Chapter 53

2200 Words

Agad akong napadilat ng mga mata nang maramdaman ko ang isang malambot at mabalahibong bagay na siyang lumapit sa may paanan ko. Napahiwalay ako kay Ridge mula sa paghalik nito sa akin. “Bakit?” tanong niya saka kami kapwang napatingin sa may paanan namin. At mula doon ay nakita namin ang isang napaka-cute na aso. “Kikay…” tawag ni Ridge sa aso. Agad ko namang naalala na madalas niya akong asarin at ikumpara noon sa aso niya. Matalim kong tinapunan ng tingin si Ridge. Napalunok naman siya saka ako naupo sa harap ng aso niya. Napangiti ako at marahang hinawakan at hinaplos ang aso. “Ikaw pala si Kikay. Tama nga ang amo mo, ang cute-cute mo!” puri at pagkausap ko sa aso na para bang naiintindihan ako nito. Dinilaan lamang ni Kikay ang kamay ko saka ito tumalon sa kama at tumabi kay Ridge.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD