir Magnus, sabay mano niya kay Lola,na ikinangiti ng lola ko.
"Magandang gabi rin, hijo. Narinig ko na inihatid mo raw ang apo ko, maraming salamat ha!"
"Naku, walang anuman po,"
"Kain na tayo, La!" Sinandukan ko siya ng kaunting kanin, at hiniwaan ng konting laman saka nilagyan ng sarsa ang kanin niya.
"Kain na tayo, La!" Sinandukan ko siya ng kaunting kanin, hiniwaan ng konting laman, at nilagyan ng sarsa ang kanin niya. Naglagay rin ako ng isang puno ng basong tubig.
Nang sulyapan ko si Sir Magnus, nakita ko ang pagkabighani sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Hindi ko maiwasang magsalita.
"Nasanay na akong pagsilbihan si Lola," kagat-labi kong sabi.
Ngumiti si Sir Magnus at tumango. "Napakabuti mo, Adelina. Hindi lahat ng kabataan ngayon ay may ganyang pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang mga lola."
"Salamat po, Sir. Tatlo lang po kasi kami dito nila Nanay, kaya sweet po talaga ako sa kanila."
"Ganyan talaga ang batang 'yan, napakamaalalahanin," pagmamalaki ni nanay sa akin. "Hindi ko na siya kailangang utusan, dahil ginagawa niya na agad!" Saad pa niya.
"Napakaswerte niyo pala talaga sa kanya," ani ni Sir, sabay titig sa akin.
Habang kumakain kami, napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong kusina. Si Sir Magnus ay tila ba naging bahagi na ng aming pamilya sa gabing iyon.
Nang matapos ang hapunan, nagpaalam na si Sir Magnus kay Nanay at Lola.
"Maraming salamat po sa masarap na hapunan, Nanay, Lola. Napakabait niyo po," sabi niya, na may magalang na ngiti.
Yay, nanay tawag sa nanay ko, ano na kami? Future asawa niya ba? Aww... sarap nu'n! Kilig ano... hehe
"Ay, walang anuman, hijo. Balik ka lang kung kailan mo gusto," sagot ni Nanay, na tila ba tuwang-tuwa sa bisita namin.
Ako naman ay sinabayan siya sa paglabas. Habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat.
"Napakaganda dito sa inyo," aniya habang naglalakd patungo sa sasakyan, habang nakatitig sa dagat na, bagama't madilim, ay kitang-kita pa rin dahil sa kumikislap na tubig na pinailawan ng buwan.
"Gusto niyong magswimming?" alok ko, kahit hindi pa naman ngayon. Tanong ko lang para bumalik siya. Malay mo naman kasi 'di ba.
Tumitig siya sa akin saka humalakhak. "Sure, but not now! Pero sigurado akong babalik ako dito!" sabay kindat niya sa akin.
Naramdaman ko ang init sa aking pisngi habang ngumiti ako. "Talaga, Sir? Aabangan ko 'yan ha!" Sabi ko, habang pasakay siya ng kotse niya.
"Oo naman, Adelina. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong makasama kayo ulit," sabi niya, na may kislap sa kanyang mga mata. "Mauna na ako, Adelina. Maraming salamat sa hapunan." Sabi niya, bago isarado ang bintana ng kotse niya sa akin.
"Salamat din po, Sir. Ingat po kayo sa pag-uwi," sagot ko, habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Lumayo ako ng kaunti nang paandarin na niya ang makina. Nang ibaba niya ang bintana at muling nagsalita, nagulat ako sa kanyang sinabi, "Choose someone who makes time for you, even when they're busy. Don't waste your time on someone who doesn't even bother to text you."
Napatigil ako at napatingin sa kanya, ang mga salita niya'y tila ba tumagos sa aking puso. "Salamat, Sir Magnus," sabi ko, na napangi sa sinabi niya. "I will remember that."
Ngumiti siya at kumindat. "Goodnight, Adelina. Ingat ka palagi."
"Goodnight, Sir," sagot ko.
As his car pulled away, I couldn't help but smile. This night was filled with joy and memories that I will never forget.