Six - I'm not for sale

1586 Words
Alas tres na ng madaling araw ngunit hindi parin siya pinapatulog ng halik na 'yon. Panay ang hawak niya sa labi. Hindi talaga mawala sa isip niya ang pagiging agresibo nitong angkinin' yon. Tinignan niya ang lalaking walang pantaas sa gawi niyang kaliwa. Mahaba ang pilikmata nito, matangos ang ilong, makapal na kilay, may cheek bone, may natural na pinkish ang labi in short, GWAPO! "Baka matunaw ako." anito at dinilat ang mga bumbaying mga mata, bagay na bagay sa moreno nitong balat. "Tunaw your face." bulong niya sabay tinalikuran ito. Narinig niyang mahinang tumawa ito at naramdaman niyang muli ang kuryente mula sa kasuluk-sulukan ng pagkatao niya nang yakapin siya nito patalikod at inusog palapit sa hubad na katawan ng binata. "Come closer." bulong nito at inamoy-amoy ang buhok niya na isang araw ng walang shampoo. Wala na siyang paki-alam, ma-turn off ito kung mati-turn-off. Hindi niya alam kung napansin ba nito na halos manigas siya sa yakap nito pero dedma. Hangga't kaya niyang itanggi na wala lang iyon, ay itatanggi niya. Para bang hinigop ang lahat ng tapang at pagka bwisit niya sa lalaki noong halikan siya nito. Kinu-question niya ang sarili ngayon, na bakit tila ata naging sunud-sunura na siya rito. Para na nga lang ba talaga sa 300? Naz, para lang ito sa 300k ha. Wala ka na dapat isipin kung hindi iyon lang. Hindi rin niya lubos na maisip kung bakit sa lahat ng naggagandahang mga babae na kilala nito sa industriya ay siya ang pinagtiyatiyagaang yakapin nito sa malungkot na gabi. "Matulog ka na," bulong nito at hinigpitan ang yakap sa kanya . "Bakit ako?" hinarap niya ang lalaki na nagulat sa biglaan niyang pag harap. He gave her a quick smack on her lips. Nanigas na naman siya. Bwisit! Bwisit ka. "Why not?" sabi nito at muling humalik ng mabilis sa kanya. Nakakapang-lambot ang mga halik mo boy, nakaka-irita! "Bibilhin ko ang buong araw mo bukas. May pupuntahan tayo." sabi nito at tinalikuran na siya. Lalo lang siyang nag isip at hindi nakatulog sa inasal nito. At ang mabilisang halik na yon na para ba silang mag jowa ang bumabagabag sa kanya. Hindi niya alam pero naiinis siya rito. Paano naman kasi siya tatanggi? Napaka laking pera ang kikitain niya sa lalaki. **************** ALA SAIS NA NG UMAGA nang marinig niyang may pumasok na maingay sa kwarto at nang saglit niyang dinilat ang mga mata ay wala na ito sa tabi niya. Nakita niyang naka-abang ito sa lalaking may hila-hilang kung anong bagay kung saan nakapatong ang mga pagkain na in-order nito. Mukhang bagong paligo si Adrian dahil nakita niyang twalya lamang ang bumabalot sa p*********i nito at basa pa ang buhok. Bumangon na rin siya dahil sa hiya. Kahit napuyat siya kakaisip sa pesteng halik nito sa kaniya. You can't blame her, it's her first goddamn kiss. "Good morning, Sweetie. " Bati nito sakanya. Irap lang ang naging tugon niya. Sweetie mo mukha mo. Pa-fall! Tapos pag nahulog kami, kasalanan pa namin kasi marupok kami, ganon? Umunat-unat si Naz at kinuha ang toothbrush sa bag na hindi man lang pinansin ang lalaki. "Ang aga-aga, ang sungit." narinig niyang bulong nito. "Pagbubulong, pakihinaan. Nawawala ang essence ng bulong. Salamat." Bago niya i-sara ang pinto ay hindi napalagpas ng mata niya ang ngiting pinaskil nito. Pa-fall. Tsktsk ××××××××××× Handa na ang almusal nang lumabas siya. Tahimik lamang naghihintay ang lalaki sa kaniya. "Uy, salamat sa paghintay." sabi niya at naupo sa tabi nito. Ang totoo ay medyo naglaway siya sa pagkaing nasa harapan. Napakaraming pera nito pero hindi man lang siya inalok ng kahit na ano kagabi. "Sorry ha, hindi kasi ako kumakain sa gabi." basag nito sa tahimik niyang paglamon. "Okay lang, wala rin naman akong gana kumain kagabi," pagsisinungaling niya. Base sa peripheral vision niya ay panay ang tirig nito sa kaniya. Ano ba problema mo, ha? panay tingin. Kainis! "Bakit? " hindi niya mapigilang mag tanong . "Ha? Anong bakit?" "Bakit gandang- ganda ka saken at panay ang titig mo?" "Ha? Sino kaya itong tumitig saken kagabi?" "Well about that, I'm just wondering kung paano tayo napunta sa tagpong 'to." Hindi ito sumagot agad. "Keep wondering. If you have yhe answer, tell me immediately. Anyway, ipapahatid kita sa driver ko at kunin mo lahat ng damit mo at dalhin mo dito." "Para? I mean para saan? Bakit? I don't see any reason para dalhin ang mga gamit ko dito." "Hays. As usual, you are being your stubborn self again. I have 3 rules for you. Rule number 1, bawal magreklamo. Rule number 2, bawal magtanong. Rule number 3,bawal mangatwiran. Rule number 4, bawal mag quit. Rule number 5. If you have questions, please refer to rule number 2." "What the heck!! Adrian, may dress shop ako and once a week ko lang binubuksan ang shop ko na 'yon. Naka schedule kasi ako don ngayon at marami akong suki, sayang kasi yon. Hindi ko na sinabi sa' yo kagabi dahil pagod na ako makipag talo sayo." "Rule number 1," Hindi ito tumingin sa kaniya. "Sabi mo 6 hrs a day lang ako. 2hrs mandatory OT. I've been here at exactly 9pm it's almost 7am in the morning. Hindi pa ba sapat iyon? Marami akong raket sir, kung magiging part time ko ito ay napakalaking tulong. Sana naman po ay maintindihan niyo. Opo, sobrang laki ng perang kikitain ko sa inyo, pero ayokong i-take for granted to dahil hindi naman ako pwedeng mapanatag sa set up natin. Hindi ko kayo pwedeng gawing priority dahil hindi ko alam ang bawat liko ng utak mo, paani kung bukas makalawa ay ayaw mo na, na nakahanap ka na ng bagong girlfriend o kung sino man. Please, I'm begging you..." Gusto niyang ipaliwanag ng maayos at magalang ang side niya baka sakaling tumalab iyon. "Rule no. 3" "Look adrian. Unang-una hindi ko pwedeng dalhin ang lahat ng damit ko dito at mahihirapan ako pag kailangan kong umuwi at kumuha ng pamalit." "You can have my keys." "Adrian, you cannot trust me this much!! Sana naririnig mo sarili mo! I am completely a stranger to you! I was once your employee for 6hrs. At ganito na ang gagawin mo at trato mo?" "who cares?" "Please don't take this lightly." "Just trust me." "How can I?? You're confusing me!" "Finish your breakfast , ako na maghahatid sayo." "Pansinin mo ko!! Hindi mo pwedeng gawin saken to." "I'll pay." "I'm not for sale. Not for a day, not ever!" Lumapit ito sa kanya at bahagya siyang hinalikan sa labi. That one passionate kiss from him just lifted her worries. "Trust me, I got you." He kissed her forehead. "Let's talk after finishing our breakfast." Huling sabi nito at bumalik na sa pagkain. Muli ay iniwan na naman siya nito na animo'y rebulto. Just what the heck is happening to me? Hey senses, come back!! Don't leave me... Hindi na siya muling sumubok na makipag talo rito. Ninamnam na lamang niya ang mga pagkaing nakahanda sa harapan. Nang matapos kumain ay nag-dial lamang ito sa telepono at ilang saglit lang ay isang crew ang kumuha ng mga pinagkaininan nila. Sabay silang nag-toothbrush pagtapos ay pinanood na niyang magbihis ang lalaki. "Nasa baba na ang kotse, hatid na kita." Anito ng makitang naka medyas na siya. "Seryoso ka ba talaga?" "Yes, anyway if you're not free today, let's call it a day. Tatawagan nalang kita ulit mamaya." "Wow! Thank you, I appreciate it. Do you have my contact number?" "Of course," "Thank you." mahina niya muling sabi sapat na upang marinig ni Adrian. "Basta lahat ng mga kailangan mo dalhin mo na dito. Ayos na rin kung hindi mo dalhin lahat. papalitan ko nalang ng bago." Daming pakulo. Daming way mag papansin. "Again, you don't need to." "I want to." Lumapit ito sa kanya at muli siyang hinalikan. Limang segundo na namang pinatigil nito ang t***k ng puso niya. He gave her 3 quick smack on her lips. "Gagawin ko 'to kahit saan, kahit anong oras ko gusto." paglilinaw nito. Muli na naman siyang inabandona ng lahag ng tapang na mayroon siya. Ni hindi siya makagalaw. Saglit na pinatigil nitong muli ang mundo niya. My heart... please no... "Got to go." iyon na lamang ang naibuka ng bibig niya. "I'm coming with you." nakangiti nitong sabi sabay hawak sa kaniyang kamay. "Says who?" tanong niya at umirap dito. "Ako. May reklamo?I'm the boss!" Ni-lock na nito ang pinto ng kwarto at inabot ang dalawang magkaibang susi. "Bakit dalawa? " tanong niya. "Iyong isa para dito sa hotel at yung isa para sa kwarto ko sa mansyon. May problema? One of this day, dadalhin kita don." sumasakit na ulo ko sayo! Why are you acting like i am onr of your possession?! Why can't I resist? Nasa elevator na sila nang hawakan nito ang pisngi niya. "I want to kiss you," pagsabi pa lamanv nito ay kasunod na ang isang madiin na halik na binigay sa kaniya. What the heck, Adrian... Bakit ganito na lamang ang hatid ng mga halik mo sa akin? Hey Naz! This is just for 300k! Nothing more!! "I want more later, " anito sabay bitaw sa kaniyang kamay. Animo siyang naging robot na sumunod dito sa pag labas ng elevator. "If they ask who you are, just say nothing." Of course. This is just nothing. I am just nothing. "Noted." Patayin lahat ng namumuong kakaibang pakiramdam, Naz... He is still that arrogant you hate...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD