Chapter 1: Welcome to Belgrave

3209 Words
Lahat tayo ay pinagarap na magkaroon ng isang marangya buhay. Buhay na kung saan nabibili at nakakain natin ang mga ninanais natin. Pero paano kung ang buhay na iyon ay makakamtaman mo lamang sa isang komunidad na napapaligiran ng mga magtataasan at makakapal na pader. Handa kaba ibuwis ang buhay mo para lamang sa marangya na buhay na iyon? Taong 3010, nahati ang mga lupain at nagkaroon ng tinatawag na inner at outer land. Naglalakihang pader ang nagsisilbing harang sa dalawang lupain na ito. 50 meters tall at 50 inches thick ang pader na saka nababalot ng electric barrier ang itaas kaya walang nagtatangkang akyatin ito. Magkaiba ang buhay sa dalawang lupain na ito dahil sa inner land ay maayos at marangya ang pamumuhay. May sariling kuryente na galing sa mga reactor power plant, tubig, pagkain, mataas na kalidad ng edukasyon, at mas advance ang teknilohiya. Samantalang sa outer land naman ay kabaligtaran ng lahat, walang kuryente, limitadong supply ng malinis na tubig, at halos lahat ay nagugutom. Dito nabuo ang Belgrave University, layunin ng unibersidad na ito na pumili ng mga karapat-dapat na bata na dadalhin sa inner land. Napapalibutan din ang Belgrave ng mga natataasang pader. Pagtungtong ng 18 ng isang bata ay may chance siyang pumasok sa Belgrave o hindi. Kada taon ay nagpapapasok ang unibersidad ng 1,000 na bata pero 50 lamang dito ang ma-aaraming makapasa at pumunta sa inner land. Pero sa loob ng Belgrave ay nababalot ito ng isang mysteryo, mysteryo na kung saan walang nakaka-alam kung ano nga ba ang totoong nangyayari dito. Basta ang alam ng lahat ay walang bata na nakakabalik na pumasok dito. Alex's POV Bakas sa mukhang ng babae na parang hindi siya makapaniwala. Sobrang takot na takot siya at hindi ko alam kung bakit, parang may nagbabalak ng masama sa kanya. Maya-maya pa ay sumenyas ang babae. Biglang naglabas ng baril ang mga ito at tinutukan siya. Bang.. Bang.. Bang.. Bang.. Sunod-sunod na putok ng baril at dumapa ang babae sa sahig. ....... Krrrng! Krrrng! Na-aling pungatan ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Nakadapa ako matulog at inaantok pa kaya kinapa ko ang button ng alarm clock ko upang patayin. Naisipan ko na matulog pa ng sampung minuto. Ang sarap kasi matulog dahil napakalambot ng kama at malamig ang kwarto. Ngayon lamang ako nakaranas ng ganito, buong buhay ko. Brrrrrng! Brrrng! Pero makalipas ang ilang minuto ay nag ring ang telepono. Hindi ko ito sinasagot dahil ayoko pa tumayo pero napaka kulit nito at paulit-ulit. "Arghh." "Kailangan ko ba talag sagutin?" Dahan-dahan ako tumayo kahit medyo nakapikit pa at nagtungo sa may kinalalagyan ng telepono. Kinuha ko ito at sinagot ang tumatawag. "Good morning sir, moderator po ito.. 7:30 am na po at hindi pa kayo nag oorder ng breakfast. Gusto ko lang po sana sabihin na hanggang 8 am lang po ang breakfast dito." Napakaganda ng boses niya na parang pang radyo. Hindi ako makasagot dahil lutang pa ako. Inaantok pa kasi talaga ako noong mga sandali na iyon. "Sir? Sir?" "Andyan pa po ba kayo?" Napalingon ako sa may aparador, pero napabalik ako ng tingin dahil may naka sabit na isang pamilyar na damit doon. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko dahil isa itong uniporme ng Belgrave. Wtf-- Totoo ba to? "Sir? Ano pong breakfast ninyo para mai-deliver na dyan?" pangungulit ng babae sa telepono. "Wait lang ha.." Sagot ko at dali-dali ako nagpunta sa may bintana. Nashock ako dahil sa mga nakikita ko. Isang malawak na lupain, may mga estudyante sa ibaba na nakauniporme at maraming naglalakihang building. Katapat ng building kung nasaan ako ay isang building din pero napakalaki at para itong isang paaralan. "Sir?" "Sir? Kailangan ko na po order niyo.." "Last minute na." Sabi sa telepono na nakabitin dahil bigla ko itong binitawan. Agad ako lumingon dito at kinuha ang telepono. "Wait lang.. Nasaan ako?" Pagtataka ko. "Wag mo sabihin na.." "Ahmm.. Nasa Belgrave po kayo, sir.." Sagot ng babae na kausap ko. Pagkarinig ko ng Belgrave ay hindi ako makapaniwala at gusto ko sumigaw ng malakas. Parang naeexcite yung buong katawan ko at tumataas bigla ang adrenaline. "Sir? Inuulit ko po, kailangan niyo na mag order ng breakfast." "Ahmm.." "Kahit ano ba?" Tanong ko. "Yes po sir." Sagot nito. "Steak, medium rare tapos iced tea." Sagot ko. Dahil hindi pa ako nakakatikim ng steak sa buong buhay ko. Ang kwento ni inay sa akin ay napakasarap daw non. "Dessert po?" "No dessert." Sagot ko. "Okay po sir.. Room 96, steak na medium rare at iced tea." "Paki hintay na lang po." Sabi nito at binaba niya na ang telepono. Hindi ako makapaniwala na nasa Belgrave na ako, ang paaralan na ito ay pinapangarap ng lahat dahil ito ang susi upang makapunta sa inner land. Pero nagtataka ako dahil hindi ko maalala kung paano ako nakapunta doon. Pati ang mga nangyari kahapon ay hindi ko rin ma-alala. Medyo masakit rin ang ulo ko at parang nasusuka. Naupo ako sa may kama habang pinagmamasdan ang uniporme ng Belgrave. Kulay black ang polo nito na may outline ng kulay puti sa gilid at may logo sa dibdib. Puti naman ang panloob, may necktie, at itim na slacks ang pang ibaba. Parang nananaginip ako dahil nasa harapan ko na ang uniporme ng isang pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo. Hinawakan ko ito, dama ko ang napakalambot na tela nito na gawa ata sa cotton. Napaka bango din ng amoy nito at walang kusot. Dinamdam ko ang bawat sandali sa paghawak at pag amoy ng uniporme na iyon kahit mukha akong tanga. Hindi ko alam pero sobrang yung tuwa ko na parang sasabog na ata ako. "Breakfast po." Sabi ng isang lalaki habang kinakatok ang pinto. Agad ko namang binuksan ang pinto, nagulat ako dahil isang lalaki ito na nakamask ng puti. Kulay itim na may pagka dilaw ang damit at may logo ng Belgrave sa dibdib. Hawak-hawak niya ang isang tray na may laman ng breakfast ko. Binigay niya sa akin ito at agad din namang umalis. "Enjoy your meal, sir." Sabi nito. Nagtaka ako kung bakit ganun ang mga suot nila. Pero sina-walang bahala ko na lang dahil nagutom ako bigla noong nakita ko yung steak. May sauce ito sa ibabaw na mukhang tariyaki sauce, medium rare gaya ng sabi ko, at maganda ang plating. Kinuha ko ang ang fork at knife upang agad na hiwain ito, unang nguya ko pa lang ay sumasabog na ang mga flavor nito sa bibig ko. Napakasarap nito, ngayon lang ako nakatikim ng ganito sa buong buhay ko dahil halos wala ng makain sa outer land. Nilasap ko bawat nguya at inom ko sa Iced Tea dahil paniguradong hindi na ako makakatikim pa ng ganito pag hindi ako nakapasa sa Belgrave. Ding.. Dong.. "Attention students, it's Hannah.. Your one and only cute PIO. Student briefing at the auditorium in 1 hr. So be there at exactly 8:00 am and please wear your complete uniform.. And don't be late. I repeat, don't be late. If you don't know where auditorium is.. Kindly open your TV and look at the map icon. "Bye-bye.." Sabi sa speaker sa kwarto ng tatlong beses. Namangha ako dahil napaka high-tech ng Belgrave. Di ko alam na may ganon pala dito, nausisa ako kaya binuksan ko yung TV. Lumabas ang logo ng Belgrave at ilang apps. "Welcome to Belgrave." Sabi sa TV. Di ko alam kung paano kokontrolin iyon pero nakita ko naman yung icon na parang map. May remote ba ito o touch screen? Hinanap ko muna yung remote ng TV pero wala akong makita hanggang sa sinubukan ko na pindutin ito. Sa una ay natatakot pa ako pindutin ito dahil baka masira ko. Alam mo yung parang taga bundok tapos ngayon lang nakakita TV? Pag ka click ko naman sa icon sa TV ay biglang nagbukas ang isang mapa. Mukhang mapa ito ng Belgrave, detalyado din ito dahil nakalagay kung gaano kataas at kakapal ang pader na nakapalibot dito. Napakalawak pala ng loob ng Belgave, mayroong apat na dorm building, teacher building, student council building, school building, garden, oval, pools, mini-town at iba pa. Parang isang malaking komunidad ang loob ng Belgrave. Na-eexcite ako bigla na lumabas at mag gala-gala dahil walang ganito sa outer land. Baka unang puntahan ko ang garden dahil gusto ko makakita ng mga magagandang bulaklak. Ding.. Dong.. "Please, wag kayo late." Sabi sa speaker ng dalawang beses. Dahil sa announcement na ito ay napatingin ako sa orasan. 7:30 na at kailangan ay 8:00 nandun na ako sa auditorium. Hinanap ko sa mapa ang auditorium at nasa 3rd floor ito ng school building. Hindi na ako nagsayang ng oras pa at agad ako nagtungo sa cr upang maligo. Napa jaw drop ako dahil sa kintab ng bath tub at shower, may heater din kung gusto mo ng mainit na tubig. Gantu pala ang feeling sa loob ng inner land? Gusto ko na makapasa agad at makapunta sa inner land. Hinubad ko ang mga damit ko. Tumapat ako sa shower at binuksan ko ito. Pagbagsak ng tubig sa katawan ko ay halos mapasigaw ako dahil sa lamig. Kaya namam in-adjust ko yung lamig ng tubig. Ang sarap maligo, hindi tulad sa outer land na pahirapan kumuha ng malinis na tubig saka hindi rin araw-araw nakakaligo ka sa outer land. ...... Makalipas ang ilang minuto, nakaligo nako at tapos ng magbihis. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay na bagay sa akin ang suot ko na uniporme, proud na proud ako sa sarili ko dahil napabilang ako sa 1,000 na mapapalad na bata. Ding.. Dong.. "Sorry, last na talaga.. Yung ID niyo pala ay nasa bulsa ng mga uniforms niyo. Thank you, mwuahh." Sabi sa speaker ng apat na beses. Kinapa ko naman ang bulsa ko at may ID card nga. Manipis lang ito na pa-rectangle na may logo ng Belgrave. Sa harap ay may pangalan ko, picture, student number, barcode at number saka section. Sa likod maman ay mga schedule ng pasok ko. Ang panget ng itsura ko sa ID pero pwede na din. Morningstar, Alex S. 4-C Student Number: 1146946 Ito na yun Alex, totoo nga at isa ka ng legit na mag aaral ng Belgrave. Agad ko itong sinuot at nagmadali na upang hindi mahuli sa briefing. Lumabas ako ng kwarto at may ilang estudyante na babae at lalaki ako na nakasabay. Nasa 10th floor ako kaya naman hindi na ako nag elevator pa. Gusto ko rin kasi makita ang bawat floor kaya naman naghagdan ako. Kada floor ay pare-pareho lang ng floor plan, puro kwarto at maliit lang ang hallway. Noong nasa ibaba na ako ng dorm, tinignan ko ang building na iyon. Napalaki pala at may taas siguro na 30 floor. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, maraming estudyante na naglalakad kasama ang kanilang mga kaibigan pero karamihan ay walang kasama o solo lang. Hindi naman malayo ang school building dahil katapat lamang ito ng dorm namin. Nakita ko ang madaming estudyante na ini-scan ang kanilang mga ID sa may entrance ng school building bago pumasok. Ginaya ko na lang din ito kahit walang ideya kung para san iyon. Sumunod lamang ako sa maraming estudyante hanggang makarating sa 3rd floor. Pag pasok ko ng auditorium ay madami ng mga estudyante na nandoon. Humanap ako agad ng mauupuan sa may gintang parte para sakto lang sa view. Hindi masyado malapit o malayo. Napakalaki ng auditorm na parang nanonood ako ng isang tiyatro. "Settle in, everyone.. Magstart na tayo in 3 mins." Sabi sa speaker. Onti-onti namang napupuno ng mga estudyante ang buong auditorium. Maya-maya pa ay may tumabi sa akin na isang babae, di ko ito tinitignan dahil hindi ako nakikipag usap o kabado ako pag dating sa mga babae. Hindi ko alam pero kasi iba yung pakiramdam, hindi ko maexplain na parang hindi ako mapakali. May pitong estudyante naman na pa-akyat ng stage, dalawang lalaki at limang babae. Seryoso ang mga pagmumukha at lakad nila'y kakaiba, nagbibigay ito ng nakakatakot na pakiramdam. Humilera sila sa gitna ng stage, samantalang ang isa ay nag punta sa may microphone sa upang mag salita. Ang kaninang auditorium na napakaingay ay biglang natahimik. Lahat ay pinagtitinginan sila dahil wala kaming ideya kung sino sila. Naka uniporme din sila ng Belgrave kaso may logo ang mga ito sa may kuwelyo. "Ahmm..? Hi?" Nahihiyang sabi nito. "Good morning, Belgrave students!" "It's your Public Information Officer or PIO, Hannah.. And probably nagtataka kayo kung sino kami." Sabi nito at natawa. Maamo naman ang boses niya. "It's our second year dito sa Belgrave and pa graduate kami so.." "Kami nga pala ang Student council.. Kami ang nagpapatakbo dito sa buong Belgrave for two years and then makakapunta na kami sa Inner land." "Alam ko it's too early pero it's your first day and kailangan malaman ninyo ang mga rules and regulations dito sa Belgrave. Saka kung paano din ang systema dito." Natawa siya na parang may masamang balak. "I want you all to listen carefully sa sasabihin ng ating president. Thank you." Sabi nito at humilera kasama ng iba pang council. Student council? Akala ko ba ang nagpapatakbo dito ay yung mga tao na taga inner land? Nagtakaka ako ng sobra sa sinabi niya. Pero mukhang mababait naman yung Hannah. Hindi ko alam ang totoong pagkatao niya pero sa tingin ko ay mabait naman ito. Ayun yung first impression ko sa kanya. Pagkahilera ni Hannah ay may isang student council na nagbigay ng goosebump sa akin habang papalapit siya microphone. Kakaiba ang aura na dala nito, mukhang ito na yung presidente ng council. Mas nakakatakot ito at yung mga tingin niya ay parang nangangain. Sobrang seryoso niya at ibang iba talaga siya sa ibang student council. Hindi ko alam pero hindi maganda yung pakiramdam ko sa kanya. Hindi muna siya agad nagsalita at pinagmasdan ang buong auditorium. Pabalik-balik lamang ang mga tingin na parang may hinahanap. "Welcome," Napakatamlay ng boses nito. "I'm Angel, I am the president of this student council." "Like what Hannah said, it's our year two so kasabay niyo kami grumaduate if ever." "1,000 brilliant minds," "1,000 people with different set of skills pero the thing is..." "Will you pass at Belgrave and be part of the greater society?" "Belgrave is all about.. Decisions, choosing, gambling, risk, and death." Sabi nito at ngumiti ng bahagya. Nabalot ng bulong-bulongan ang loob ng auditorium dahil sa sinabi nito na salitang 'Death'. Maski ako ay nagtataka kung bakit niya ito sinabi. Ito na ba yung sagot sa nga batang hindi na nakakabalik sa outer land na pumasok dito? "Psshh, death.." Sabi ng katabi ko na babae. Tinignan ko ito at nagkatama kami ng tingin. Kulay berde ang mga mata niya. "Are you scared of death?" Tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot at binaling agad ang tingin ko sa iba. Di kami close kaya wala akong balak na kausapin siya. "Sungit mo." Sabi nito sa akin. "For you to understand what is Belgrave for.." "Im going to give you an example.." Sabi ni Angel saka sumenyas. May dalawang estudyante naman na umakyat galing blackstage, isang babae at lalaki. Mukhang kinakabahan sila at takot, pinagpapawisan ang mga ito saka nanginginig ang mga kamay. "So this two here.. Previous student sila ng Belgrave." Sabi ni Angel sabay turo sa dalawa. Napanatag ako dahil sa sinabi ng presidente, kung previous student sila ede ibig sabihin non ay buhay pa ang mga nakaraang estudyante. "Last year lang sila na students and dahil may isang slot pa sa council ay.." "Bibigyan ko ang isa sa kanila ng chance na maging parte ng council." "Being a council is a big responsibility.." "Pag grumaduate ka sa Belgrave as a council.. Ay may magandang pwesto kana agad sa inner land so if I were you two.." Sabay lapit nito sa dalawa at tinignan isa-isa sa mga mata. "I will do what ever it takes to be part of the council." "Pero paano kami pipili ng council? Paano nga ba? Thru voting? Thru campaign?" "Well.. We don't give a f**k about democracy or your opinions." "We are going to select the last council via gambling." Pagkasabi nito ng gambling ay namangha ang lahat. Kahit ako ay nagulat dahil naririnig ko ang salitang gambling sa mga casino lamang. Gambling o sugal? Anong kinalaman nito sa Belgrave o sa school? Yan ang malaking tanong na tumatakbo sa isipan ko. "Alam ko nagtataka kayo kung bakit gambling. Gambling as in sugal like sa casino? Nope." "Gambling is the wagering of money or something of VALUE." "On an event with an uncertain outcome. We choose gambling in Belgrave coz we don't know what will going to happen." "Que sera, sera.. Whatever will be, will be. The future's not our to see." "The chance, the risk and most importantly.. The fun." Sabi nito at huminga ng malalim saka pinikit ang mga mata na parang may inaamoy. "It smells so.." Pagkatapos ay dahan-dahan nitong binuksan ang kanyang mga mata at natawa. Parang nababaliw na ang presidente ng council. "Im so excited!" "Ang lalaruin natin ngayon ay rock, paper and scissor.. The most common game dito sa Belgrave" "Isipin mo yun, maglalaro ka lang ng rock, paper, and scissor tapos pwede ka ng maging parte ng council. Too easy, isn't it?" Natawa ito. Nabalot rin naman ng tawanan ang buong auditorium. Sa tingin nila ay nagbibiro lamang ang presidente. Sino nga ba naman ang maglalaro ng rock, paper and scissor tapos pwede ka ng maging council? Kahit ako ay hindi makapaniwala sa non sense ng Belgrave. Nag eexpect pa naman ako ng mataas sa Belgrave dahil lahat ng mga taga outer land ay nais mapabilang dito. "Simulan na natin?" Sabi ni Angel at tinignan ang dalawa na parang may sinasabi. Ang dalawang estudyante naman na galing pa last year ay nagsimulang lumayo sa isa'isat. Mga tatlong step ang pagitan nila. Pagkatapos ay pumunta ang presidente sa may gitna nila. "Ready?" Tanong nito sa dalawa at tumango lamang sila. "Rock, paper.." Sabi ng presidente habang tinataas ng dalawang player ang mga kamay nito. Halata sa dalawa ang kaba at takot nito pero nagpapatuloy lamang sila. "Scissor!" Sabay bagsak ng kamay ng dalawang player. Ang sa babae ay scissor at sa lalaki naman rock. Tinignan ng presidente ang kamay ng bawat player at ngumiti. "Oh no." Sabi nito at napa-iling. Ang lalaking player ay nabawi ang natatakot at kabado nitong expression. Samantalang ang babae ay hindi makapaniwala. Onti-onting umaatras ang babae sa mga council na parang may balak sa kanya ang mga ito. Pinagtitinginan lang naman siya ng council. Nagsasalita ang babae pero mahina at hindi ito marinig ng lahat. Bakas sa mukhang ng babae ang pagka-shock. Sobrang takot na takot siya at hindi ko alam kung bakit, parang may nagbabalak ng masama sa kanya. Maya-maya pa ay sumenyas ang presidente sa mga council. Biglang naglabas ng baril ang mga council at tinutukan ang babae. Bang.. Bang.. Bang.. Bang.. Sunod-sunod na putok ng baril at natumba ang babae. Duguan itong nakadapa sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD