Chapter 30 Pagka dinig ko sa sinabi sa lalake ay agad akong napa hinto saka ko ito nilingon at pinagmasdan nang mabuti, baka sakaling may matatandaan ako dito ngunit walang pumapasok sa aking balintataw kahit isa man lang sa kanila. 'Hay! kaylangan kaya babalik ang ala-ala ko, may pamilya ba ako o anak at asawa? kung mayroon bakit walang humanap sa akin. Sino ba talaga ako?' yan ang pumasok sa aking isipan habang bumabalik ako sa akin gawain. Hindi ko nga na pansin na kanina pa pala ako kinausap ni Nanay kung hindi nya ako kinalabit ay hindi ko ito mapansin. "Anak! okay ka lang? Parang ang lalim ata ang iniisip mo!" sabi nya sa akin kaya agad bumalik ang aking katinuan. "Ah eh pasensya na po Nay, hindi ko kayo na pansin. May sinabi po ba kayo?" tanong ko dito sabay kamot sa aking bat

