Nakahiga na sa kama si Jazz pero hindi pa din siya dalawin ng antok. Nandito siya ngayon sa penthouse ng boss niya dahil hindi na nga siya pinauwi nito sa kanila. Tinawagan niya ang ate Rhythm niya kanina pagdating nila mula sa pagkain sa labas at pamimili ng mga gamit niya.
"Bakit naman biglaan yang out of town na iyan?" tanong pa nito sa kanya.
"Nagkaroon ng emergency sa isang branch sa probinsya ang SigTag and the boss needs to personally attend to it. Isa ako sa pinili niyang isama so I can learn how to troubleshoot when an emergency like this happens in the future, " pagdadahilan niya. Sabi ni Justin, pina-media black out nila ang news tungkol sa kanila pero hindi na ang mga unang clips kung saan makikitang yakap siya nito bagaman at hindi naman kita ang mukha niya. Hindi na daw macontain ng media relations dept. ang nasabing mga clips dahil marami na ang nagshare niyon. Kaya marahil wala pang ideya ang mga kapatid sa totoong ganap niya sa mga oras na iyon. Napabuntunghininga sya. "You don't have to worry ate, maybe I'll use this opportunity na din to take that vacation na pinapayo ng doctor."
"Eh paano magiging bakasyon yan kung andiyan ka para sa trabaho pa din?"
"Intern pa lang naman ako ate so hindi naman siguro nila ako bibigyan ng sobrang daming tasks. Tsaka observe-observe lang din ako sa kanila, ganun." Napapailing siya habang sinasabi iyon sa kapatid. Ayaw niyang magsinungaling pero siguradong mag-aalala ang mga ito kapag nalaman ang totoong nangyari. She doesn't want to be a burden to them anymore. She believes that she can fix this on her own.
"But what about those dream spells you're encountering?"
Napailing siya. Eto talagang ate niyang ito, hindi nauubusan ng worries sa buhay. "Ok lang ako ate. New environment naman dito so hindi siguro magpapakita sa akin yung mga panaginip na yun."
"Sigurado kang ok ka lang talaga diyan ha?"
Tumango siya bago sumagot, as if naman kita yung ng kapatid niya. "Don't worry ate, I'm perfectly fine here!"
Matapos pa ang ilang bilin nito ay tinapos na din nilang magkapatid ang pag-uusap. Ito na lang daw ang bahalang magsabi sa mga kapatid nila kung nasaan siya at ano ang ginagawa niya.
Hindi pa din siya makatulog. Pilit bumabalik sa isip niya ang mga naganap kanina sa opisina ng boss niya pati na rin pagkatapos. Wala silang imikan habang kumakain. Parehas na tinatantiya ang kilos ng bawat isa. Hanggang sa pumasok sila sa shopping mall na pag-aari din ng K'Centric upang mamili ng mga gamit niya ay wala pa din silang imikan. Sinabi lang nito na kuhain niya ang lahat ng mga kailangan niya at ito na ang bahalang magbayad pagkatapos ay ibinilin siya sa sales lady at sinabing pupunta lang sa admin office ng nasabing mall. Medyo nabwisit siya sa tila pambabalewala nito sa kanya matapos siyang nakawan nito ng halik ng dalawang beses kaya naman ibinuhos niya ang inis sa pamimili ng gamit. Lahat ng pinili niya ay mamahalin at mga branded. Tutal naman ay "fiancee" siya nito ngayon. Makabawi-bawi man lang sa stress na dulot nito sa kanya. Nalibang siya sa pamimili at nawala sa isip niya ang mga alalahanin. Totoo palang magandang stress reliever ang pagshoshopping. Kaya naman pala kung gumastos ang mga mayayaman ay ganun ganun na lamang. Yun nga lang di yun applicable sa mga tulad nilang dukha. Oh well di naman sila masasabing dukha. Professionals na lahat ng mga kapatid niya at bagaman hindi sila nakakabili ng mga luho ay masasabing hindi naman sila salat sa maraming bagay. Kahit papaano ay nagagawa din naman nilang makapagshopping lalo na at galante ang mga kapatid nya lalo na pagdating sa kanya na bunso.
Pero inabot din siya ng hiya ng makita niya ang amount na ichinarge sa black card ng boss niya dahil sa mga pinamili nya pero di na nya mabawi dahil parang mas nakakahiyang gawin iyon. Mabuti na lamang at wala pa ito nung magbayad siya. Di naman ganun karami ang pinamili nya. Sapat lamang sa usage nya for three days, sadyang mga mamahalin lang ang mga pinili niya. Revenge shopping 'ika nga.
Hindi na niya hinintay na lumabas sa admin office ang boss niya sahalip ay nauna na siyang magtungo sa kotse nitong naghihintay sa kanila sa labas ng entrance ng mall. Ibinilin na lang niya sa sales lady na kung sakaling hanapin siya ay sabihin na lamang na nauna na siyang bumaba. Sinabi din niya sa driver nito para ito na lang din ang magsabi sa boss nila. Habang naghihintay ay di niya namalayang nakatulog na pala siya sa loob ng kotse. Nagising na lamang siya ng maramdaman niyang tila huminto ang kotse at makaramdam ng tapik sa balikat niya. Nakita niya itong nakamasid sa kanya ng imulat niya ang mga mata. Nakakahiya baka naghihilik ako habang natutulog ako. Magkatabi pa naman sila sa backseat at nagising siyang nakasandig sa balikat nito ang ulo niya.
Wala naman itong binanggit na kahit ano basta itinuro lang nito ang kwartong tutulugan niya ng gabing iyon. Hindi din siya sinita sa laki ng bill na ichinarge sa black card nito. Baka nga barya lang para dito ang mga pinamili niya.
Pumasok na siya sa loob ng silid at naglinis ng sarili bago mahiga sa kama. May sariling cr ang nasabing silid kaya hindi na niya kinailangan pang lumabas kung kinakailangan niyang magbanyo. Pero heto nga siya ngayon at hindi dalawin ng antok. Dahil siguro sa pagkakaidlip niya sa loob ng kotse o dahil namamahay siya kaya ganun.
Nakiramdam siya sa paligid niya. Mukha namang tahimik na ang buong bahay. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina upang uminom. Tanging oversized tshirt lamang ang suot niya dahil iyon ang kinasanayan niyang pantulog kaya iyon din ang binili niya kanina. May suot naman siyang panty pero walang bra dahil hindi siya sanay matulog nang may suot niyon. Mabilis lang naman siya. Iinom lang siya ng gatas para makatulog siya. Iiwasan na lang niyang gumawa ng ingay upang di makaistorbo sa boss niya.
Hindi na siya nagbukas ng ilaw sa kusina. Sapat na ang ilaw ng refrigerator. Nakakita siya ng fresh milk sa loob ng ref. Kumuha siya ng baso at nagsalin duon. Hindi na siya umalis sa harap ng ref habang iniinom ang gatas upang kahit papaano ay may liwanag siya. Pero hindi niya namalayan ang pigurang kanina pa nagmamasid sa kanya sa dilim.
Sunud-sunod na napalunok si Justin dahil sa nakikitang tanawin sa harapan niya. Nasa dulong bahagi siya ng lamesa malayo sa parte ng ref. Hindi siya makatulog dahil hindi mapuknat sa isip nya ang dalaga pero heto ito ngayon at tila aparisyon sa harapan niya. Madilim din sa bahaging iyon kaya hindi siya napansin ng dalaga kahit na nga bukas ang ref at may liwanag dulot niyon. But damn! He can clearly see her silhouette. With the help of the refrigerator's lighting, kitang kita niya ang hubog ng katawan ng dalaga na hindi naitago ng suot nitong oversized tshirt. And oh God, but she isn't wearing anything underneath except that piece of clothing at the center of her body. But even that didn't hide that "thing" that it should be hiding in the first place. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan at tila gusto na rin niyang uminom ng gatas na iniinom nito. Or should it be, higupin ang natitirang gatas sa bibig nito. He couldn't help it but a groan escaped his throat.
Nagulat si Jazz sa narinig na ungol di malayo mula sa kinaroroonan niya. Tila iyon ungol ng isang hayop na nahihirapan. Akma na siyang sisigaw sa takot ng makarinig ng mga yabag na papalapit sa kanya at hinila siya nito para takpan ang bibig niya.
"Shhh... It's just me." wika ni Justin.
"What are you doing in the darkness?" inis nitong tanong sa kanya ng alisin niya ang kamay sa bibig nito. "Muntik na akong atakihin sa puso ng dahil sa nerbyos!"
"Well it's your fault di ka marunong magbukas ng ilaw."
"Akala ko po kasi tulog na kayo sir at ayokong makaistorbo nang natutulog na, " sarkastikong sagot nito.
Ang cute talaga ng babaeng ito lalo na kapag naiinis. Nakakagigil ang sarap pisilin ng pisngi!
"Bakit gising ka pa?" tanong niya dito.
"Hindi ako makatulog siguro dahil naidlip ako sa kotse kanina kaya naghanap ako ng gatas. Mas madali akong makahanap ng tulog sa gabi kapag uminom ako ng gatas. Pasensya ka na kung niransack ko na ang ref mo ng walang paalam. Akala ko kasi tulog ka na at ayaw kong makaistorbo," dere-deretsong wika nito.
"How can I sleep when the one who bothers me is just beside my bedroom," bulong niya sa sarili.
"Ano pong sabi nyo?" tanong nito na tila naulinigan ang ibinulong niya.
"Wala," aniya. "You're like a baby. Drinking milk at night to get some sleep."
"Effective naman sya sir. Try mo din po," sabi pa nito bago nilagok ang natitirang gatas sa baso at inilapag sa katabing lababo.
"Talaga ba? Maybe I should taste it first," wika niya at walang kaabug-abog na hinila ang dalaga palapit sa kanya upang idampi ang labi niya sa mga labi nitong may bakas pa ng gatas!
Nanlaki ang mata ni Jazz sa gulat sa ginawa ng binata. Pero saglit lang ang pagkabigla niya dahil dagli din siyang natangay ng palalimin nitong muli ang halik. Di na niya napigilan mapapikit at tila may sariling isip ang mga labi niyang kusang tumugon dito. Kahit ang muling pananaliksik ng dila nito sa loob ng bibig niya ay kusa ring tinugon ng sarili niyang dila. She heard him moan because of pleasure and satisfaction. Ngunit kusa din nitong pinutol ang halik na iyon.
"That was the sweetest milk I've ever tasted!" wika nito bago muling kinintalan ng masuyong dampi ng halik ang mga labi niya.
"You should go back to your room and sleep, baby. Bago pa magbago ang isip ko." Tila hirap itong bumitiw sa mga labi niya ng sabihin iyon. Hinaplos pa nito ang mukha niya bago tuluyang tumalikod at derederetsong pumasok sa silid nito.
She was left staring at the darkness, once again confused by what just happened.