Khloe Amelia's POV Nakasandal ako sa balikat ni Neandro habang nakaupo kami parehas sa gitna ng likod nitong kotse na sumundo sa amin. Nakaupo lang naman ako sa buong byahe namin pero pakiramdam ko pagod na pagod talaga ako. "Kumain muna tayo bago ka magpahinga. Kaya mo pa ba?" malambing ang boses na tanong sa akin ni Neandro. "Kaya ko pa naman." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan na siyang nagmamaneho nitong sasakyan. Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. "Señorito, naghihintay na po sa lobby ang mga magulang niyo at nakahanda na rin ang sasakyan niyo papunta sa kakainan niyo. Kami na po ang bahala sa mga gamit n'yo," saad ng nagmamaneho. Hindi naman sumagot sa kanya si Neandro at hinilig lang din ni Neandro ang ulo niya sa ulo ko at pi

