Si Monica ay sobrang kinakabahan sa darating na Biyernes ng gabi. Gusto niya nang matapos na ang gabi, pero sa parehong oras ay ayaw din niyang maranasan ito. Kailangan niyang pagsabayin ang dalawang dinner appointments..Si Josephine at si Alexander. Nagmessage kasi ang assistant ni Josephine na ito lamang ang free ng boss nito kaya heto siya ngayon, natataranta. Ang masakit pa sa daming restaurant sa Pilipinas ay iisa lang ang restaurant na kanilang pupuntahan.. Para hindi maipit ang mga bata sa pakikipagkita kay Alexander, pinapaalala niya kina Charles at Clarence na tawagin na lang siya ng Tita sa publiko. Alam ng mga bata na para lang ito sa proteksyon nila, kaya pumayag sila agad. Dumating ang Biyernes. Pinakiusapan ni Monica si Andres na sunduin ang dalawang bata at direktang pumun

