Pinagmamasdan ni Jazz ang singsing na nasa daliri niya. Hindi siya makapaniwala! All of a sudden, she is already engaged. At sa big boss pa niya! Ano bang gulo 'tong napasok ko? Inis niyang tanong sa sarili. Itinaas pa niya ang kaliwang kamay upang pagmasdang mabuti ang suot na singsing. Kumikinang ang diamante niyon sa tama ng ilaw ng silid na kinaroroonan niya. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina ni Justin. Pagkatapos kasi ng eksenang ginawa nito sa harap ng mga magulang nito at executives and board members ng kumpanya ay natulala na lang sya sa pagkabigla. Tila sinamantala naman iyon ng binata at agad siyang ipinagpaalam sa lahat at dinala siya sa opisina nito. Idinahilan pang dahil sa sobrang overwhelmed siya sa "unexpected proposal" nito kaya siya natahimik. Hindi na siya nagprotesta dahil ang nais na lang niya ay makaalis sa harap ng nga tao. Kung maari nga lamang na lumubog na siya sa ilalim ng stage! Jusmio marimar, Heiden Jazz! Di mo pa nga naayos problema mo sa weird mong panaginip, eto at sumakay ka pa sa kalokohan ng boss mo! Kastigo pa niya sa sarili. Muling natuon ang pansin niya sa singsing na suot. "In fairness, ang ganda nitong singsing," wika niya sa sarili. "Magkano kaya ito kapag isinangla ko? Siguro mahal 'tong singsing na ito? Alangan Heiden Jazz! Sa yaman ba naman ng koryanong yun, tsaka engagement ring 'to ng parents nya kaya siguradong mamahalin 'to." Para siyang timang na kinakausap ang sarili."Pero di naman totoo yung engagement nyo kaya wala kang karapatang isangla yan iha!", wika pa niya. Hay juicecolored naman talaga! Napapailing na lang talaga siya.
Tumayo siya at nagpalakadlakad sa loob ng silid. Ano bang dapat niyang gawin? Gusto lang naman niyang matapos ng matiwasay ang internship nya dito sa K'Centric. Makakuha ng mataas na job rating para maka-graduate na at makapag focus sa negosyong naiwan ng mga magulang nila. "Napakasimple lang naman ng goal ko, Lord! Bakit naman ginawa mo pang kumplikado. Baka masabunutan ako ng mga ate ko nito!"
Dahil sa pagkakabanggit niya sa mga ate niya ay naalala niyang tawagan ang mga ito pero naiwanan niya ang cellphone niya sa ibabaw ng office desk niya. Nag-aalala siyang baka nakarating na sa mga ito ang balita tungkol sa kanya. Siguradong magugulat ang mga iyon. Baka nga bigla pang umuwi ng Pilipinas ang ate Harmoney niya kapag malaman nito ang tungkol sa engagement niya! "Fake engagement, gaga!" saway niya sa sarili!
Pero natatakot siyang lumabas sa silid na iyon. Kinakabahan siyang may makakitang katrabaho niya at matanong siya sa kung anong nangyari. Iniisip niya na baka pinagtsitsismisan na siya ng mga kasamahan niya. Imaginin mo nga naman isang simpleng intern lang siya pero biglang fiancee na siya ng presidente ng kumpanya nila! Kahit naman sino magugulat. Siya pa naman yung tipo na tahimik lang at hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao. Introvert kasi ang personality nya kaya wala siyang naging kaclose dito. Madalas na si Mrs. Rosales lang ang nakakausap niya at palaging tungkol iyon sa trabaho. Lagi din namang after lunch na ang duty niya kaya wala din syang nakakahalubilong iba at pagtapos naman ng duty nya ay deretso uwi na sya. Kung tutuusin napakaboring ng lifestyle nya, sobrang bland ng daily routine niya kaya naman talagang di niya akalaing mapapasuong siya sa ganitong sitwasyon!
Gusto na talaga niyang lumabas pero di niya alam kung anong madadatnan niya kung lalabas man siya. Hindi pa din bumabalik si Justin simula ng iwan siya nito upang tapusin ang conference meeting at ihatid ang mga magulang sa hotel na tutuluyan ng mga ito pansamantala. Hindi din nya maintindihan kung gusto pa ba nyang makita ang binata matapos ang nangyari. He literally kissed her! Nag-init ang mga pisngi ng dalaga ng maalala muli ang nangyari kanina. Shucks! It was her first kiss and it was stolen by that jerk! Justin Lee, nakakainis ka talaga! Wala sa loob na napahawak siya sa mga labi niya. She can still feel the warmth of his lips gently pressed on her. And it made her shiver. Parang may kung anong emosyon ang nabuhay sa kanyang pagkatao dahil sa halik na iyon. Muli siyang napaupo because of frustration! Hindi niya kitang namumula na ang mga pisngi niya sa mga oras na iyon!
Kanina pa si Justin sa may gilid ng private elevator door at pinagmamasdan ang dalaga. Bumalik na siya mula sa paghahatid sa sasakyan ng mga magulang upang umuwi pansamantala sa hotel na tutuluyan ng mga ito. Kaya naman kita niya ang sari-saring emosyong nagpapalit-palit sa mukha ng dalaga and he cannot help but stare. She really is cute and napakainosente ng mukha. Very expressive ng mga mata nito at agad mong masasalamin kung anong emosyon ang nararamdaman nito. Katulad ngayong hawak na nito ang mga labi at namumula ang mga pisngi. Naalala niya ang ginawang paghalik dito kani-kanina lang. Hindi niya napigilan ang sarili. When she looked at him very much confused, kinagat pa nito ang mga labi kaya naman lalong di niya napigilan ang udyok ng sarili upang ilapat ang mga labi niya sa mga labi nito. At kung hindi nga lamang dahil sa mga palakpakang narinig niya sa paligid, nais pa niyang palalimin ang halik na iyon. Her lips were so soft, sa tingin niya ay magsusugat iyon kung sakaling pinanggigilan niya ang mga iyon. Even her body was so soft and warm and delicate that when he hold her in his arms, he felt that protective instinct again that he already felt kaninang katabi niya ito sa kotse. And something else! May kung anong init ang binuhay ng babaeng iyon sa kanyang pagkatao simula ng maglapat ang kanilang mga labi. Something more carnal, more of a desire! Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang mga carnal thoughts na namumuo sa isip niya. Now is not the time, Justin Lee. Stop being a pervert in front of this woman!
Humakbang siya papalapit dito at tumikhim upang ipadama ang presensya niya sa paligid. Lumingon naman ito sa gawi niya ngunit tila natigilan ito kasabay ng lalong pamumula ng mga pisngi nito. What were you thinking, jagiya? She looks more attractive whenever she blushes. Something moved in the center of him. Huminto siya sa paglapit dito. He must keep his distance from her for a while. Baka di na naman siya makapagpigil at bigla na lamang niya itong muling yakapin at halikan. Gosh Justin! Stop acting like you've never had a woman in your life, man!
Tumikhim din ito at nagsalita, "Ahm, sir I need to call my sister. Baka po nag-aalala na sila sa akin. Medyo late na din po kasi eh." It was already seven in the evening. 5pm ang oras ng labas niya sa opisina at isang oras ang byahe pauwi sa kanila. Atrasado na siya ng isang oras kung tutuusin. "I also need to explain to them yung nangyari kanina. Baka po kasi nakarating na sa kanila yung tsismis tungkol sa atin."
Napangiti ang binata sa tinuran nito, tsismis!
Lumapit ito ng ilang hakbang sa kanya, "May mga tao pa po kaya sa labas ng office nyo sir? Nahihiya po kasi akong lumabas. Hindi ko po alam kung anong isasagot sa kanila kapag nagtanong sila sa akin. Kukunin ko lang po sana yung mga gamit ko pati na din yung cellphone ko. I really need to make a call."
He shrugged his shoulders. "I don't know Ms. Francia. I used my private elevator going up here," aniya at itinuro pa ang pintuan ng elevator.
Yumuko ito at tila pa nag-iisip ng sasabihin. Maya-maya'y bumuntunghininga bago umimik, "Lalabas na po ako, sir," anito bago tumalikod upang magtungo sa pinto.
"Stay here, Ms. Francia," pigil niya dito at lumapit siya sa kanyang table. Pinindot ang intercom at nagsalita, "Mrs. Rosales, please bring in here Ms. Francia's things. Thank you!"
Sumagot naman ang nasa kabilang linya,"Ok, sir!"
Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok duon si Mrs. Rosales dala ang mga gamit ni Jazz. Lumapit ito sa dalaga at inabot ang mga gamit nito.
"Thank you, Mrs. Rosales. And please cancel all my schedule for three days. Mom and Dad wants to stay on our villa and they want me to be there, too."
Muling tumango si Mrs. Rosales at nagtungo na sa pinto upang lumabas.
Binalingan niya ang dalaga. "Call your sister or whoever it is you need to call. Tell them you won't be coming home tonight and for the next three days. We're going to our villa in Quezon province!"
Manghang tumingin si Jazz sa boss niya, "Po? Hindi po ako papayagan ng ate ko, sir!"
"Well, we don't have a choice lady. My mom insisted that you should come with us. She wants to know you better. And this is the first time she'd been interested to someone of her own race."
"As if your giving me a choice. Kanina ka pa kaya paladesisyon!" usal ng dalaga
He smirked. Nasasanay na siya sa pagsagot-sagot nito sa kanya. And he find it amusing really!
"Well, it was you who first said that you love my mom! You even called her "mama". She finds you adorable because of that and you made her wanted to know more about you."
Napabuntunghininga si Jazz. So now it was her fault, again. Napailing sya sa naisip.She was also curious kung sino ang imahe ng babaeng nagflash sa vision nya kanina dahilan upang pansamantalang mawala siya sa wisyo at magsalita ng ganun sa harap ng mama ni Justin. Well hindi naman masama ang magsabi ng "I love you, mama" pero dahil duon ay mas lalong namisinterpret ng magulang ni Justin kung anong klaseng relasyon ang meron sila ng binata.
"Fine! I give up! So tell me, hanggang kailan ko kailangang magpanggap na fiancee mo?"
Lumapit si Justin sa harap ng dalaga at umupo sa katapat na sofa. "You should take a seat," anito at iminuwestra ang upuan sa tabi niya. Nagpatianod naman siya at umupo din.
"I'll try to convince mom to go home after their 3 days stay at our villa in the province. Once they get back to Korea, pwede na siguro nating sabihin that we broke off the engagement. Ako na ng bahalang mag reason-out."
Tumango-tango sya. Mabilis lang ang tatlong araw. Pwede namang umiwas na lang sya sa loob ng tatlong araw na iyon para di makasalubong ang mama nito. Try din kaya nyang magpakita ng masamang ugali para ma-turn off sa kanya ang mama nito. Pero hindi pwede, baka pati internship niya madisgrasya din. Ah basta, iiwas na lang ako. Pati sa lalaking ito, sisiguraduhin kong di na siya magka-chance pa na nakawan ako ng halik!
She heard him chuckle. Napatingin siya dito and she could see him suppresing a laughter. "What's so funny?"
Umiling ito. Pero hindi na nito napigiling tumawa. "You really are so cute, Jazz!"
Lalo namang namula ang mga pisngi nya dahil sa tinuran nito. He literally complimented her!
"I find you really adorable Jazz, especially when your blusing," he's grinning and his eyes are twinkling in amusement. And, oh how he pronounces her name gives butterflies to her stomach.
"This isn't funny. You shouldn't make fun of this or me!" mataray niyang wika dito.
Umiling ito, still grinning. "Oh no, Jazz. I don't find this funny, not at all. You really don't know what's going on inside of me by just mere looking at you. Especially when you suddenly changes your mood. From being shy and blushy to getting pissed and angry. You don't know how much you affect me." Unti-unting nawala ang ngiti nito sa mga labi at naging seryoso habang sinasabi ang mga salitang iyon. Matiim din na tumitig sa kanya ang binata.
Umiwas siya ng tingin at tumayo mula sa pagkakaupo. Di niya alam kung bakit pero biglang kumabog ang dibdib niya ng titigan siya nito sa mga mata. Bigla siyang kinabahan na di nya mawari.