Khloe Amelia's POV Nanlulumo ako at parang pinapatay habang nakatayo sa labas ng ICU. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko na nakaratay sa ospital ng kama at maraming nakakabit na aparato sa kanya. Simula kagabi, hindi pa ako natutulog at binabantayan ko lang mula sa labas ang kapatid ko na nag-aagaw buhay. "Kuya..." Inilapat ko ang palad ko sa harap ng salamin na humaharang sa akin at sa kwarto ng kapatid ko. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Alam kong may awa ang Diyos. Pagbibigyan niya ulit ang kapatid ko na bumalik sa dati. "Kumain ka na muna, Khloe—" "Ayos lang ako," walang ganang sagot ko kay Neandro habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung paano pa ako makakakain. Kahit ang

