“Hazel, anak... anong nangyari sa braso mo?” kunot ang noo ni Alexander habang marahang hinihipo ang pasa sa braso ng kanyang anak. Kitang-kita sa mga mata niya ang kirot at guilt na pilit niyang itinatago. Bahagyang iminulat ni Hazel ang kanyang mga mata at tumingin sa kanya. “Si Teacher Lilian po…” bulong niya. “Hindi niya po sinasadya. Habang pinapatulong niya akong isuot ‘yung damit ko, baka po nadulas lang ang kamay niya.” Muling pumikit ang bata at huminga ng malalim. Pagkatapos ng ilang segundo, nagkunwaring ngumiti. “Accident lang po, Daddy.” Napatingin si Alexander sa kanya, pero mas lalong sumikip ang dibdib niya. Alam niyang nagtatakip lang ang bata. “Don’t worry, Daddy,” wika ni Hazel, pilit na masigla. “Hazel will be more careful next time!” Ngumiti si Alexander pero hala

