NAPATITIG si Monica sa bata…Medyo malaman ang binti ng bata, natatakpan ng puting lace stockings. Maputi at makinis ang kanyang mga binti at bilugang braso, sobrang kinis at walang kapintasan. Hindi naman nakakapagtaka yun dahil mayaman si Alexander Ferrer. Hindi napigilan ni Monica na tumingin paitaas, pero sa kasamaang-palad ay natatakpan ng maliit na sumbrero ang mukha ng bata, kaya’t hindi niya ito makita nang malinaw. “Kanino ang batang ito?” tanong niya habang sumasakay sa kotse. At sa pag-upo niya, dumikit ang mga paa ng bata sa kanyang binti. “Akin.” mabilis na sagot ni Darwin, pero agad din niyang binawi, “Akin… sa kamag-anak,” dagdag pa nito na hindi niya naman pinaniwalaan. “Ah, kay Alexander pala.” Hindi naman tanga si Monica. Sobra na naman kung dadalhin ni Darwin ang sar

