Let's Travel Back Down That Memory Lane

1671 Words
Hindi na pinasama ni Justin ang personal driver niya pauwing probinsya. Siya na lamang ang nagmaneho ng kotse niya. He needed that distraction upang mailayo ang pansin sa babaeng palagi na lang gumigising sa natutulog niyang p*********i. He knows he'll continue being like this unless he gets to fulfill his desire for her. But he can't do that especially right now. Kailangan munang makabalik ng mommy nya sa Korea. Kahit pa sabihing magpapanggap itong fiancee niya habang nandito ang parents nya ay hindi naman siya maaring lumampas sa boundaries niya. He knows that Jazz is still an innocent lady and crossing that line would be a disaster, not only to her, but also to him. He knows that a virgin lady will cling to the man whom she had first s*x. And he's not ready for that. Nasanay siyang meron silang silent agreement ng babaing makakatalik. No strings attached, 'ika nga. Pero alam niyang iba si Jazz. Hindi ito katulad ng mga babaing katulad din lang niya ang habol, ang makaraos sa kaniyang s****l urges. Kaya nga hangga't kaya niyang magpigil ay gagawin niya. Hindi din naman ito yung tipong sadyang nang-aakit upang mapansin nya. Kahit nga ng unang beses nya itong makita na nag-apply ng internship sa kumpanya nya ay may kakaibang atraksyon na agad siyang nadama para dito. Kaya nga personal niyang hin-hire ang dalaga. At sa tuwing sumisilip siya sa work space ng mga empleyado niya ay ito kaagad ang unang-una niyang napapansin. Kapag may mga seminar at conferences at isinasama ito ni Mrs. Rosales ay lagi niya itong pinagmamasdan. Hindi naman ganun ka-outstanding ang physical appearance nito. Simpleng office attire nga lang lagi ang sinusuot nito kapag pumapasok sa opisina. Nothing fancy at all pero palaging nakukuha nito ang atensyon nya. Hindi din ito yung tipong papansin sa mga empleyado niya. Marami din kasing mga babaeng employees niya ang nagpapakita ng motibo sa kanya sa tuwing magagawi siya sa work space ng mga ito, pero si Jazz walang pakialam. Babati lang ito sa kanya kapag dumaan sya sa harapan nito o kung makakasalubong man niya pero hanggang dun lang at ipagpapatuloy na din agad ang ginagawang trabaho. Kaya nga nung tanghaling iyon na maulan ay agad niya itong nakita kahit malayo pa ang kinalalagyan ng pwesto nito sa pinagpaparking-an ng kotse niya. At hindi nya akalaing ng dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyan siyang mapapalapit sa dalaga. Papasok na sila sa bayan ng Lucena ng magsalita ito. Kanina pa sila parehas na tahimik. Habang nasa Expressway sila ay nakatulog ito. At nagising lamang ito nung nasa bayan na sila ng San Pablo, Laguna. Pabor naman sa kanya ang pananahimik nito dahil mas nakakapagfocus siya sa pagmamaneho. Pero tila hindi na ito nakatiis sa patuloy na katahimikan. "Pwedeng magkwento? Medyo mababaliw na kasi ako sa sobrang tahimik ng byahe natin." Nagkibit siya ng balikat," Ikaw... " Bumuntong-hininga ito. "Dati kaming nakatira dito sa Lucena. Dun sa malapit sa sementeryo. Pero nung namatay si daddy ko, lumipat kami ng Manila and live with our tito Carl. Kapatid sya ng mama ko. Wala na kasing mag-alaaga sa amin kasi nung 2 years old pa lang ako sabi nila namatay din si mama." He already knows her life story. Yung mga basic knowledge lang naman upon hiring an employee. Alam niyang ulilang lubos na ito at tanging mga kapatid na lang ang kasama sa bahay. Alam din niyang mga professionals na ang mga kapatid nito at sikat na hollywood actress pa nga ang panganay na kapatid nito. But she never flaunted it to anyone, none that he heard during her stay as an intern. Nagpatuloy itong magkwento. "Sabi ng mama Bebe ko, kapatid din sya ng mama ko, si mama daw yung pinakamatalino sa kanilang magkakapatid. During pandemic nga daw nag boom yung pag-oonline business ni mama. That time, kapapanganak lang daw niya sa akin. Tapos dahil patok din noon yung mga delivery services, inaral nila ni daddy yun and dun nagstart mag boom yung negosyo nila ni mama. Kaya lang before my second birthday naaksidente daw si mama at si daddy kaya namatay si mama. Sinisi ni daddy yung sarili niya sa nangyari kay mama kaya pinabayaan niya yung sarili niya, pero hindi yung negosyo namin ha, hands on pa din sya dun sa online selling at delivery service. Kahit nagkakasakit na sya, deretso pa din ang pagtatrabaho niya hanggang sa tuluyan siyang magkasakit, tapos namatay siya." "Sa totoo lang kapag ako ang nagkukwento ng tungkol sa life story namin, I always sound boring. Maybe, I'm not a good story teller talaga, " tumawa pa ito sa sinabi. "Well not everyone can tell their stories in a very catchy or dramatic way. And unfortunately, isa ka na dun." Muli itong tumawa dahil sa sinabi niya. "Well, I guess you're right." Nagkibit pa ito ng balikat. "Or maybe because I was too young then, when those incidents happened. Ni hindi ko nga maalala kung ano bang itsura nila, lalo na si mama. Sa tuwing titingnan ko ang mga pictures nila na itinabi nina ate, all I can feel is that I'm staring at a stranger's photograph. Di ko maramdaman yung longing for them. Sa tuwing uuwi kami dito para dalawin ang mga puntod nila, lahat sila umiiyak pero ako hindi. Hindi naman ako bato or matigas ang puso but everytime I hear them tell stories about my parents, I feel like I'm listening to a stranger's story." She seems to be nonchalant in sharing her story but he can sense sadness in her voice. "Sa tingin ko naman, valid naman yung nararamdaman mo about your parents. You were still just a baby when those things happened. And I think naiintindihan naman yun ng mga kapatid mo." Ngumiti ito, "They're the sweetest siblings any bunso could ask for. Kung ano mang pagkukulang ang nararamdaman ko sa maagang pagkawala ng mga parents ko, pinunan nilang lahat yun." "I'm an only child so I don't know how it feels to have an older sibling or a younger one," wika niya. "Masarap maging bunso," she giggled when she said that. "Palaging ikaw ang inuuna sa lahat ng bagay. Lalo na kapag may pasalubong, sayo laging iaabot tapos ikaw din ang unang papipiliin ng kung anong gusto mo. But sometimes, they become so overprotective na halos lahat naman ng pwedeng ipagbawal, ipagbabawal na nila sa'yo." "Well, kung ako din ay magkakaroon ng kapatid na katulad mo, I can be more overprotective." "Buti na lang di kita naging kapatid," he heard her whisper. He chuckled on her remark. "I'm sharing you my story since I'm posing as your fiancee. Its only proper that you know something about me more than just my family background." "What about you, any insightful story you may want to share with me?" He laughed again. He never thought that talking with her like this would make him laugh. "Hmmm... Let me think... Aside from being an only child and one of the young CEO's of this generation, I'm rich, I'm handsome and I'm a good catch, don't you think?" he was grinning when he said that then playfully winked at her. She rolled her eyes and said, "Hay, ang yabang!" His heart fluttered when she did that. "Ang cute mo talaga!" "Do I look like a puppy to you? You always say I'm cute." "Well, most of the time you're cute, then sometimes you're beautiful, sexy but most often times you're desirable." Her cheeks blushed when he said the last word. "But you're most desirable when you blush." Mas lalo pa itong namula dahil sa sinabi nya. He can't stop grinning. "Stop teasing me, boss!" Muli siyang napahalakhak dahil sa sinabi nito. "I'm complementing you!" She pouted her lips. "Complement, my ass!" Another loud laughter from him,"Don't pout on me baby. And stop cursing! You should now what I'm capable of doing to you if you continue that." matapos ay tinitigan ito ng matiim. Inirapan lang sya nito. "Eyes on the road boss!" she said at ipinaling nito ang mukha nya pabalik sa unahan. Muli siyang napahalakhak ng malakas. Marami pa silang napagkwentuhan habang papalapit na sila sa kanilang destinasyon. Maaring boring nga itong magkwento ng tungkol sa mga magulang nito pero masayang kausap ang dalaga. May mga trivia pa itong binabanggit sa mga lugar na nadadaanan nila and he never had any dull moment through the rest of their journey. Malapit na sila sa private road na papasukin nila patungo sa villa nila nang biglang matahimik ang dalaga. Matiim itong nakatitig sa daang tinatahak nila na tila ba may pilit na inaalala. "Hey, Jazz, are you alright?" nasa boses nya ang pag-aalala. Nilingon siya nito pero tila ba hindi siya nakikita nito. "Hey, wag mo syang iiwanan!" Nagulat siya ng biglang sumigaw ang dalaga. Nang tingnan niya ito ay umiiyak na ito. Hysterical na ito at patuloy na sumisigaw habang umiiyak. "Don't leave her! Bumalik ka! Huwag mo siyang iwan." Napilitan siyang itabi ang kotse at huminto. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang dalaga at tinawag. "Hey, Jazz! Look at me baby! Tell me what's happening? Why are you crying? Sino ang hindi ko dapat iwan?"sunud-sunod niyang tanong dito. Hindi ito sumagot pero patuloy lang sa histerikal na pag-iyak ang dalaga. Ang lakas ng hagulgol nito na tila ba may malaking bagay na nawala dito. Niyakap ni Justin ng mahigpit ang dalaga at patuloy na inalo. Patuloy niyang hinihimas ang likod nito upang mahimasmasan. Hanggang sa unti-unting humina ang pag- iyak hanggang tila hikbi na lang iyon. Maya-maya pa'y tuluyan na itong tumahimik, ni hikbi ay wala na siyang naririnig. Marahan din itong tila dumudulas mula sa pagkakayakap niya. Pagtingin niya dito ay tila tulog na ito o marahil ay nawalan ng malay ngunit mabini naman ang paghinga nito. Iniayos niya ng upo ang dalaga. Inirecline nya ang upuan nito upang makahiga ito ng maayos. Nang masiguro niyang ok na ito ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. Mabilis ang kanyang pagmamaneho upang makarating na agad sila sa villa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD