Lych,
Kumakain kami ngayon ni Michael dito sa Great Hall kasama ang iba pang estudyante, ngayon na ang araw na aalis kami rito sa Fleurton pero hindi namin alam kung anong oras. Wala din ang Headmistress sa kaniyang upuan, bakante parin ito kaya ang hinuha ko ay may pinagkakaabalahan siya.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Michael nang makalabas kami mula sa Great Hall, "Pupuntahan ko sina Sylvester, may laro kami ngayon." sagot ko naman, maaga kasing nag padala ng liham si Sylvester mula sa messenger owl.
"Ganoon ba, sige." sabi naman niya pero bago kami nag hiwalay ng landas ay may tinanong muna ako sa kaniya, "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya, nilingon naman niya ako, "Kay Chloe." sagot naman niya bago muling tumalikod at naglakad na palayo sa akin.
Sinuong ko ang hallway na puno ng mga warlock na gaya ko ay isang estudyante. Kung tutuusin nga ay parang undercover lang namin ang pagpasok namin dito upang maitago kami mula sa Necromancer ngunit nakapasok parin si Leon at muntik pa kaming mapatay.
Mabuti na rin siguro na umalis na kami rito dahil baka madamay pa ang mga estudyante na walang namang kinalaman sa amin. Oo, mga warlock sila at ang may nagtatangka sa lahat ng kanilang buhay ngunit kami ni Michael ang parang trigger.
Kami ang nagpapalala sa sitwasyon, kami ang gusto nila, hindi pala, ang fountain ang gusto nila na hawak, pinoprotektahan at itinatago ng aming mga pamilya. Dumagdag pa ang pagiging descendant namin ng lightborns.
Napapailing na lang ako habang naaglalakad hanggang sa makalabas na ako mula sa malalaking pinto ng paaralan at umapak sa kulay berdeng damuhan. Tinahak ko ang kanluran na bahagi ng daan upang makarating sa oblong.
Nang matanaw ko na sina Sylvester ay tumakbo na ako upang mas mabilis na makarating sa kanila. "Na huli na ba ako?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila at tumayo ako sa tabi ni Sylvester.
"Sakto lang." sagot naman ng isang babae, nalimutan ko na ang kaniyang pangalan kaya tumango na lamang ako. "Ano, tara na." sabi naman ng isang lalaki, Sylvester lang talaga ang naiwang pangalan sa utak ko.
Pumunta kami sa ilalim ng arena kung saan nagaganap ang larong Girri, nahati ito sa dalawa gamit ang makapal na tabla. Sa kabilang part ay ang aming mga makakalaban. Nakasabit mula sa dingding ang mga broom at mga wastong uniporme pang laro.
Huli kong isinuot ang helmet bago ko hinawakan ang aking broom. Kulay berde ang amig uniporme, "Tara na!" naeexcite na anunsyo ni Sylvester matapos maging zero ang nasa orasan namin at bumukas ang itaas na bahagi ng arena.
Sumakay kami sa aming mga broom at isa-isang lumipad pataas. Naghiyawan ang lahat nang nanonood, kung ganito kadami ang nanonood sa isang normal na laro lang, paano pa kaya kapag international na?
Gaya ng dati, ako parin ang tagabantay o Guard, mas gusto ko na rin iyon dahil wala pa naman akong sapat na experience at 'yong nangyari noong una kong paglalaro ay baka hindi na mangyari ngayon.
Nagkaroon ng malakas na tunog bago tumaas ang tatlong pole at nagsimulang mag habulan ang magkabilang panig, naging alerto naman ang mga Knights na binabantayan ang mga poles. Nakatigin lang ako sa aking harapan, wala pa naman kasing nakukulong kaya pasimple lang akong nanonood.
Nagulat na lang ako nang magkaroon ng dalawang manlalaro ng kalaban ang nakakulong, medyo pumantay ako sa taas ng kulungan at nag masid sa mga papalapit na kalaban, sa amin naman ay may isang nakulong.
Naging mas mahirap pa ang laban dahil sa dikit ang score, ngayon naghahabulan ang mga Advancer at Stealer sa ere.
Nasa ika sampung minuto na kami at lumabas na ang malaking orb. Maraming pagtatangka ang ginawa ng kalaban ngunit nabibigo sila, sa mga kakampi ko nama'y makukuha nila ang orb ngunit maagaw ulit ng mga kalaban.
"Lych!" tawag ng isang Knight sa akin, nilingon ko siya at itinuro ang aking ibaba. Nanlaki ang aking mga mata nang may isang kalaban ang malapit nanag mahawakan ang kulungan, mabilis akong bumaba at nang mahahawakan na sana niya ang kulungan ay naitulak ko siya palayo.
Ilang bese kaming nag banggaan, muntik pa nga ako mahulog mula sa aking sinasakyan na broom. Dahil sa abala niya ay nahawakan siya ng Knight at awtomatikong nakulong ito.
Hindi ako agad nakapag react nang makita ang kaniyang atake dahil hindi ko naisip na papalayain pa nila ang dalawa dahil lampas sampung minuto na ang nakakalipas. Mukhang kailangan nila ng pwersa kaya nila naisipang palayain na ang mga kasama nila.
Dahil nga sa kukunti na lang sila ay madali na lamang nakuha ng Stealer ang orb nila at bumulosok ang takbo o lipad ng kaniyang broom, nagkaroon ng malaks na tunog na ani mo'y may sumabog dahil sa impak ng dalawang nag fuse na orb.
Naghiyawan ang lahat, maging ako ay tuwang-tuwa na nanalo na naman kami. Gaya ng dati ay may parang fireworks na naganap na hanggang ngayon ay nakakapag pamangha parin sa akin. "Ayos ba?" tanong ni Sylvester sa akin.
Ngumiti ako at tumango, "Parang parting gift na ito sa akin." sabi ko naman habang nakatingala sa pinakamataas na pole na hanggang ngayon ay naglalabas parin ng fireworks. "Ha?" tanong niya, nilingon ko naman siya, "Aalis na ako ng Fleurton mamaya." sagot ko naman sa nakangiting si Sylvester.
Kumunot ang noo niya at tila nawala ang ngiti niya, "Aalis kana? ang aga naman." sabi niya, ngumiti ako, "Gano'n talaga, kailangan eh." sagot ko naman sa kaniya. "Pero sa susunod na pasukan makikita ulit kita diba?" tanong niya, umaasang ang isasagot ko ay oo.
Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam." sagot ko naman sa kaniya, nag salubong ang kaniyang mga kilay bago siya bumuntong hininga. "Kung ganoon, masaya akong naging kaibigan kita." sabi naman niya, hindi ko alam kung matatawag mo na ang isang tao na kaibigan mula sa ilang araw niyong pagkakakilala ngunit,
"Ako rin, masaya akong naging kaibigan ka at makalaro ng Girri." sagot ko naman sa kaniya at ngumiti. "Paano ba'yan, kailangan na naman nating maghanap ng bagong Guard." anunsyo ng babae na mukhang narinig ang aming pinag-usapan ni Sylvester.
"Ha?" tanong ng isa, "Bakit naman, maayos na ang line up natin ah." sabi naman ng isang lalaki, "Ayos din naman si Lych." sabi nama ng isa pa. "Oo nga, magaling siya ngunit aalis na siya." sabi ng babae, napakunot nnoo talaga ako dahil don, ako dapat ang magpapaalam eh.
"Bakit?" sabaysaby nilang tanong at tumingin sa akin, bumuntong hininga ako, "Personal na bagay." sagot ko naman sa kanila, mukhang naintindihan naman nila na ayukong sabihin ang rason kaya hindi na nila ako tinanong pa.
"Huling laro na pala natin 'yon." sabi naman ng isa, siya ang Stealer na nakapag fuse ng orb, "Kaya." pag sangayon naman ng iba, "Pero kung babalik ka ulit, bukas kami para sa'yo." hinawakan ng babae ang aking balikat at ngumiti.
Inilibot ko ang aking paningin at lahat sila'y naka ngiti. "Salamat." sabi ko at ngumiti din. Pagkababa namin sa ilalim ng arena o ang prep room ay may narecieve akong liham mula sa Headmistress, pinapapunta niya ako sa kaniyang opisina.
"Guys, mauna na ako, paalam." kumaway ako sa kanila bago lumbas sa silid, suot ko na ulit ang uniporme ko. Binilisan ko ang aking pagtakbo at sakto namang nag padala din ng liham si Michael.
Hinihintay na daw niya ako sa opisina ng Headmistress kaya lumihis ang aking landas at dumiretso na sa tore kung saan nakapaloob ang opisina ng Headmistress. Pagkarating ko doon ay agad akong sumiksik sa maliit na espasyo bago ito umikot at iluwa ako sa loob ng opisina.
"Tito! Tita!" natutuwa kong sabi nang makita ang mga magulang ni Michael, tumakbo ako at niyakap sila, ganoon din ang kanilang ginawa. "Wag na tayong mag aksaya pa ng oras," pumaharap ang Headmistress at mayhawak itong dalawang vial.
"Inumin niyo ito." dagdag pa niya at inabot sa amin ni Michael ang vial, "Para saan po 'to?" tanong ni Michael, maging ako ay ganoon din ang katanungan, "Isa iyang potion, isang patak upang mabago ang inyong boses,
Dalawang patak upang mabago ang inyong hitsura at isang bote upang mabago ang inyong anyo." paliwanag naman ng Headmistress, "Ano pong anyo ang makukuha namin pag ininom namin ito?" tanong ko naman.
"Ibon," sagot niya, "Tatagal ang potion ng tatlumpong minuto bago kayo bumalik sa dati niyong anyo, sapat na oras upang makapunta kayo sa ligtas na lugar." saad pa niya, napalunod ako dahil sa sinabi niya.
"Inomin niyo na." sabi ng nanay ni Michael, tumingin ako kay tito at tumango ito na tila sumasang ayon sa sinabi ng kaniyang asawa. Nagtinginan kami ni Michael bago ininom lahat ng laman ng vial.
Parang suka na may halong lupa ang lasa nito, naduwal pa nga ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili hanggang sa marinig ang pag lagutok ng aking mga buto.
Medyo masakit ito ngunit agad din itong nawala, nagulat na lang ako ng bigla akong lumiit at nang titingnan ko sana ang kamay ko ay mga balahibo ang aking nakita, nakakapanibago at kakaiba sa pakiramdam.
Sa unang subok kong lumipad ay agad akong bumagsa ngunit ang ilang ulit kong sinubukan ay nag eenjoy na ako, ganoon din si Michael. Pareho kaming naging martin na ibon, nakakapagsalita parin kami pero ang maririnig mo ay parang sa totoong ibon na naturuang magsalita.
"Pumasok na kayo dito." sabi ng tatay ni Michael at hawak niya ang isang gintong hawla, lumipad muna kami ng mataas at nagpaikot-ikot bago mabilis na bumaba at pumasok sa hawla/ Isinara ni tito ang pintuan nito at binitbit kami na parang normal na ibon.
"Sige na, dalian niyo." pagmamadali sa kanila ng Headmistress, agad na tumalikod ang mag asawa at tinahak na ang palabas na daanan, tumingin ako kay Headmistress at kumindat ito.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nadadaanan namin, nakakapanibago talaga ang maging ganito kababa, para silang higante lahat. Nang makalabas na kami ay sumakay kami sa isang karwahe na ang mga humihila ay Pegasus.
Ipinatong nila ang hawla sa isang upuan sa loob ng karwahe at ka lebel nito ang isang bintana, tumingin ako dito at nag paalam sa aking isipan. Lubos kong naenjoy ang panandalian kong pananatili rito.
Nagsimula nang gumalaw ang karwahe at napansin ko ang pag angat namin sa lupa, hindi ako nagsalita dahil nakakainis ang tunog na aking nililikha. Dahil nga sa napagod ako sa laro namin na Girri kanina ay natulog na muna ako.
Siguro kong nakikita ko ang sarili ko ngayon, aakalain ko talaga na isa akong normal na ibon at hindi warlock.
Nagising na lang ako sa malakas na tunog, dahil sa gulat ay napasigaw ako at tunog sinakal na kambing ako. "Sino ka?!" nakatutok sa harapan ng isang babae ang mga wand nina tito at tita, tiningnan ko si Michael at natutulog din ito, inalog ko ang kaawan niya upang magising.
"Ako po si Chloe, kaibigan nina Lych." sagot naman niya, "Chloe?!" sabay naming sigaw ni Michael, tunog talaga kaming sinasakal na kambing! "Kilala niyo siya?' tanong ni tita. "Opo." sagot naman ni Michael.
Nagkunot noo si Chloe na naka tingin sa amin, "Michael, Lych?" tanong niya habang tinititigan kami at tumango naman kami, napaupo na lamng si Chloe at hindi makapaniwala na anyong ibon kami, mukhang nawalan siya ng malay.
Umiling ako at hinayaan na lang siya.
Bumaba kami sa isang burol at binuhat ni tita ang aming hawla habang binuhat naman ni tito ang walang malay na katawan ni Chloe, pumasok kami sa isang bahay at idineretso kami ni tita sa isang silid, "Ilang minuto na lang babalik na kayo." sabi niya at binuksan ang pinto ng hawla bago siya lumabas ng kwarto at isinara ang pinto nito.
Tumalon kami palabas ni Michael at unti-unti kaming lumaki at bumalik sa dati, nanlaki ang aming mga mata nang magkaparehong wala kaming saplot.
Agad naming binuksan ang aparador doon at buti na lang ay may damit na na sakto para sa amin. Pagkatapos naming makapag damit ay natawa na lang kami at napailing. Lumabas kami at pinuntahan si Chloe.
Siguro ko'y malayo na kami sa Fleurton, hindi narin namin maibabalik si Chloe dahil hindi raw maganda ang masyadong pagkilos namin dahil baka raw makahalata ang mga kalaban kaya ang ginawa nalang nina tita ay ipinaalam sa Headmistress na naririto si Chloe.