Khloe Amelia's POV Lahat ng panghihina ko kanina nadagdagan ng makatabi ko na ulit ang boyfriend ko. Parang may mahika ang paghalik-halik niya sa akin. Ang pagyakap niya sa akin parang nagbibigay lakas sa akin. Ayos na ulit ako. Wala na kong nararamdaman na ano man. "Kumain tayo sa tree house. Naghanda ako ng pagkain sa atin dalawa para selebrasyon ng pagkapanalo mo." Napatingin ako sa kanya habang sabay kaming naglalakad habang naka-akbay siya sa akin at hawak ko naman ang braso niya. "Naghanda ka para sa selebrasyon?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Nakakatuwa naman na naghanda pa talaga siya para lang sa pagkapanalo ko kahit na ayaw niya talaga na sumali ako rito. "Oo, dahil hindi naman kita kayang tiisin. Hindi ko kayang hindi manood nitong laban mo kaya

