“Thank you.” Ngumiti si Josephine at pinatong ang kamay sa kanyang dibdib, parang pinapakita na galing talaga sa puso ang pasasalamat. “You’re welcome,” sagot ni Monica. “I was pregnant and broke back then, pero kahit hindi tayo ganon ka-close, pina-rent mo sa akin ang bahay mo at low price. That’s a kindness I’ll never forget.” Bihira lang silang magkita nang personal, pero dahil sa online messages at calls, nabuo rin ang kakaibang uri ng pagkakaibigan nila. Bago umalis si Monica, tinapik pa niya si Josephine. “Be careful, Josephine. Think of your child first. Kung pwede pang maayos ang pagsasama ninyo ng asawa mo ay ayusin ninyo, mahirap ang proseso ng annulment, isa pa walang divorce ng Pilipinas,” wika niya pa. Habang nagda-drive pauwi, hindi maiwasan ni Monica na mapaisip. She

