CHAPTER 4: THE HIDDEN TRUTHS

1246 Words
WALANG nagawa si Carlo kundi aminin kay Monica ang lihim niya…Lahat ng alaala ng nakaraan ay bumalik sa kanya.. Kung paano niya ito ipinakasal ka sa kanyang anak pagkatapos niya itong napulot sa ulanan. “Mahilig ako sa mga bata kaya gusto kong maging asawa ka ng anak ko.. Isa pa, hindi ba walang ama ang magiging anak mo?” ani niya pa kay Monica. Ngunit hindi pa rin makapaniwala si Monica sa sinabi nito. Nang makita ni Carlo ang halatang pagdududa, napilitan siyang ibunyag ang katotohanan. “Sige, sasabihin ko na sayo..Bakla ang anak ko, kaya itinakwil ko siya at pinaalis ng bansa. Kung ikakasal ka sa anak ko magiging manugang ka ng pamilya Natividad at walang makakaalam ng lihim na iyon!” paliwanag ni Carlo kay Monca. Dahil sa kalagayan ni Monica ay pumayag ito sa sinabi ni Carlo.. Kinabukasan, ipinakita ni Carlo ang marriage certificate pero photoshop lang ang pinagdugtong sa litrato nila. Ang totoo ay hindi pa niya nakikita ni Monica ang itsura ng “legal” niyang asawa. Isa na namang sugal, pero sa pagkakataong ito, panalo siya. Simula noon, nag-hire si Carlo ng mga kasambahay para alagaan si Monica. Pagkapanganak nito, may mga yaya rin para sa bata, kaya nakapag-focus si Monica sa career nito sa tulong na rin niya.. Sa lahat ng ginawa ni Papa Carlo kay Monica, mas marami siyang benepisyo kaysa naging kapalit. Ngunit hindi siya pwedeng umasa lang sa yaman ng pamilya Natividad habang lumalaki ang kanyang dalawang anak. “Pa! Bumalik na ba ng Pilipinas ang anak ninyong bakla?” tanong ni Monica. “Hindi, Monica.. At kahit bumalik pa siya, wala ka nang pakialam!” mariing pagtatanggi ng kinikilalang ama at pawis na pawis. “Tama ka, Pa.. Wala akong pakialam… pero maaapektuhan pa rin ang mga bata,” sabi ni Monia.. Naisip niya na kaya tumakbo sa airport ang mga bata ay dahil hinahanap nila ang kanilang ama. Lagi niyang nararamdaman na kulang ang pamilya nila na may pagkukulang siya sa kanyang dalawang anak. Ngunit iniba lang ni Papa ang isyu. “Huwag kang mag-alala. Putol na ang ugnayan namin ng suwail kong anak. Wala siyang anumang legal na relasyon sa mga bata.” “Anak mo pa rin siya. Hindi mo kailangan putulin ang lahat para lang sa kanila. Huwag mo na lang ipakita sa mga bata,” sagot ni Monica. Anim na taon na ang lumipas, at itinuring ni Carlo na parang sariling apo ang dalawang bata. Malinaw na may malasakit siya. “Monica, huwag mo ng isipin pa ang anak ko. Ako na ang bahala sa kanya. Hindi ko siya kayang tanggapin at nag-aalala ako na baka makita siya ng mga kaibigan ko. Nakakahiya sa mga Natividad,” ani Carlo na naiinis. Doon tumigil si Monica sa pagtatanong tungkol sa asawa niyang si Miguel. Kinuha niya ang notebook at umupo sa maliit na mesa sa sunroom para gumawa ng draft ng kasunduan sa annulment ni Alexander Ferrer. “Balak mo ba talagang bumalik sa pamilya mo para hingin ang gamit ng nanay mo?” tanong ni Papa sa kanya habang inaayos ang mga paso. Matagal na nag-isip si Monica bago tumango. “Oo. Kailangan kong kunin ang tanging mga bagay na iniwan sa akin ni Mama,” sagot niya. Matagal siyang nagtago kay Papa Carlo noong buntis siya, pero nang dahil sa trabaho niya, muli niyang nakaharap ang pamilyang pinagtataguan niya.. Maliit lang ang Maynila at dahil dati siyang anak ng pamilyang Ocampo na kilala rin sa mundo ng pulitika at negosyo, marami ang nakakakilala sa kanya. Naging impyerno rin ang buhay ni Monica sa piling ng ama…Gusto pa nga siyang ipakasal para maisalba ang negosyo nila. Wala silang alam tungkol sa mga anak niya, kaya sinadya niyang itago iyon. Kung sakaling malaman nila, tiyak gagawin nilang sandata ang mga bata laban sa kanya at hndi niya hahayaan na pati si Clarence at Charles ay madamay. Kamakailan lang, sinabihan siyang may natagpuang pamana mula sa pamilya ng kanyang ina na para sa kanya. Ilang ulit siyang nakipag-usap para makuha ito, at sa huli, pumayag ang ama niya na ibibigay sa kanya ang gamit ng ina kung darating siya mamayang gabi sa bahay nila. Nitong lumipas na mga taon ay nabalitaan niyang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya. May ilang negosyong isinara na. Hindi naman na siya interesado pa dahil matagal na siyang kinalimutan ng ama.. “Huwag kang matakot sa kanila. Nandito ako para protektahan ka. Gawin mo ang gusto mo,” sabi ni Papa Carlo sa kanya. “Alam mong hindi kita pababayaan,” ani pa nito sa kanya kaya napangiti siya. Lahat naman kasi ay ibinibigay sa kanya ni Papa Carlo. Kailanman ay hindi siya nito pinabayaan. “Salamat, Pa.” *********************** SAMANTALA, sa parking lot ng paliparan humahagulgol si Hazel….Nakaapak ang mga hubad niyang paa sa upuan, namumula ang mukha sa pag-iyak, at patuloy na bumabagsak ang malalaking butil ng luha. “Daddy! Gusto ko si Daddy!” “Hazel, maging mabait ka muna. Tingnan mo, may dala si Teacher Lilian para sayo, laruan at snacks,” malumanay na sabi ng babaeng nakapink na bestida. Ngunit hindi tumigil si Hazel sa pag-iyak. Hindi man lang tiningnan ang mga alok ni Lilian. Nauubusan na ng pasensya si Lilian at magbabago na sana ang tono ng boses nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. “Hazel.” Yumuko si Alexander at agad niyakap ang umiiyak na anak. “Sorry, anak kung na-late ako. Kanina kasi may inayos si Daddy kaya ngayon lang ako.. Sorry na…Please don't cry, baby,” malambing na wika ni Alexander. Ngunit hindi tumigil ang bata. “Masama ka, Daddy! Binaba mo pa ang tawag ko! Hindi na kita tatawaging Daddy!” Humagulgol siya nang todo.“ “Ako ang may kasalanan. Nadisconnect ko ang tawag ng hindi sinasadya. Fine, sige, sabihin mo kay Daddy kung paano siya dapat parusahan?” pinunasan ni Alexander ang luha ng anak gamit ang mga daliri. Tinabig ni Hazel ang kamay niya. “Bakit ka pa nagbigay ng cellphone kung hindi mo rin ako sasagutin? Iblo-block na kita!” Tumakbo siya sa likod na upuan, lalo pang humagulgol. Patuloy na pinakalma ni Alexander ang anak, nangakong dadalhin siya sa playground, bibilhan ng paborito niyang meryenda, pati white rabbit milk candy na gusto nito. Ngunit lalong lumakas ang iyak ng bata. Sumingit si Lilian sa usapan ng mag-ama…“Hazel, gusto mo ba si Mommy?” Biglang bumagal ang pag-iyak ng bata. Nanigas ang ekspresyon ni Alexander, ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Maya-maya, tumigas ang boses niya. “Sir, bata pa si Hazel. Kailangan niya ng mommy. Siguro dapat na kayong maghanap.” Malalim ang tingin ni Lilian habang nakatitig kayAlexander na para bang may gustong ipahiwatig... Alam niyang siya mismo ang iniisip nito. “Siguro nga,” mababang tinig ni Alexander habang hinaplos ang buhok ng anak. Lihim na kinilig si Lilian... Kung pipili si Alexander, tiyak uunahin niya ang taong pinakamalapit kay Hazel—at walang iba kundi siya. “Hazel, magpakabait ka. Nangangako si Daddy na hahanapan ka niya ng mommy.” Malumanay na hinaplos ni Alexander ang likod ng anak para tumigil sa pag-iyak. Bumaling ang bata, nakasilip mula sa pagitan ng mga daliri, nakatingin kay Alexander gamit ang malalaking matang basa ng luha. “Kailan?” Saglit siyang nag-isip bago sumagot. Napapakamot na lamang siya sa tanong ng anak. Ganun ito kasabik sa mommy…. “Pinakamatagal na ang birthday mo,” sagot niyang gustong mapangiwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD