Damyan's POV
Pagdating namin sa bahay ay bumungad sa akin si Mira at ang Headmistress ng Fleurton Academy. "Damyan." Tawag sa akin ng aking asawa at agad naman akong lumapit at iniwan ang mga bata sa likuran.
"May kakaibang pagkilos sa kanlurang bahagi ng ating bansa." Panimula ng Headmistress nang maka lapait na ako sa kanila. "Ano po ang ibig niyong sabihin, Professor?" tanong ko naman at ipinatong ang aking kamay sa mesa.
"Matagal ko nang binabantayan si Leon at sa pagakakataong ito ay may kaalyansa siya." Sagot naman ni Headmistres. "Matagal niyo nang alam na buhay pa si Leon?" mahinang tanong ng aking asawa at napahawak sa kaniyang dibdib.
Tumango si Headmistress Sylvana pero imbis na magsalita ay tiningnan niya ang mga bata. Agad ko namang naintindihan ang kaniyang kagustuhan kaya nilapitan ko ang mga bata at sinabihang pumasok na muna sila sa kanilang silid.
"Ang akala ko'y hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan pero may nakilala siyang isang persona na siyang nagbigay sa kaniya ng lakas." Sabi ni Headmistress Sylvana nang nakabalik na ulit ako sa kanila. Nagkunot ang aking noo at maging ang aking asawa ay naguluhan.
"Sino?" tanong ko na may kasabikang makatanggap ng kasagutan. Tiningnan niya ako at sinalubong ng aking mga mata ang nangangambang mukha niya.
"Si Magnus." Sagot naman niya na ikinagulat naming mag-asawa at tila nagbalik ang mga alaala ng nakaraan. "Ang itim na warlock?" tanong ko upang masiguro kung iisang tao ba ang nasa isipan namin. Umiling ang Headmistress at hinawakan ang aking kanang braso.
Tiningnan rin niya ang aking asawa, "Isa na siyang Necromancer." Sabi niya na may takot sa kaniyang mukha. Maging ang isa sa pinaka beteranong warlock ay nakaramdam ng takot sa isang warlock na naging Necromancer.
Napatakip si Mira sa kaniyang bibig.
Ito ang pinaka maitim na pwedeng maabot ng isang warlock, ang makipag palitan sa isang demonyo.
"Ipadala mo ang mga bata sa aking paaralan, doon mapoprotektahan ko sila lalo na ang aking pamangkin." Sagot niya, kapatid ni Lisa ang Headmistress ang nanay ni Lych. "Kayong dalawa ay buoin niyo ulit ang Pegasus's Army." Sabi niya at sa aming lahat si Sylvana ang pinaka makapangyarihan at batikang warlock.
Inilahad niya ang buong plano upang mapigilan ang digmaan pero kung kami ay mabigo ay mapipilitan kaming makipag digmaan. Napagpasyahan namin na gawing cover ang pag-aaral ni Michael at Lych sa academy, pero ang katunayan ay inilalayo namin sila sa kapahamakan.
Sa lugar na iyon lang ang ligtas sa ngayon. Nauna nang umalis si Headmistress Sylvana at kinausap na rin namin ang mga bata at sa unay hindi sila pumayag lalo na ang aking anak pero wala silang ibang nagawa noong inilahad namin ang buong plano.
Agad namin silang pinasakay sa Testral at agad na itong lumipad palayo. "Tara na." Kinuha ko ang aking baston at inilabas naman ni Mira ang sa kaniya, anyo itong payong at ang kaniyang wand ay nasa loob nito. Agad kaming sumakay sa isa pang Testral.
"Na contact mo na ba ang bawat miyembro?" tanong ko sa aking asawa. "Oo." Sagot naman niya, papunta kami ngayon sa isang lumang bahay na walang ibang nakakaalam kundi kaming mga kasapi lamang.
Isang limang pamilya ang bumubuo rito, itinatag ito noong ika-limang buwan ng pagsisimula ng kadiliman. May naganap ng unang hidwaan, nakikita pa noon ng lahat ang fountain of chi pero noong hinangad ito ng isang itim na warlock ay wala kaming ibang naging desisyon kundi ang itago ito.
Ngayon ay may bumabalak na namang mag angkin dito, isang bagong itim na warlock na siyang pinaglilingkuran ni Leon ang isang kasapi at matalik naming kaibigan ni Mason noon.
Mahigit tatlumpong minuto ang itinagal ng aming biyahe bago kami nakarating sa bahay.
Paglapag namin ay saktong nagsidatingan na ang ibang kasapi. Ang mag-asawang Brown ay lulan ng isang malaking agila, ang mag-asawang Torres ay gumamit ng broom at ang mag-asawang Smith ay umangat mula sa lupa.
Tanging ang mag-asawang Mason at Lisa lang ang wala sa pagpupulong na ito. Nag kamayan at nagyakapan muna kami bago kami pumasok, "anoichti porta." Sabaysabay naming itinaas ang aming mga wand at unti-unting nagpakita ang isang pintuan.
Pagkatapos nito ay agad na kaming pumasok dito, sa kabilang parte ng pintuan ay isang malawak na silid, mesang pahaba at napapalibutan ito ng sampung upuan. Sa bawat sulok ay may mga kandilang nagsisilbing liwanag.
"Muli tayong nagtipon-tipon dahil sa utos ni Professor Sylvana, ayon sa kaniya at marahil napansin niyo rin ang ikinikilos ng taga sunod ng itim na warlock." Panimula ko na maigi namang pinaakinggan ng ibang kasapi.
"Tayo ay muling makikipag digmaan." Pagkasabi ko no'n ay tumaas ang tensyon, madami silang naging katanungan at mga hinaing. Itinaas ko ang kanan kong kamay upang sila'y patigilin, "Sa ngayon ang tanging alam lang natin ay ang pagbuo ng itim na warlock ng isang battalion laban sa ating lahat. Kung inyong nabalitaan, hawak na nila si Mason at Lisa." pahayag ko sa kanila.
"Nasaan ang bata?" tanong ni Adonis Torres. "Marahil ngayon ay nasa pasilidad na siya ng Fleurton Academy." Sagot ko naman habang hawak ang aking baston. "May plano si Professor Sylvana." Dagdag naman ng aking asawa.
Agad kong inilahad ang plano at lahat sila'y nakinig ng mabuti upang hindi ko na kailangan pang uliting banggitin ito, mukhang naintindihan naman nila ito at sabay-sabay silang tumango na para bang sang-ayon sila sa olanong ginawa ng Propesor.
"Sa ngayon ang kailangan nating gawin ay bantayan ng maigi ang fountain of chi at ang anak ni Mason at Lisa." Tumayo ako at tumayo naman silang lahat.
"Para sa ikabubuti!" sigaw ko at ginaya naman nila ito. Tiwala kami sa plano ni Professor Sylvana kaya ang kailangan na lang ay ang tagumpay na pagsasagawa nito. Ngayon kailangan naming taasan ang depensa na nagtatago sa fountain of chi, babantayan din namin ang bawat kilos ni Leon at nang itim na warlock.
Ayon kay Ysabel, asawa ni Mr. Brown ay huli daw nilang namataan si Leon sa isang nasyon malapit sa kanila, hindi nila alam kung ano ang ginagawa niya roon pero sigurado silang si Leon mha ang kanilang nakita. "Kilangan nating maging maingat upang hindi tayo mapag halataan." Bilin ko sa kanila bago sila umalis.
Dito na muna kami mananatili ng aking asawa hanggang sa maisakatuparan ang aming plano. "Nag-aalala ako para sa ating anak Damyan." Sabi ni Mirna na ngayo'y naka upo na malalam ang mga mata. "Matalino at napaka husay ng ating anak kaya 'wag kang mangamba." Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang kaniyang balikat at binigyan siya ng isang ngiti.
Ang pagkakapanganak kay Lych ay isang katuparan sa isang propesiyang ilang libong taon nang naisulat pati ang aking anak, tila may koneksyon silang dalawa na walang sinumang makakasira. Isang kalasag at espada kung aking maikukumpara.
Parehong makapangyarihan pero hindi pa sila handa. Marapat lang na nasa Fleurton Academy sila at sa pangangalaga ni Professor Sylvana, lubos siyang makapangyarihan, napatunayan ko iyan noong unang isang beses niyang tinalo ang kadiliman.
May edad na siya pero wala paring kupas ang kaniyang mahika, isa siya sa mga maituturing na pinakamalakas na warlock sa buong syudad ng Flowerton o baka sa buong bansa pa.
Habang naghahanda ng makakain si Mira ay may dumating na messenger owl, bitbit nito ang sulat mula kay Professor Sylvana at nang buksan ko ito ay walang nakasulat, ipinasa ko ito kay Mira na malugod naman niyang tinanggap at sinuri. "Kailangan lang nito'y isang spell na makakapagpalitaw sa lahat ng nakatago." Sabi niya at itinapat ang palad sa papel, "Apokalypto."
Nagliwanag ang papel at unti-unting lumitaw ang mga naka sulat dito na agad ibinigay sa akin ni Mira.
"Ligtas na nakarating dito sina Michael at Lych, btw I hope you addressed my words to the Pegasus' Army members" -- Silvana
Iyon ang mga nakasulat at dahil doon ay medyo nabawasan ang pagaalala ni Mira sa aming anak, pagkatapos namin itong nabasa ay itinapat ko ito sa kandila at hinayaang masunong. Mabuti nang makasigurong walang maiwang ibedensya ng aming isasagawang pagkilos.
Malalim na ang gabi at lumitaw na rin ang mga nag gagandahang mga alitaptap, sa tabing ilog ay makikita rin ang mga sumasayaw na water sprite. Pumasok ulit sa aking isipan ang mga hakbang na aming gagawin at kung gaano ka importante na maunahan namin ang itim na warlock bago pa man ito makapag simula ng isang digmaan.