Nanginig ang buong katawan ko sa takot habang patuloy na inaatake ng mga bully na lalaki si Ridge. Ngunit salamat na lamang dahil marunong makipaglaban si Ridge at mabilis niyang naiiwasan ang bawat pag-atake at suntok na ibinibigay sa kanya ng mga ito. “Gago ka ah! Ang lakas ng loob mong makisali at makialam!” galit na sigaw ng lalaki kay Ridge saka nito muling sinugod ng suntok si Ridge pero mabilis na nakaiwas muli si Ridge. Kasunod ng pag-iwas ni Ridge ay ang pagpapakawala niya ng malakas na suntok sa lalaki, dahilan upang halos mapaupo ito sa sahig. “Mas gago ka dahil ang lakas ng loob mong bangasan ang gwapo kong mukha,” mayabang na sabi ni Ridge nang bigla naman siyang inatake ng suntok ng isa pang lalaki mula sa likuran niya. Malakas akong napasigaw nang matamaan si Ridge. Mabi

