Chapter 3

2206 Words
Humarap ng maayos ang lalaki sa akin at bahagya pa nitong inilapit at iniyuko ang sarili na para bang mabuti akong tinitingnan. Hindi pa ito nakuntento at nagawa pa nitong ibaba ang suot na sunglasess. Kumislot naman ang puso ko at bahagyang namilog ang mga mata ko nang masalo ko ang mga tingin niya. Sa isang iglap ay para akong dinala sa kung saan ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. At dahil doon ay malaya kong napagmasdan ang maganda at kulay tsokolateng mga mata niya. Umawang ang mga labi ko. Hindi ko naiwasang itago ang pagkamangha at paghanga ko sa halos perpekto niyang itsura. His left eyebrow shot up. “Who the hell do you think you are to go with me?” malamig pa sa yelo na tanong niya sa akin. At sa isang iglap ay agad akong nagbalik sa reyalidad. Natataranta sa mga titig niya. “Huh?” I swallow and clear my throat. “I’m Myrtle Grace—” Natigilan at napakurap-kurap ako nang makarinig ng mahihinang bulungan at tawanan sa paligid. Bakit? Tama naman ako ng narinig, hindi ba? Tinatanong niya kung sino ako? Lumayo siya sa akin na ngayon ay may suot ng ngisi sa kanyang mga labi. Ibinalik nito sa mga mata ang sunglasses niya at nakaramdam ng kaunting pangungulila ang puso ko nang matakpan nang muli ang kanyang magagandang mga mata. “If you're trying to flirt with me, can you at least fix yourself first?” nakangising usal niya saka niya ako balewalang tinalikuran at iniwanan. Ininsulto niya ba ako? Mabilis akong napakurap-kurap hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa loob at muling isinara ng guard ang gate ng school. Nananatili sa akin ang mga tingin at bulungan ng ibang mga estudyante doon na katulad kong mga late din. At sa palagay ko ay talagang ininsulto nga ako ng gwapong lalaki na iyon. Napabuga ako ng hininga sa hangin. Masyado akong na-hypnotize ng mga mata niya kaya sandali akong nawala sa sarili ko. Hindi ko tuloy namalayan ng mabilis ang pang-iinsulto niya sa akin. Gwapo nga siya ngunit sobrang gaspang naman ng pag-uugali. Oo gwapo siya pero hinding-hindi ako makikipag-flirt sa kanya! At saka… bakit siya pinapasok ng guard? Eh mas late pa nga siya kaysa sa akin. Porque ba gwapo siya kaya ganoon? At teka, nakailang pag-describe na ba ako sa kanya na gwapo siya? Tsk. Ayaw ko nang ulitin. Gwapo siya pero sana hindi ko na siya ulit makita! Ilang sandali pa ang lumipas nang matapos din sa wakas ang flag ceremony sa loob ng school. Binuksan ng guard ang gate at mabilis na akong pumasok sa loob no’n. First day of school ngayon at first day ko rin bilang isang Senior High School student. General Academic ang strand na napili ko dahil gusto kong mag-explore pa sa madami bagay. Although, gusto ko din talagang maging isang teacher pagdating ng araw. Pagkadating ko sa tapat ng room namin ay narinig ko agad ang tinig ni Ms. Alice Da Pra. Ang class adviser namin. “The very first thing I don’t like is being late to class. And anyone who is late for class will be punished,” pahayag nito na siyang ikinangiwi ko. At pagkuwan ay maingat akong yumuko upang pumasok sa loob ng classroom. Sa likuran ako dumaan upang walang masyadong makapansin sa akin na late ako. Marahan at maingat akong naglakad papasok sa loob habang nakayuko, nang bigla akong magitla dahil sa kung anong nabangga ko. Nag-angat ako ng tingin at agad na inayos ang suot kong salamin. I swallowed hard nang masalo ko ang matalim na tingin sa akin ng isang magandang babae. Si Ms. Alice Da Pra. “G-Good morning po, Ms. Alice!” bati ko sa kanya saka pilit na ngumiti ng malapad kahit na malakas na ang bawat pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. “Stand up straight and face the wall,” taas ang isang kilay na saad niya sa akin. “Yes, Ms.,” magiliw na tugon ko saka ako humarap sa pader sa likod. Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga kaklase ko pero binalewala ko na lamang iyon. Lunes na lunes pero ganito agad ang bungad na nangyari sa akin. Ewan ko na lang kung hindi pa ako madala nito sa susunod. Nagpakilala si Ms. Alice sa lahat at nagbigay din naman ng introduction ang mga kaklase ko. ‘Yong iba sa kanila ay mga kakilala ko na dahil dito din naman sa school na ito sila nag Junior High tulad ko. At ang iba naman ay transferee mula sa ibang school. Pagkatapos magsalita ng lahat ay saka lamang ako tinawag at pinaharap ni Ms. Alice. Ako lang ang nag-iisang naparusahan niya dahil ako lang naman ang nag-iisang late sa buong klase namin. “Introduce yourself,” utos sa akin ni Ms. Alice. Tiningnan ako ng lahat ng mga kaklase ko at tahimik silang naghihintay ng sasabihin ko. Nagpatikhim ako bago magsalita, “Hi guys, I’m Myrtle Grace Nievez but, you can call me Myrtle. I’m seventeen and I love reading books—” “Halata nga. Sa kapal ba naman ng suot mong salamin eh,” sabat ng isang lalaki sa akin na naging dahilan upang pagtawanan ako ng iba. “Oh my gosh! I can’t believe we have a nerd in class.” “Akala ko pa naman dito sa Prime High Academy ay puro chicks ang babae.” Ilan lang ang mga iyon na aking narinig na komento ng mga bago kong kaklase. Hindi ko na din nagawang ituloy pa ang pagpapakilala na ginagawa ko dahil sa ingay at tawanan nila. “Quiet, class!” pagsaway ni Ms. Alice pero may mangilan-ngilan na hindi pumapansin sa kanya. “Myrtle, take your seat,” balin pa nito sa akin. Kumilos ako at umupo na lamang sa bakanteng upuan na nasa dulo. Pero nagulat ako nang biglang padabog na umalis ang babaeng magiging katabi ko dapat doon. Inirapan ako nito saka lumipat ng ibang upuan. “Wow, kala mo namang ang ganda!” bulong ko sa aking sarili patungkol sa babaeng iyon. Sa ilang taon ko na sa Prime High Academy ay sanay na sanay na ako sa mga pang-aasar at pang-iinsulto sa akin ng mga estudyante. Sinasabihan nila akong boring at nerd at madalas din na nilalayuan. Noong una, nasasaktan ako. Pero kalaunan ay nasanay na lang din ako. Wala naman kasi akong magagawa kung ayaw nila sa akin. Alangan naman na ipilit ko pa ang sarili ko sa kanila ‘di ba? Eh halos lahat naman ng nang-iinsulto sa akin ay mga nahuhuli sa klase. Boring na kung boring. Nerd na kung nerd. At least hindi ako tulad ng iba na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pag-uuna ng ibang mga bagay. At kahit na may mga nang-iinsulto at nangdi-discriminate sa akin, ay may mga estudyante pa rin naman na kumakausap sa akin. Lalo na kapag magpapatulong sila sa akin sa ibang mga subjects. Natapos ang unang subject namin at iniwan kami ni Ms. Alice. Halos dalawang oras din iyon kaya naman inabot ako ng pagkagutom. Hindi din kasi ako nakapag-almusal kanina dahil sa pagmamadali kong makapasok. Kinuha ko ang sandwich na ipinabaon sa akin ni Nanay mula sa bag ko. Saka ko iyon inumpisahang kainin habang naghihintay sa susunod naming teacher para sa susunod naming subject. “Grabe ang ganda!” “Ayan, kaya ako nag-enroll dito para makakita ng mga ganyang kagandang babae!” “Grade 11 lang din ba siya? O grade 12?” Muling umingay ang buong klase dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Halos lahat ng mga kaklase kong lalaki ay nakasilip sa bintana at tila may tinatanaw na kung sino. “I heard siya ‘yong sinasabi nilang laging nananalo sa mga beauty pageant ng school.” “Really? Well, maganda naman talaga siya.” Mga babae ko namang kaklase ang narinig kong nagkokomento sa kung sino. “Myrtle!” Mabilis akong napalingon mula sa nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko si Vernice na siyang nakangiti at nakatingin sa akin. Nalunok ko tuloy ng wala sa oras ‘yong sandwich na hindi ko pa nangunguya ng maayos. Lumapit sa akin si Vernice at naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. “Late ka na naman, ano? Kaya hindi ka sumabay sa akin kanina,” pagkausap niya sa akin. Mas lalong umingay ang buong paligid dahil sa paglapit sa akin ni Vernice. At nang igala ko ang paningin ko ay sa akin na nakatuon ngayon ang tingin ng mga kaklase ko. “Vernice, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang sariling klase at nandito ka?” mahinang tanong ko sa kanya. “Bakit? Wala pa naman kayong klase ah,” wika niya saka niya masayang kinuha ang natitirang sandwich sa bag ko. “Akin ‘yan,” reklamo ko sa kanya. “I bet nakain mo na ‘yong isa,” balewalang tugon nito sa akin saka niya inumpisahang kainin ang sandwich. Vernice Santiago is my one and only friend. Oo ganoon na nga. Kahit boring at nerd ako kung ilarawan ng maraming tao, ay mayroon pa rin akong bukod tangi at nag-iisang kaibigan. Naging magkaklase kami ni Vernice noong grade school at mula noon ay naging magkaibigan na kami. Sa iisang village lang din kami nakatira kaya naman maraming pagkakataon na madalas kaming magkasama na dalawa kahit pa weekends. Magkaibigan kami ni Vernice pero malayong-malayo at magkaiba na magkaiba kaming dalawa. Vernice is a good-looking lady. Maganda, matalino, at talented. Kaya naman sikat siya pagdating sa mga estudyante at guro ng Prime High Academy. Kahit nga noong nasa kabilang building pa lang kami noong junior high namin ay madalas na siyang napag-uusapan ng mga senior high students. Marami siyang manliligaw at hindi ko na mabilang kung ilan na nga ba ang naging boyfriend niya. Ngayong senior high ay magkaibang strand ang kinuha namin. General Academic ang sa akin, at habang siya naman ay Humanities and Social Sciences. “Ang sarap talaga maggawa ni Tita Martha ng sandwich!” masayang usal niya pa matapos niyang maubos ang sandwich ko. “Oh siya, bumalik ka na sa klase mo. Mamaya na lang tayo magkita sa lunch,” taboy ko sa kanya. Nagbuntong hininga siya. “Ang boring sa class namin. Nami-miss tuloy kita. Bakit kasi hindi ka na lang nag HUMSS eh,” saad niya. Madalas kasi kaming maging magkaklase na dalawa noong grade school at junior high. “Eh wala na tayong magagawa doon kaya sige na, bumalik ka na sa klase mo—” taboy ko sana ulit kay Vernice kaso natigilan ako nang biglang may dalawang lalaki ang lumapit sa amin. “Hi Miss. Pwede bang… makipagkilala sa iyo? Transferee kasi ako at… ngayon lamang ako nakakita ng isang napakagandang babae na tulad mo,” wika ng isang kaklase kong lalaki kay Vernice. “Oh, sure!” tugon naman ni Vernice saka niya in-entertain ang mga iyon. At hindi nagtagal ay nadagdagan nang nadagdagan ang mga lalaki na lumalapit sa amin. Hanggang sa mayroon na ding mga babae. Dinagsa si Vernice ng mga kaklase ko hanggang sa maramdaman kong may mga tumutulak na sa akin at hanggang sa mapaalis na ako sa upuan ko. Hindi ko din alam kung paano nangyari iyon, basta nagulat na lang ako nang masingitan na nila ako sa tabi ni Vernice. Naiiling na napahigit na lamang ako ng paghinga dahil doon. Ilang sandali lang ay tumunog naman ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Nag-appear ang pangalan ni Nanay sa screen ng cellphone ko kaya naman mabilis akong lumayo at lumabas ng classroom para sagutin iyon. “Hello po, Nay?” “Ikaw talaga na bata ka, ano na naman itong mga dumating na parcel sa bahay?” galit na tanong sa akin ni Nanay. Patay. “Uhm… bayaran mo po muna, Nay. Nasa alkansya ko po kasi sa kwarto ‘yong pambayad. Hindi ko naman po kasi alam na ngayon pala ang dating niyan—” “Hay naku, Myrtle. Sinasabi ko talaga sa iyo na bata ka.” Iyon lang at naputol na din kaagad ang tawag. Nawala sa isip kong ngayon pala ang dating ng mga librong inorder ko online. Tiyak akong masasabon na naman ako ni Nanay sa sermon mamaya. Pabalik na sana ako sa loob ng classroom namin nang may marinig naman akong kung anong mga ingay mula sa likod ng hagdan. Nasa unang palapag kasi ng building ang classroom namin at sa tabi nito ay ang hagdan patungo sa mga sumunod na palapag. Marahan akong naglakad patungo sa may hagdan upang silipin ang kung ano na ingay na iyon. Hanggang sa… hindi ko inaasahan ang makikita ko doon. “You are a very good kisser,” nakangiting usal ng babae sa lalaking kasama niya. Nakasandal sa pader ang babae habang nakaharap naman ang lalaki dito. Hindi ko makita ang itsura ng lalaki dahil kasulukuyan itong nakatalikod sa akin. “Yea, I know,” nakangising tugon ng lalaki sa babae saka nito muling hinalikan ang babae. Pipikit na sana ako at aalis doon nang magulat ako dahil sa biglaang pagpapalit nila ng pwesto. Namilog ang mga mata ko nang magmulat ng mga mata ang lalaki at deretsyo iyong dumapo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD