Hindi na kailangan itanong, halata naman lahat ng kaklase sa classroom ay galing sa mayayamang pamilya.. Mga anak sila ng mga kilalang negosyante at makapangyarihang tao. Gusto ni Alexander na alamin, isa-isa ang mga classmate ni Hazel, para malaman kung may tinatawag na “class bullies” — mga batang mahilig mang-api ng iba. Nag-aalala siya na baka nabubully si Hazel, at ayaw lang nitong umamin. “Okay, sir,” mabilis na sagot ni Darwin, at agad siyang nagtungo kay Teacher Wena para kumuha ng listahan ng mga estudyante. Makalipas ang sampung minuto, dala na niya ito pabalik. Hindi niya kilala lahat ng mga bata, maliban kina Clarence at Charles, pero ibinigay niya ang listahan kay Alexander matapos itong basahin. Hindi man lang tiningnan ni Alexander ang listahan. “Hanapin mo kung sino an

