“Sino ba kasi ang Belle na iyon?! Bakit ka ba niya ginugulo?” inis na tanong ni Kiara habang nilalagyan niya ng band aid ang sugat ko sa tuhod. Nandito kami ngayon at nakatambay sa isa sa mga outdoor bench ng campus. Hindi ko namalayan na nasugatan pala ako sa tuhod dahil sa pagpatid sa akin ni Belle sa may cafeteria kanina. Mabuti na nga lang at sinundan ako ni Ridge no’n at naabutan niyang nasa ganoong kalagayan ako dahil kung hindi ay baka nasaktan na naman ako ni Belle. Hindi na ako nagpunta ng clinic para sa sugat ko dahil may dala namang band aid si Kiara. Isa pa ay maliit na sugat lang naman ang natamo at bukod doon ay naaalala ko lang din kasi ang huling nangyari sa akin noong huling nagpunta ako ng clinic. “Are you using studies to flirt with me?” nakatawang tanong ni Ridge sa a

