Chapter 55 =PATAY-GUTOM = "Ayos, mukhang hindi ko na kailangan pang tawagin kayo, dahil mas nauna pa kayo kaysa akin," sabi ko sa kanilang dalawa. Ngunit walang nag salita sa kanila, kung babasahin ang kanilang mga kinilos ay parang isang buwan ang mga itong walang kain. "Pagkatapos nyong kumain, mag-uusap ulit tayo tungkol sa plano ko," sabi ko sa kanila ngunit ganoo parin walang reaction sa kanilang dalawa. Kaya nag buntong hininga na lang ako sa kanilang ginawa. Hanggang nag pasyahan ko na lang na sabayan ang mga ito sa pagkain. Hindi nag tagal ay natapos na rin kaming kumain kaya ang dalawa ay nagsabay pang dumighay. Habang hinihimas ang kanilang tiyan sa kabusugan. Kaya napa iling lang ako sa kanilang ginawa. "Umamin nga kayo! Ilang Buwan o taon kayong hindi kumain?" tanong ko sa

