Pag-akyat ni Alexander sa ikalawang palapag, marahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Hazel. Bumungad sa kanya si Lilian, abala sa pagtutupi ng mga damit ng bata. “Ah, Mr. Alexander, you’re back!” bati ni Lilian na may maamong ngiti. Maingat niyang inilagay ang mga damit sa aparador. “Naalala ko kasi baka ilagay ni Manang kung saan-saan ang mga gamit ni Hazel, kaya ako na lang ang nag-ayos.” Malinis at maayos ang buong kuwarto parang bagong linis. Maging ang mga laruan ay nakalagay nang pantay-pantay sa istante. “Salamat sa pagod mo,” magalang na sagot ni Alexander. Bahagya siyang tumango, saka nagtanong, “Pero napansin kong malungkot si Hazel ngayon. May nangyari ba?” Sandaling napatigil si Lilian. Mabilis niyang tinapos ang pagtutupi at tinago sa likod ang mga kamay na bahagyan

