ANG araw na iyon ay tila walang katapusan sa init at ingay ng mga batang nagtatampisaw sa swimming pool. Si Lilian ay nakaupo sa gilid ng pool, pinapanood si Hazel habang naglalaro pa rin sa tubig. Ngunit nang mapansin niyang abala ang bata sa pakikipaglaro kina Charles at Clarence, biglang sumimangot ang kanyang mukha. “Hazel, come here! Lumabas ka nga riyan sandali,” malamig niyang sabi, ngunit matalim ang tingin. Agad na lumapit si Hazel, bahagyang nanginginig ang tinig. “Teacher Lilian, why? Did I do something wrong?” Hindi sumagot agad si Lilian. Sa halip, hinila niya ng marahan ngunit may diin ang braso ng bata, dahilan para mamula ito. “Anong sabi ko sa’yo, ha? Sinong nag-imbita sa inyo dito?” “Si… si Kuya Charles po. Sabi niya, sama daw kami ni Clarence para maglaro.” Lalong

