***N a z a r e n e
NAGLALAKASANG tugtog mula sa hindi makita kung saan nanggagaling na musika ang bumungad kay Naz. Hindi siya nagkamali, iyon na nga ang lugar na binanggit ni Magi sa text nito sa kaniya. Pumasok na siya sa loob at dumirecho sa counter. Isang matipunong gwapong lalaki ang nakatayo malapit sa counter. Nasa 5'9 ang height. Maskuladong mukhang kumikita ng limpak-limpak na salapi. Sa madaling sabi, mukhang yayamanin. Iyong tipo ng lalaki na walang dalang cash dahil panay card ang gamit. Iyon ang naiisip niya sa lalaking matangkad na napakagwapong parang may inaabangan.
"Hi, ako nga pala si Nazarene Maldives, ako po yung pinadala ni Miss Margaret for this special event, kanino ko po kaya malalaman 'yong ibang details ng trabaho ko?" lakas loob niyang tanong sa lalaki. Mabuti at hindi siya na star struck sa lalaki kahit sobrang gwapo nito sa malapitan. Tinignan niya ang maamong mukha ng lalaki, mukhang approachable naman ito at hindi siya kinakabahan.
"Ow, right! Ikaw pala. Good that you approached me first. You are talking to the right person hehe, Anyways, Margaret is my fiancée."
Kinagulat niya ang pagpapakilala nito bilang fiance ng matalik niyang kaibigan. Talagang malakas ang karisma ni Magi , bukod don ay kaya nitong makipagsabayan sa mga susyalan. Hindi gaya niya na tamang pasok work, uwi bahay lang ang naging buhay.
Grabe, bakla. Hindi mo naman ako in-inform na jowabels mo pala ang makakaharap ko rito. Bongga day! Ikaw na ang pinagpala sa babaeng lahat.
"Wow! She never mentioned na engaged na pala siya," pag-amin niya. Dahil hindi naman talaga siya sinabihan ni Magi na ang napakagwapong lalaki na naghihintay sa kaniya para magsabi ng iba pang detalye ng kaniyang trabaho ay walang iba kung hindi ang fiance lang naman ng matalik niyang kaibigan.
"Aw, that hurts. Are you one of her friends in high school?" mabini nitong tanong. Damang-dama niya ang pagka-gentleman ng lalaki. Tuloy, lalo siyang nagiging masaya para sa kaibigan. Magaan magdala ng usapan ang lalaki. Hindi ito matapobre. Hindi gaya ng ibang napapanood niya sa pelikula, na pag mayaman ay awtimatikong nangmamata. Ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng mayaman ay mababa ang tingin sa mga mahihirap.
"Yes. She's actually the closest friend I ever had back then."
Naging malapit sila ni Magi noong High school noong de-private school pa sila ni Nate. Ito ang pinakalapitin sa kanila ng manliligaw noon. Pero isang lalaki lang ang natipuhan ng kaibihan niya, umabot din ng taon ang pag-iibigan nila at nauwi rin sa hiwalayan. Puppy love, though. Habang siya naman ay ubod ng seryoso at bihira ngumiti, aniya abala lang ang mga lalaki sa buhay niya. Masyado pa siyang bata para masaktan. Iyon ang pinamukha ni Naz kay Magi noong naghiwalay sila ng boyfriend nito noon, na maghihiwalay din sila dahil pareho pa silang idealist sa love. Hindi nga siya nagkamali.
"Awts, that hurts me even more."
Lintik ka naman kasi Magi. Ano bang pangalan ng jowabels mo?
"You know what, siguro binanggit niya iyon sa'kin pero hindi ko lang talaga maalala. My bad." seryosong sabi niya.
Saglit siyang nag browse ng mga text messages ni Magi. Parang naliwanagan siya nang makita ang pangalan na binaggit nito last month.
"No, Im sorry, Nikko, right?"
"Wow. You just used a life line. Now you know me already, " tumawa siya nang mahina.
"It's just that, I know she has a boyfriend named Nikko, but I was not informed that you two were engaged. Congratulations, by the way."
She easily forgot names. Lalo na kung hindi niya pa nakikita ang tao sa personal. And that was exactly happened.
"Thank you Naz, anyway, madali lang naman ang work mo, gaya nga ng text mo kay Magi, susyal na tanggera ka lang." tumawa ito. Namula siya sa hiya, alam kaya nito na sobrang laki ng problema niya sa pera?
"You're blushing, hwag ka mahiya. Tama ka naman. Hahaha. umiinom ka ba?"
Hindi niya mapigilang huwag mahiya. Lalo na at hindi naman talaga sila close ng lalaki.
"Yung totoo ba? Hindi ako umiinom. I tried it once pero nababaliw daw ako pag lasing, maraming kahihiyan na ginagawa, so hindi ko na inulit uminom. Whenever na mayrong special event with my friends, pumupunta pa rin ako, pero hindi ako umiinom. Tamang tanggera lang." tumawa na naman ito ng malakas. Sobrang casual nito sa kaniya.
"Nakakatawa ka." anito sabay ngiti sa kaniya.
Nahiya na naman siya. Ang gwapo kasi nito, parang ito lang ang unang beses na may naka-usap siyang gwapo na ganito ka-casual.
"Anyway , enjoy your stay, maya-maya mag uumpisa na ang party, salubungin ko lang muna yung ibang bisita." pag papaalam nito.
"No worries, retouch lang din ako. Salamat pala Nikko, nice meeting you." nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang lalaki.
"Nice meeting you too,Naz! Wait, si Mr. Benevidez, greet ko lang Naz ha, see you around." ngumiti lang siya at tuluyan na itong nagpaalam.
Nakita niya agad ang powder room at doon na siya dumirecho nang umalis ito. Sanay naman sya maging tanggera, kayang kaya niya yon. Napakadali lang ng trabaho na iyon.
Pagdating niya sa powder room, namangha siya sa structure ng lugar, napakagaling. Alam niyang hindi biro ang perang nilaan doon para maging ganoon kaganda at kasusyal ang dating. Malinis ang lugar, halatang-halatang alaga sa linis.
Pinatungan niya lang ang foundation niya, nag blush on ng manipis at nag lipstick na di ganoong kakapal. Isang ngiti ang pinakawalan niya nang makuntento sa kinalabasan. Nakakaganda rin ang liwanag sa powder room na iyon kaya naman, nilabas niya ang cellphone niya at nag mirror selfie. Pinost niya iyon sa i********: account at nag caption ng @Crawford's Deluxe
******×******
Ilang minuto ang tinagal ni Naz sa powder room, ilang tao na ang pumasok at labas doon ngunit naroon pa rin siya. Nang mapagtantong magsisimula na ang trabaho niya ay patakbo siyang lumabas ng powder room at animo'y makikipagkarerahan sa oras.
"What did you just say? You're not coming?!"
BLAAAAG
Sa lakas ng impact ng banggan nila ng matangkad na lalaki ay siya lamang ang tumalsik kasabay ang mga gamit niya. Nakita niya ring tumalsik ang cellphone nito kung saan. Agad niya iyong pinulot dahil hindi niya nakitang gumalaw ang lalaki na sapatos pa lamang ang nakikita niya.
"Hala sorry po, di ko po sinasadya." aniya habang ina-abot ang nabagsak na cellphone ng lalaki. Nakita niyang may c***k ang mamahaling cellphone ng lalaki.
"Hello, dear, what happened?" narinig niyang sabi ng babae sa kabilang linya. Hinablot iyon ng lalaki sa kaniya.
Nang magtama ang mga mata nila ay napaka sama ng tingin nito sakanya. Kulang na lamang ay kainin siya nito ng buhay. Ang itim na itim na mga mata nito at matangos na ilong, isama mo na ang makapal na kilay nito ang nagbigay rito ng matapang na aura.
Adrian crawford? shock!
Kasing tangkad lamang ito ni Nikko, at. may aura itong arogante. Napakalalim nito kung tumingin.
Nananalangin siyang hwag naman sana nitong pabayaran ang nabasag na cellphone dahil sa lakas ng impact ng banggaan nila dahil sa nagmamadali ito. Hindi niya talaga napansin ang pag daan nito, patakbo rin kasi siyang palabas ng powder room nang makabangga niya ang lalaki.
"One stupid girl just bumped me." tugon ng lalaki sa kausap nito sa cellphone at literal na dinaanan na lamang siya.
STUPID GIRL WHO?! ME? e ikaw nga 'tong bigla na lang sumulpot sa dadaanan ko. Mayamang arogante!
Isa-isa niyang pinulot ang mga nagsitalsikan niyang mga gamit. Ilang saglit pa'y inakay na siya ni Nikko. Hindi na niya binanggit na nakabanggaan niya ang may-ari ng bar.
The party just started at gaya nga ng na-instruct sa kanya , personal waitress s***h tanggera siya ng mga mayayamang naroroon. Nakatayo lamang siya sa sa isang gilid at nagmamasid sa mga bisita. Pag nakita niyang wala ng laman ang wine na iniinom ng kung sinong barabas ay lalapit siya upang punuan muli iyon.
Ayon sa pagkakaintindi niya sa party meeting na 'yon ay, bagong branch ito ng Crawford's. Pasalamat siya at hindi siya nag heels, 2inches wedge lang ang suot niya, dahil kung nag-heels pa siya ay talaga namang mananakit ang mga paa niya.
Tatlong oras na siyang nakatayo at palakad-lakad. Hindi sumunod ang mga ito sa tatlong oras na kontrata niya.
Tinignan niya si Adrian na panay ang tingin sa cellphone, at kumukunot ang noo.
Nagsi-urungan na ang mga upuan, doon lamang niya napagtanto na tapos na ang party.
Walang kasing boring ang party na yon!
Ganito ba mag-party ang mga mayayaman? Ang boring!
Narinig niyang nagpapasalamat na si Adrian at Nikko sa mga bisita. Nang biglang maaligaga si Adrian at masama siyang tinignan.
"Excuse me, i need to do something, have a safe trip." anito habang dire-direcho itong papunta sa kanya. Hiniglat nito ang kamay niya at walang ano'y kinaladkad siya.
"Sandali po," piglas niya pero parang wala itong naririnig.
Hawak-hawak pa niya ang isang bote ng wine.
"Teka lang po, nasasaktan na po ako. May problema po ba?" magalang niyang tanong kahit naiinis na siya sa lalaki.
Dinala siya nito sa isang kwarto. Kung hindi niya pinagmasdan ang lugar, hindi niya malalaman na ito ang office ng lalaki. Nilapag niya saglit ang bote ng wine sa isa sa mga cabinet nito.
"Talagang masasaktan ka, pag hindi mo binalik iyon saken." he threatened.
"Po? Ano pong ibabalik ko?" inosenteng tanong niya.
He called the security. Ilang saglit lang ay dumating ang dalawang babaeng guard.
Nagtataka man ay hindi niya magawang gumalaw mula sa kinatatayuan.
"Kapkapan nyo ang babaeng yan."
She felt insulted and humiliated at the same time.This is the first time that someone accused her, at wala siyang kaide-ideya kung ano ito. Ano bang kasalanan ang pinipilit nitong ginawa niya? Pinagbibintangan ba siya nito?
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Nikko.
"What's wrong with you Adrian, Naz is my person."
"That girl stole the gift i have for Carmie."
Mabilis na tumulo ang luha niya nang sa wakas ay narinig niyang pinagbibintangan nga talaga siya nitong magnanakaw.
"Mawalang galang na ho, wala po akong alam sa sinasabi niyong ninakaw ko. Maayos po akong napalaki ng mga magulang ko. At kahit sobrang gipit at sobrang laki ng problema ko sa pera ngayon, hindi ko naisip magnakaw!" aniya at itinaas ang nahuhubong palda gawa ng pagkakapkap ng mga security guard nito.
Sa lahat ng oras at panahon, nangyari ang eskandalong ito sa unang araw ng kaniyang trabaho.
"You are the only person whom I bumped into a while ago, hwag na nating dramahan ang isa't-isa. Ilabas mo na." pagpapatuloy na akusa nito. She had no choice but to take off her clothes.
"Magpapakulong ako habang buhay pag nakita nyo ang nawawala niyong kung ano sa mga damit at gamit ko." Initsa niya ang white polo at palda na suot di kalayuan sa kinatatayuan niya. Iyon lamang ang naisip niyang gawin upang linisin ang pilit nitong dinudumihang pagkatao.
Nagulat si Nikko at Adrian sa ginawa niya. Dahil ngayon na naka-cycling shorts at bra na lamang siya ay hindi siya magawang tignan ng mga ito.
"Adrian please, stop this. You have maybe left it somewhere."
Nakikiusap na si Nikko. Nahihiya ito sa kaniya dahil si Magi pa naman ang nag recruit dito.
Panay lang ang tulo ng luha niya. Sobrang nasaktan siya sa akusasyon nito na magnanakaw siya.
"Are you done looking for it?" Hindi pa rin pala ito tapos sa pag-aakusa sa kaniya. Nagdulot iyon ng sobrang sakit at galit sa kaloob-looban niya. Alam niyang gipit siya ngayon, pero hindi pumasok sa maliit niyang kokote ang magnakaw. Ni wala nga siyang ideya kung ano ang hinahanap nito.
"Sir wala po kaming makita."
"It's just a small blue box." hirit pa nito.
"Sir, wala po talaga." ani ng isang babaeng sa tingin niya ay naaawa sa kaniya.
Nang marinig ni Naz iyon ay pinulot niya na isa-isa ang kanyang mga damit. Tinulungan siya ni Nikko sa pagpulot ng kaniyang mga damit at gamit.
"Siguro naman, makaka-alis na ako. Parang gusto mo pa ata akong balatan ng buhay para lang makita kung ano mang punyetang blue box na hinahanap mo."
Sinundan siya ni Nikko na makalabas ng office nito. Dumirecho siya sa powder room habang escort-escort ni Nikko.
"Im so sorry Naz that you have to experience this."
"Don't be, hindi naman ikaw ang may atraso saken." aniya.
Hindi pa rin siya tapos umiyak. Sa loob ng cubicle doon na siya humagulgol ng malakas.
Kung hindi niya lamang kailangan ng pera ay wala siya sa lugar na 'yon.
Narinig niyang bumukas ang pinto kaya tumigil na siya sa paghagulgol. Ayaw naman niya na maka-abala ng mga babaeng gusto ring gumamit ng lugar. Mabilisan niyang tinapos ang pagsuot sa mga damit.
"It's me, Adrian."