Dahil sa nangyari sa mama ni Justin ay maagang natapos ang hapunan. Agad na dinala sa kwarto ng mag-ama ang ginang. Maya-maya pa ay may dumating na doctor para tingnan ang mama ni Justin. Must be their family doctor. Sya naman ay inihatid na muna ni Justin sa kanyang silid at binilinang magpahinga muna. "Will your mom be ok?" nag-aalala niyang tanong. Justin sighed. "I hope so. Baka dahil sa lagnat kaya bigla syang nawalan ng malay." "Ok naman sya kanina eh. What could have happened?" "Don't think about it Jazz. The doctor's here already. You should take a rest," wika nito at iginiya na sya papasok ng kanyang silid. "Ok ka lang ba," nag-aalala niyang tanong sa binata. She lifted her hand and touched his arm. Tumango ito. "I'm ok. Don't worry." She heard the worry in his voice

