Tahimik na nakahiga si Hazel sa kama, ang mga paa’y nakalabas sa kumot habang marahang ginagalawa dahil hindi pa rin tumatawag ang ama. “Teacher Lilian,” mahinang sabi niya..“Kailan tatawag si Daddy para magkwento? Kanina pa ako naghihintay.” “Hintayin mo muna matapos ang trabaho ng Daddy mo,” sagot ni Lilian na medyo inis na ang tono. Napipikon na siya sa pagbabantay dito… Hindi siya sanay matulog kasama ang bata. Ang kama ni Hazel, bagama’t malambot, ay hindi kasing-komportable ng sariling kama niya sa condo niya. Sobra-sobra na ang pagtitiis niya. Ngunit sa isip ni Lilian, naisip niya — ilang babae ba sa mundong ito ang may pribilehiyo ng marinig si Alexander magkwento ng bedtime story? Maraming babae ang nagkakandarapa mapansin lamang ni Alexander at napakaswerte niya dahil nakakasa

