Pagkarinig ni Monica sa sinabi ni Nathan, agad na tumindig ang mga balahibo niya. Ang weird kasi nito. "Mr. Ferrer, abogado ako. Naniniwala lang ako sa siyensya at batas," mahinahon pero matigas niyang sabi. "Ayaw mo talagang pumunta?" kunot-noong tugon ni Nathan. "Okay lang. Maybe we're not that familiar with each other yet. Let me tell you my story so you can understand more about my past. Then you'll believe that I'm just being friends with you." Gusto sanang sabihin ni Monica na wala naman siyang pake kung gusto man nitong makipagkaibigan o hindi. Ni ayaw nga niyang marinig ang kwento nito. Pero nang makita niya ang kalmadong ngiti at magaan na ekspresyon ni Nathan, hindi niya nagawang magsungit. Dumating ang waiter dala ang kape. Kinuha iyon ni Monica at humigop ng konti,wonder

